One Date with J: Chapter 16

2.5K 97 6
                                    

2005


Dear J,


Nandito ako ngayon sa sementeryo. 1st death anniversary ngayon ni Mama. Naisip kitang sulatan kasi naiisip din kita kapag naaalala ko si Mama. Siya ang nagbigay sa akin ng idea na sulatan ka. Naaalala ko noon, pinagalitan niya ko. Bakit konti lang daw ang sulat ko sa'yo? Sabi ko, hindi ko alam ang isusulat ko sa'yo eh. Hindi kita personal na kilala. Sabi niya, kung si diary araw-araw sinusulatan ko, bakit hindi ko magawa sa'yo? Alam na alam ni Mama ang need na magsulat ako.


Sabi niya, maganda, pangit o kahit normal lang ang nangyayari sakin, sulatan daw kita. Kasi natutuwa ka daw kapag ginagawa ko iyon. Naa-appreciate mo daw yun. Kaya minsan naiisip ko, baka ikaw si papa kaya pinapagawa niya sakin 'yun.


Noong araw ng libing niya, nag-ayos kami ng mga gamit sa kwarto niya. Kasama na rin sa pag-aayos ko ng gamit ang paglipat ko sa Cavite. Nakatira na ko sa tita ko ngayon. Siya na kasi ang guardian ko. No choice. Siya na lang kasi ang natitirang kamag-anak ko. Mabait naman si tita pero maraming tao sa bahay niya. Mga anak niya at iba pang kamag-anak na nakatira sa katabing bahay na palaging pumupunta doon. Napakaingay. Wala akong privacy.


Nakita ko ang mga sulat ko sa'yo sa drawer ni Mama. Nakasusi yun nung una, pero nabuksan ko. Mas nadagdagan ang lungkot ko nung makita kong hindi naman pala niya pinadala sayo yung mga sulat. Yung lungkot ko nadagdagan pa nang disappointments. Mas lalo kong naramdaman na mag-isa na lang ako.


Ni wala man lang tatak ng post office. Hindi yata nakalabas ng bahay namin ang mga letter ko sa'yo. Si Mama lang ang nakakaalam ng address mo.


Anyway, nasa akin pa rin ngayon ang mga letter ko sa'yo. Naiisip ko nga ngayon sunugin. Pero siguro katulad ng diary ko at tulad ng iba pang mga sinusulat ko sa papel, mananatili na lang sila sa shoebox na iniwan ni Mama. Bubulukin ko na lang lahat. Katulad ng mga alaala.


Siya nga pala, maraming salamat sa pagpapadala ng bulaklak noong burol ni Mama. Feeling ko, sa iyo galing yung lilies. Favorite flowers yun ni Mama. Ako at si Papa lang ang nakakaalam na paborito niya iyon. Pero siguro alam mo rin.


Totoo ka man o hindi. Salamat.


Final letter ko na ito.


Olivia

The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon