🐺Chapter 18🐺

9.6K 325 26
                                    

I'm crying 😢

⭐⭐⭐⭐⭐

''Briana nasabi sa akin ng daddy mo na gusto mong maging isang Luna, totoo ba iyon?'' tanong sa akin ni mommy habang naka higa ako at naka unan sa kaniyang hita.

''Yes mommy! gusto kong maging Luna ni Kulot.'' naka ngiti kong saad, natawa si mommy ng sabihin ko iyon.

''Pag dating ng panahon na 'yon, tiyak kong ikaw ang pinaka maganda at makapangyarihang Luna.'' saad ni mommy habang hinahaplos na ngayon ang aking buhok. Dahil sa mumunti niyang haplos ay unti-unti nakaka ramdam na ako ng antok.

''Talaga mommy?'' tanong ko saka ako humikab.

Tumango ito saka ngumiti sa akin, ''matulog ka na aking prinsesa'' saad ni mommy saka ako tuluyang naka tulog.

''Mommy!'' napa bangon ako bigla ng maalala ang panahong iyon na kasama ko pa ang aking ina.

''M-mommy'' saad ko, naalala ko ang sinabi ni Melvin kaya naman muling dumaloy ang masaganang luha sa aking mata.

Patuloy lang ako sa pag iyak habang sinasambit ang pangalan ng aking ina.

''Ria'' biglang pumasok sa silid si Jacob at pag tingin ko ay bakas ang pag aalala sa kaniyang mukha. Agad itong lumapit sa akin at ikinulong ako sa kaniyang bisig.

''J-jacob, ang mo-mommy ko.'' saad ko habang patuloy na umiiyak, isinubsob ko ang aking mukha sa dibdib ng aking mate.

Sa tagal ng panahon na inasam ko na makasama ko ang aking ina ay hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Lagi kong iniisip noon na muli ko siyang mahahagkan balang araw.

''Shhh.. tahan na, nandito lang ako.'' malamyos niyang saad habang hinaplos ang aking likuran.

''Anak''

Agad umangat ang aking paningin sa lalaking bagong dating.

Nanlaki ang mata ko ng matitigan maigi ang lalaking ngayon ay may mga luha na rin sa kaniyang mata.

''D-dad?'' tanong ko. Malaki ang pinag bago ng wangis ng aking ama sa aking naalala. Tila mas matanda ang itsura nito kaysa sa tunay nitong edad. Ngunit ang hindi nag bago ay ang nararamdaman ko sa tuwing nasisilayan ko ang aking ama.

Mabilis itong tumango at lumapit sa akin, pinunasan ni Jacob ang aking mga luha na patuloy na dumadaloy saka tumayo at lumabas ng silid.

''I-ikaw nga, anak'' naluluha niyang saad saka ako niyakap ng mahigpit.

''D-daddy'' ginantihan ko ng mahigpit na yakap ang aking ama.

''Aking prinsesa.'' saad pa niya ng titigan niya ang aking mukha, hinalikan niya ako sa aking noo saka muling niyakap.

Patuloy lang kaming lumuha habang mag kayakap, paminsan-minsan ay tinititigan niya ang aking mukha na tila hindi makapaniwala na nasa harapan niya na ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal na ganoon lang ang aming ginawa.

Nang kumalas siya ay inipit niya sa likod ng aking tainga ang mga buhok na humarang sa aking mukha.

''Ang tagal kitang hinanap anak alam mo ba yon? Halos mabaliw kami ng mommy mo kakahanap sa'yo anak'' saad niya habang titig na titig sa akin.

'' N-aikuwento sa akin ng iyong mate ang dinanas mo sa kamay ng Zeus na yun. Patawarin mo ako kung wala ako ng panahong nasa panganib ang buhay mo. Hindi ka man lang napag tanggol ni daddy. Hindi ko natupad ang pangako ko na hindi kita hahayaang masaktan ng kahit na sino. Patawarin mo ako prinsesa ko dahil hindi kita na hanap agad.'' saad niya habang patuloy na dumadaloy ang kaniyang luha, tila ba ako pa rin ang limang taong gulang na anak ni daddy habang kinakausap niya.

My Mate is A Rogue (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant