🐺Chapter 29🐺

9K 249 35
                                    

New cover 😍 thank you so much to YlCero... lab,lab Alpha Lodi

And hi to ManuelaMaeAnasco.

✾✿❀❁❃

Nanlaki ang aking mata ng madinig ang kaniyang tinig.

''Sh*t! ang lakas ng radar ng bruha na 'to, gagawa pa lang tayo ng plano buko na agad.'' dinig kong bulong ni Bryan.

Hindi ko maalis ang tingin ko kay Lurecia, bumalik na siya sa dati niyang itsura at kita ang malaking peklat sa kaniyang kanang mukha.

''Bad, dogs.'' saad niya saka umiling.

''Ganiyan ba ang itinuro sa inyo ng inyong mga magulang? ang pag usapan ang isang tao sa kaniyang likuran?'' naka ngisi niyang tanong.

''Hindi ka tao Lurecia! demonyo ka!'' sigaw ko, agad nag laho ang ngisi sa kaniyang mga labi.

Matalim siyang tumingin sa akin.

Jacob grabbed me and pushed behind him, he took a protective stance in front of me.

''Oh! Jacob!'' masaya niyang sambit, dahil nasa likod ako ni Jacob ay hindi ko makita ang mukha ni Lurecia.

Hindi kumibo si Jacob. Tiningnan ko ang ibang naroroon, hindi nila inaalis ang kanilang paningin kay Lurecia. Binabantayan nila ang bawat kilos nito.

''Akala mo ba hindi ko alam?'' tanong ni Lurecia.

Hindi pa rin sumagot si Jacob.

''Akala mo tanga ako!''

I flinched.

Biglang lumakas ang tinig nito saka humalakhak.

''Nung araw na kunwari'y pinalalayas mo ang babae na yan ay alam ko ng nawala na ang bisa ng salamangka ko sa'yo. Nakita ko rin ang pag palit ng kulay ng iyong mata, tanda na nag balik na ang iyong wolf.'' saad niya sa nakaka kilabot na tinig.

Hindi ko man nais ay nakaramdam ako ng takot.

Pabago-bago ang kaniyang emosyon.

''Ang lakas din naman ng wolf mo na yan, sa tindi ng salamangka na ginamit ko sa kaniya upang manahimik ay naka wala siya don.'' tumatawa na naman niyang saad ngayon.

''Ang nagagawa nga naman ng pag ibig, nagawa mong maka alis sa aking salamangka dahil sa pag mamahal mo sa kaniya.'' saad nito.

''Pero ano pang silbi niyan kung wala naman kayong nadaramang koneksiyon sa isa't-isa?'' ramdam ko ang paninigas ng katawan ni Jacob sa sinabing iyon ni Lurecia.

''Akala mo siguro purki't pinaalala sa'yo ng wolf mo ang lahat ay babalik na ang koneksiyon niyo bilang mate, na-ah'' saad nito.

''Shut up!'' galit na saad ni Jacob.

''Bakit mo ako sinisigawan? ako na ang mate mo kaya tanggapin mo na lang iyon Jacob Vansrod. Ako na ngayon ang kalahati ng buhay mo.''

''I would never want you to be my mate!''

Akmang susugod si Jacob ng hawakan ko ang kaniyang balikat.

Bahagya siyang lumingon sa akin, umiling ako.

''Huwag kang mag pa dalos-dalos, malakas na witch si Lurecia.'' mahina kong saad.

Jacob clenched his jaw and closed his eyes.

Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang kaniyang sarili.

At ng dumilat siya ay tipid siyang ngumiti sa akin.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now