Special Chapter

10.3K 309 25
                                    

Chloe and Bryan

Chloe's Pov

Kahit gustuhin ko man ay hindi na talaga ako maka tulog.

Naka titig lamang ako sa kulay rosas kong gown na susuotin ko mamaya.

Pag tingin ko sa orasan ay pasado alas kuwatro na ng umaga. Napa hilamos ako sa aking mukha, ilang ulit sinabi sa akin ni Mommy at Ate Ria na mag beauty rest ako pero hindi ko nagawa.

Napa baling ako sa pinto, nadidinig kong marami ng gising dahil abala na sa kani-kanilang gawain.

Ngayon kasi ang ika-labing walong taong kaarawan ko.

Sa sobrang pag ka excite ko ay pati pag tulog kinalimutan ko na. Kaya mukhang kakailanganin ko ng sangkatutak na concealer para maitago ang eyebags ko.

Paano ba namang hindi ako masasabik ngayon, makikilala ko na rin sa wakas ang mate ko.

Napa yakap ako ng mahigpit sa unan. Dahil nasa tamang edad na ako ay lalong lalakas ang koneksiyon namin sa isa't-isa.

Noon pa man ay isang lalaki lang naman talaga ang gusto kong maging mate.

Lalong humigpit ang pag kakayakap ko sa aking unan.

Ang kaninang kasabikan ko ay napalitan ng lungkot. Paano ay dalawang buwan na siyang wala rito sa pack. Ang sabi sa akin ni Kuya Jacob ay may ipinaasikaso lang siya rito. Pero dalawang buwan na ang lumipas ay hindi pa rin siya nag babalik.

Ni hindi man lang siya nag paalam sa akin, sabagay bakit nga ba naman siya mag papa alam eh mortal na kaaway ang turing niya sa akin.

Pag nasa harap ko kasi siya ay hindi ako nakaka pag isip ng maayos kaya naman kung ano-anong kabalbalan ang lumalabas sa bibig ko. Kaya imbis na magustuhan niya ako ay naiirita pa tuloy siya sa akin.

Bata pa lang ako ay may kakaiba na akong nadarama para sa kaniya.

Sa mga naka lipas na taon ay ramdam kong may koneksiyon kami. Ang kaso nga lang ay parang bale wala lang sa kaniya dahil nakikita ko pa rin siyang may kasamang ibang babae. At hindi lang basta babae, maraming mga babae.

Parang dinudurog ang puso ko sa kaisipang iyon.

Magugustuhan nga ba naman niya ako kung parang bata pa ako kung umasta? At isa pa, kung ihahalintulad ako sa mga babaeng nakaka sama niya ay para lang akong isang batang nasa elementarya habang sila ay mga nasa kolehiyo na at pa graduate pa.

Napa upo akong bigla saka napa titig sa aking dibdib.

Nanlumo ako ng makitang kasing laki pa rin ng dalandan ang mga ito.

Ginawa ko naman ang mga sinabi ni Ate Jenna na exercise para naman lumaki sila kahit papaano, pero walang ng yari pang dalandan lang talaga ang kinaya. Samantalang sa mga babaeng tipo niya ay kasing laki ng melon at minsan ay sing laki pa ata ng pakwan. Minsan ay tinanong ko si Ate Ria na baka may alam siyang salamangka na pang palaki ng hinaharap ang kaya lang ay natawa lang siya sa sinabi ko.

Napa buntong hininga ako. Paano niya ako magugustuhan nito?

Malakas talaga ang paki ramdam ko na siya talaga ang mate ko. Kahit sino ay iyon ang sinasabi, itinatanggi ko lang pero sa totoo lang ay tuwang-tuwa ako.

Sa kakaisip ko ng kung ano-ano ay hindi ko malayang naka tulog na pala ako.

''Tita! wake up! wake up na tita flat!''

Napa mulat ako ng maramdaman kong may mga palakang nag lulundagan sa kama ko.

Pag dilat ko ay hindi pala mga palaka, kung hindi ang tatlo kong pamangkin na saksakan ng cute at kulit.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now