Plot

1.3M 11.6K 1.1K
                                    

My Tag Boyfriend Season 2

Plot

            Nagsimula ang kwento nila sa isang maling tag na status sa Facebook.

          At magmula nang makilala ni Sitti ang ultimate heartthrob sa Eastton University na si Kaizer Buenavista, gumulo na ang tahimik niyang Facebook life.

          Ang dating anti-social, walang tiwala sa sarili at babaeng laging nabubully ay siya na ngayong girlfriend ng pinaka sikat, pinaka gwapo at pinaka masungit—I mean, pinaka cool na lalaki sa eskwelahan nila.

          Pero sa pagpasok ng bagong semester, ito na rin ang magiging huling taon ng mga naging kaibigan ni Sitti sa Eastton. Ang huling pinaka magulo at pinaka masayang taon ng buhay niya sa College.

          Pero mukhang ito na din ang magiging pinaka mahirap na taon para sa buhay ng ating bida dahil nagbalik na ang babaeng unang nagpatibok ng puso ni Kaizer Buenavista.

          Si Mia Valdez. Ang dating Queen Bee ng Eastton at most loved girl at pinaka sikat na babae sa buong university.

          Magawa kayang ipaglaban ni Sitti ang relasyon na meron sila ni Kaizer?

          Magawa kaya niyang matalo ang isang babaeng sobrang kabaliktaran niya?

          Sa pagdating ng bagong taon sa buhay nila, may mga bagong karakter ang lalabas at magpapakita.

          Ito na rin ba ang taon na makikilala ni Sitti ang misteryosong operator ng fictional character na si Kaizer?

          At ano kayang mangyayari kapag may bumalik din na isang dating kakilala sa buhay ni Sitti?

          Manatili pa kaya 'yung pagmamahal ni Kaizer at Sitti sa isa't-isa...

          Kapag bumalik na 'yung mga taong unang humawak sa mga puso nila?

Our Tag Relationship (My Tag Boyfriend Book 2)

All Rights Reserved 6/14/14 l Re-started 10/23/2014

Copyright © MaevelAnne

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon