🐺Chapter 20🐺

9.6K 288 9
                                    

Kinabukasan pag mulat ng aking mata ay wala na si Jacob sa aking tabi.

Siguro ay gumising ito ng maaga upang hindi siya maabutan ni daddy. Napailing na lang ako, si daddy lang pala ang katapat niya.

Napangiti ako ng maalala ang ng yari kagabi. Iyon na ata ang pinaka magandang tulog ko sa lahat.

Tumayo na ako saka nag asikaso ng sarili dahil ngayon ang araw ng pag balik namin sa pack.

Pag katapos mag ayos ay agad akong bumaba, naabutan kong nag aasikaso ng pag kain si Daddy.

''Good morning daddy.'' bati ko saka humalik sa kaniyang pisngi.

''Morning my princess'' naka ngiti niyang sagot.

''Si Jacob po?'' tanong ko, ipinag hila ako ni daddy ng upuan saka ako naupo.

''Nasa pack house, bibigyan niya raw muna tayo ng pag kakataong mag kasama ng tayo lang dalawa.'' sagot ni daddy saka naupo sa katapat kong upuan.

Ngumiti ako kay daddy saka niya nilagyan ng pag kain ang aking plato.

''Daddy sigurado ka na ba na mag papa iwan dito?'' tanong ko, baka sakaling nag bago na ang kaniyang isip.

Hinawakan niya ang aking kamay saka ngumiti.

''Naririto ang alaala namin ng mommy mo, hindi ko kayang iwan ang lugar na ito. Pero pangako anak, lagi kitang dadalawin.'' he said while smiling.

Lumapit ako sa kaniya saka siya niyakap ng mahigpit.

'' Mag iingat ka daddy ha, wag mong pababayaan ang sarili mo. Dadalasan ko ang pag tawag sa'yo para kamustahin ang kalagayan mo.'' aniya saka hinalikan sa noo ang kaniyang ama.

''Oo naman anak, ngayon pa ba na nahanap na kita. Hindi ko pababayaan ang aking sarili, gusto ko pang maabutan lumaki ang aking mga apo.'' bahagya akong lumayo sa kaniya saka pabirong tumingin ng masama kay daddy.

''Daddy, apo agad?'' saad ko, muli nitong binalingan ang pag kain saka nag salita.

''Bakit? natutulog na nga kayong mag katabi hindi ba?'' saad nito, nanlaki ang mata ko pag ka sabi niya non.

''A-alam mo d-daddy?'' tukoy ko sa ginawang pag tulog ni Jacob sa aking silid.

''Nakita ko siya ng paakyat siya sa'yong bintana, nagising kasi ako ng may marinig akong tila may bumabato.'' pinamulahan ako ng mukha, ang buong akala ko ay hindi iyon alam ni daddy yun pala-

''Sinubukan ko lang naman siya kung susundin niya ang kagaya ko dahil isa nga siyang alpha. Napa mangha pa naman ako sa kaniya ng hindi siya tumanggi ayun pala, pupuslit rin sa gabi.'' natatawa niyang saad.

Kakahiya. aniya sa kaniyang isip.

''Sige na, kumain ka na anak at mahaba pa ang biyahe niyo.'' saad ni daddy, tumango na lang ako saka muling naupo. Hindi ko magawang tingnan si daddy dahil nahihiya ako. Kahit pa wala kaming ginawang iba ni Jacob bukod sa pag aakapan.

Matapos ang awkward na agahan na yun ay nag kwentuhan muna kami ni daddy habang hinihintay na dumating sina Jacob.

Maya-maya ay bumukas ang pinto at niluwa non ang bagong paligo kong mate.

''Good morning.'' naka ngiting bati niya, lumapit siya sa akin saka hinalikan ako sa pisngi.

Nagulat pa ako ng gawin niya iyon.

''G-good m-morning din.'' nauutal kong saad.

''Ready ka na?'' tanong niya, tumango lang ako.

''Dad aalis na po kami.'' paalam ni Jacob kay daddy.

My Mate is A Rogue (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu