🐺Chapter 19🐺

9.8K 271 5
                                    

Lurecia's Pov

''Arrghhhh!'' gamit ang aking salamangka ay binasag ko ang salamin na nasa aking harapan. Lahat na ng salamangkang alam ko ay ginamit ko na matanggal lang ang pilat sa aking mukha. Pero kahit na isa ay walang naka pag paalis ng nakaka diring pilat na 'to sa aking mukha.

''Ang babaeng yon! sisiguraduhin kong mag babayad siya!'' nag pupuyos kong saad.

''Arggghhhh!'' muli kong ginamit ang aking salamangka at ipinatama iyon sa pader.

Panay ang hinga ko ng malalim dahil sa poot na aking nadarama.

''Mag pa ka saya ka lang ngayong babae ka! dahil sa oras na dumating ang araw ng aking pag hihiganti ay sisiguruduhin kong luluha ka ng dugo!'' saad ko saka tumawa ng tila isang demonyo.

''Sa ngayon ay pag hahandaan ko muna ang ipaparanas ko sa'yong impyerno. Mabuti pang bisitahin ko muna ang aking walang kwentang alagad.'' aniya saka lumabas sa kaniyang madilim na silid.

Nilakad niya ang mahabang pasilyo, ng maka rating sa kaniyang patutunguhan ay kusang bumukas ang pinto para sa kaniya.

Pag pasok niya ay agad na umangat ang mukha ng kaniyang walang kwentang alagad, napa ngiti siya.

Naka kadena ang mag kabilang kamay at paa nito.

Ang guwapo nitong mukha ngayon ay tadtad na ng sugat at hiwa. Wala siyang suot na damit pang itaas, kaya naman kita ang malalaking latay sa kaniyang katawan.

Kinuha ko lang ang kailangan kong impormasyon sa kaniya saka ko ibinigay ang parusang nararapat lamang sa asong kagaya niya.

''Lu-lurecia'' nahihirapan nitong saad.

Lumapit ako sa kaniya at tumigil kung saan ay isang talampakan na lang ang layo namin sa isa't-isa.

''Ohh, mahal kong alaga. Nauuhaw ka na ba ha? nagugutom? kamusta naman ang tulog mo?'' tanong ko, napa ubo ito kaya naman may tumalsik na dugo sa aking mukha.

''Argghhh! wala ka talagang kwenta!'' sigaw ko, lumakad ako patungo sa isang sulok ng silid na iyon saka ko kinuha ang latigo na naka sabit sa maduming dingding.

Pag ka kuha ko dito ay dahan-dahan akong lumapit sa kaniya habang iwinawasimas ang latigo ko na balot na ng kaniyang dugo.

''Katulad ka rin ni Xander, mga wala kayong pakinabang.'' I said in  a dangerous tone. Bakas na ang takot sa mukha nito habang naka tingin sa akin.

''P-pakiusap L-urecia, b-bigyan mo pa ako n-ng isa p-pang pag kakataon.'' nahihirapan nitong saad. Huminto akong muli sa kaniyang harap saka marahang ipinadama sa kaniya ang aking latigo napa pitlag pa ito ng dumampi sa kaniyang balat ang latigo.


''Tsk, tsk, tsk. I don't think so'' naka ngisi kong saad, saka ko hinampas ng buong pwersa ang hawak kong latigo sa kaniyang katawan.

''Ahhhhh!'' hiyaw nito saka humigpit ang pag kaka hawak sa mga naka tali sa kaniyang kadena.

Muli akong tumawa ng parang isang demonyo, natutuwa ako tuwing nakikita ang bumabakas na sakit sa kaniyang mukha.

''Sigaw pa! isigaw mo kung gaano kasakit!'' saad ko saka sunod-sunod ang ginawang pag hampas sa kaniya.

Nang tila makuntento na ako sa dugong umaagos sa kaniyang katawan, ay binitawan ko na ang latigo.

Naka ngiti ako habang nakikita ang pangiginig ng katawan nito. Mabagal na ang pag galing ng mga sugat sa katawan nito, dahil sa ginamit kong wolfsbane ay siguradong maging ang kaniyang wolf ay nang hihina na rin.

''Pero alam mo, may pakinabang ka pa pala sa akin.'' aniya, kahit na hirap ay tumingin ito sa akin. Tila nabuhayan ito ng loob ng madinig ang sinabi ko.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now