One Date with J: Chapter 2

3.8K 132 6
                                    

Dear Dairy,

Monday ngayn. Laro lang kami ni Karen buong araw. Si Karen yung bespren ko. Kapitbahay namin siya. Tapat lang ng bahay namin. Mas malaki bahay nila eh. May sekon flor. Bakasyon din siya. Gr 4 siya. Gr 3 ako. Sana palagi bakasyon noh. Masarap maglaro kaysa school eh. Ayoko na pumasok. Dapat di na lang nag-aaral ang mga bata. Pagalitan ako ni Mama pag nabasa niya to. Pagalitan ako ni Mama kanina. Hindi kasi ako naglinis ng paa bago umakyat ng kama. Dumi ko daw.

Dinig ko si Mama ngayon kausap si Papa sa telepon. Uuwi na ata si Papa. Lam ko lapit na. Ganun si Mama at Papa kapag lapit na siya umuwi. Palagi sila magkausap sa telepon. Alis na muna ko dairy. Gusto ko din kausapin si Papa eh. Papauwi ako ng notbuk. Para kapag naubos na kita may bago ako pren! Yehey!!!

Gunayt Dairy! I lav yu!!!

The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon