🐺Chapter 8🐺

10.8K 349 15
                                    

Sorry sa late update guys, huhuhu ang hirap kasi ng story na ito

✾✾✾✾✾✾✾not edited

''Halos kaunti na lang ay nasa teritoryo na tayo ni Zeus'' saad ko, na agad ipinarating ni Jacob sa iba pa dahil huminto rin ang mga ito sa pag takbo.

Pag baba ko sa wolf form ni Jacob ay siya namang pag shift nito, kinailangan ko pang tumalikod dahil isinusuot niya ang kaniyang short na nakatali sa kaniyang kaliwang binti.

''Malapit na tayo sa teritoryo ni Zeus, at sa hindi kalayuan ay may mga nag babantay na sa hangganan'' saad ko, para sa isang grupo ng Rogue ay malaki ang lugar na nasasakupan ni Zeus, isama pa na marami na rin siyang miyembro kaya naman para na rin silang isang pack.

''Alpha, kung nandito lamang ang kuta ng mga Rogue bakit wala man lang umaatake dito?'' tanong ni Bryan kay Jacob, pare-parehas silang walang damit pang itaas kaya naman di ko malaman kung saan titingin. Kahit pa sabihing normal lang sa aming mga werewolf ang walang saplot ay hindi ko magawang masanay lalo pa kay Jacob.

''Yun na nga rin ang pinag tataka ko, kung nandito lang sila ay malapit lamang dito ang pack ni Harvey. Bakit hindi pa ito inaatake ni Harvey samantalang sinalakay sila ng mga Rogue nung nakaraang buwan lang.'' saad ni Jacob na puno ng pag tataka.

''Ria ni minsan ba may umatake na sa inyo?'' tanong sa akin ni Bryan kaya naman lahat ng pares ng mata ay sa akin bumaling, napa isip akong bigla simula nga ng mapadpad ako sa puder ni Zeus ay walang naganap na kahit na anong pag salakay.

I shake my head, na lalong nag pakunot sa noo ni Jacob.

''May kakaiba sa lugar na ito'' saad ni Jacob habang tinitingnan ang paligid.

''Wala akong maamoy na kahit kaunti, kung may Rogue ng malapit ay dapat naamoy ko na ang mabahong amoy nito.'' dugtong pa niya, at sinang ayunan din ng iba maging ang tracker na kasama namin ay wala daw maamoy na Rogue.

Na siya namang pinag taka ko

''Hindi nila naaamoy iyon? ''

Tanong ko sa aking sarili, hindi ko na binanggit pa sa iba dahil baka lalo lang itong mag taka. Napatingin ako kay Leonil ang gamma ng Black Wolf, tila aligaga ito at panay ang hagod nito sa kaniyang buhok.

''Leonil ayos ka lang?'' tanong ko na ikinalingon nito.

''Hindi ko alam, pero hindi kami mapakali ng aking wolf'' saad niya.

''Bro, baka naman LBM lang yan?'' tanong ni Bryan, ngunit umiling lamang si Leonil.

Tumingin sa akin si Bryan na tila nag tatanong, kibit balikat lamang ang tanging naisagot ko sa kaniya.

Napatalikod ako ng bigla na lang mag hubad ng short si Bryan gayon din ang iba.

''Bryan naman!'' mabuti na lamang mabilis itong mga mata ko kaya naman naka pikit agad ako.

''Ooppss... sorry nag mind link kasi si Alpha na mag shift kami, sayang kasi yung short type ko'' hinging paumanhin ni Bryan.

''Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na ito, maging alerto kayo sa ano mang oras!'' ma awtoridad na saad ni Jacob, ng nakapag shift na ang lahat bukod sa kaniya ay lumapit ito sa akin.

''Ayoko ng sagabal sa tuwing nakikipag laban ako, kaya alamin mo kung saan ka lulugar'' aniya sa malamig na tinig.

I just nodded my head.

Kahit na masakit ang salitang binitawan niya ay di ko pinakita, gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil di man lang nanubig ang mata ko.

Nag shift itong muli kaya naman walang imik akong sumakay sa likod nito.

My Mate is A Rogue (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora