🐺Chapter 24🐺

6.8K 246 29
                                    

🇭🇮❣❣❣


xTheBlueBerryGirlx ▧MiHomiijhaneda Genius_chixxjuvydimpas


not edited.

✬✮✭✯✰

Ria's Pov

Mag uumaga na ng maka tulog ako kaya naman pag bangon ko ay bahagyang kumirot ang aking ulo.

At gaya ng inaasahan ay naramdaman ko na naman na tila hinahalukay ang aking sikmura.

Agad akong nag tungo sa banyo at inilabas ang mga kinain ko kagabi.

Pag tapos mag linis ay napa sandal ako sa malamig na tiles ng banyo.

Tinitigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin.

Namumugto ang aking mata at bahagyang nangingitim ang ilalim no'n dahil sa hindi ako naka tulog ng maayos.

Unti-unti ay naalala ko ang mga kaganapan kahapon.

Muling nanubig ang aking mata, hindi ko na tinangkang punasan ang aking luha.

Pinag masdan ko lang silang dumaloy sa aking mag kabilang pisngi.

Hindi pa rin ako makapaniwala na sa isang iglap mababago ang lahat.

Kahapon lang ay naririto sa aking tabi si Jacob, naka yakap habang puno ng pag mamahal na naka titig sa akin. Nag alala pa siya sa kalagayan ko dahil dumadalas ang pag sama ng aking pakiramdam tuwing umaga.

''Paano kaya kung sinabi ko na sa kaniya na buntis na ako? mangyayari pa kaya ang mga ito?'' tanong ko sa aking sarili habang patuloy na umiiyak.

Kung nagagamit ko lang sana ang pagiging isa kong white witch.

Kaya lang ay hindi.

Kahit ilang beses kong basahin ang libro ni mommy ay hindi ako makagawa ng kahit isang simpleng salamangka. Nang minsang dumalaw si daddy rito ay hindi niya rin alam kung bakit hindi ako maka likha ng salamangka. Pero sa tingin niya raw ay baka may kinalaman ang patpat na pag mamay-ari ni mommy na nawawala.

Ilang minuto rin akong naka tulala habang naka titig lamang sa aking repleksiyon.

Nang maisip ko bigla ang aking anak.

''Hindi ako dapat nag mumukmok lang sa isang tabi. Dapat ay subukan kong muling kausapin si Jacob. Kung kailangang ikuwento ko sa kaniya ang una naming pag kikita ay gagawin ko.'' pursigido kong saad.

Lumabas ako ng silid upang mag tungo sa kwarto namin ni Jacob.

Marahan ko iyong binuksan at ng makita kong wala si Jacob ay tuluyan na akong pumasok doon.

''Nasaan na kaya siya? mukhang hindi siya dito natulog.'' aniya sa kaniyang isip.

Kumuha ako ng ilang damit, at kinuha ko na rin ang make-up na ibinigay sa akin ni Chloe.

''Kailangan ay maging maganda ako sa paningin ni Jacob.'' saad ko.

Matapos makuha ang mga kailangan ko ay muli akong bumalik sa aking silid.

Inumpisahan ko ng mag linis ng aking katawan.

Pinili kong suotin ang isang asul na summer dress na umabot lamang ang haba sa taas ng aking tuhod.

Hindi ako sanay mag lagay ng kung ano-ano sa mukha pero kahit papano ay marunong akong mag lagay ng simpleng make-up gaya ng turo sa akin ni Chloe.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now