🐺Chapter 27🐺

7.9K 259 32
                                    

Hi kay bhem080489 na unang naka pansin ng tinutukoy ko 🎉🎉🎉

BlackBloodDevil22
juvydimpas
alexcaelum86
MiHomii
MaggiCuaresma2
user79959765
🐾ImAwolf_95

☃☂☃☂☃☂

Ria's Pov

Tahimik lang si Carlson habang nag lalakad-lakad kami.

Mabuti na rin yung hindi niya ako tinanong sa kung ano ang nangyayari dahil napapagod na akong mag kuwento at umiyak.

Napili kong tumigil at tumanaw sa malawak na kagubatan na nasasakupan ni Jacob.

Kahit na ayokong isipin ay muli kong naaalala ang mga pang yayari.

Mula ng magising siya na hindi na niya ako nakikilala, hanggang sa nasakal niya ako, sinampal, pinag salitaan ng masasakit.

Kakayanin kong lahat ang mga iyon pero ang makitang may iba na siyang mahal. Sobrang sakit, na yung dating taong sinasabing mahal na mahal ka ay heto at sinasabing hindi ako ang nais niyang makasama.

Pero higit akong nasasaktan para sa aking anak. Dahil wala siyang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa amin ng ama niya.

Kanina ang buong akala ko ay na aalala na niya ako dahil nakita ko kung paano siya nagalit ng makita kami ni Melvin na mag kayakap, pero nag kamali ako.

Dahil si Lucy pa rin talaga.

Nawawalan na ako ng pag asang bumalik ang Jacob na minahal ko at hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin kahit na sinasaktan niya na ako.

''Ms Ria.'' napukaw ang atensyon ko ng tawagin ni Carlson ang pangalan ko.

Pinahid ko muna ang aking luha bago humarap sa kaniya.

''Ano 'yon Carlson?'' tanong ko, tila nahihiya pa ito at ilang minuto pa ang lumipas ay hindi ito sumasagot.

''Saan ang b-banyo?'' hindi siya maka tingin sa akin habang nag tatanong.

Napangiti ako saka itinuro ang direksiyon kung saan ang pack house.

''Dumiretso ka lang, d'yan ang daan papuntang pack house.'' aniya, nahihiyang ngumiti ito saka nag paalam at nag mamadaling umalis.

Napa iling na lang ako saka muling tumingin sa magandang tanawin.

Nagulat ako ng biglang may humatak sa aking buhok.

''Akala mong babae ka patatakasin na lang kita ng ganon-ganon na lang!'' sigaw ni Lucy habang hawak niya ng mahigpit ang aking buhok, pakiramdam ko ay mabubunot ang aking buhok sa aking anit sa tindi ng pag hila niya.

''Bitawan mo ako Lucy!'' sigaw ko, pilit kong tinatanggal ang kaniyang kamay sa aking buhok ngunit talagang mahigpit ang kaniyang pag kakakapit.

''Ahhh!'' daing ko ng muli niyang hatakin ang aking buhok.

''Ano! akala mo palalampasin ko yung ginawa mong babae ka! pangalawang beses mo na sinira ang mukha ko kaya ako naman ngayon!'' saad niya saka humalakhak.

Nagulat ako ng bigla niya akong hatakin pa dapa sa lupa.

Agad kong iniyakap ang aking dalawang kamay sa aking tiyan.

Hindi maaaring masaktan ang aking anak.

Sa sobrang lakas ng pag kaka hila niya sa akin ay tumama ng malakas ang ulo ko sa lupa.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now