The Island Massacre Part IV: Helena (The Beginning)

9.1K 255 48
                                    

"Hindi lahat ng nakikita ng mga mata ay totoo at hindi lahat ng hindi kayang makita ng mata ay hindi totoo..."

Unti-unti ko nang naririnig ang ingay at tawanan ng mga pirata sa paligid ko. Nararamdaman ko na ulit ang hawak ni Ka Nena sa braso ko. Nararamdaman ko na rin sa balat ko ang init ng apoy, naaamoy ko na rin ang usok.

"Maybe God has a reason kung bakit ako nabulag...at siguro ito 'yung rason Niya. Maybe He doesn't want me to see the world anymore. Maybe He wants me to see people and the world without looking at it. Siguro gusto Niyang i-apply ko 'yung 'We live by faith, not by sight," mahinang natawa si Ate Julie habang kausap si Kuya Caleb.

Nararamdaman ko na ulit ang kirot sa dibdib habang napapagtanto kong pinapatay na nila si Ate Julie.

"Being a Christian is hard..." sabi niya habang nakatingin sa dagat. "But it is the best identity in the world. Wala akong maiiwang ari-arian o kayamanan sa mundong ito, makakalimutan rin ako ng mga tao, pero ang maibahagi ko si Jesus sa kapwa ko, at masaksihan ko kung paano nagbago ang buhay nila dahil sa Diyos, sa tingin ko, higit pa sa ginto o ari-arian o kasikatan ang katumbas niyon. If being a follower of Jesus is all I can be," nagkibit-balikat siya at ngumiti ulit kay Kuya Caleb. "So be it."

Naduduwal ako. Nanginginig ako. Parang may kung anong nasa loob ko na gustong kumawala. Parang may gustong lumabas mula sa akin. Hindi ko na kaya.

"I know, the people of this island knows, one day, unbelievers will persecute them. Their past will haunt them," seryosong sabi ni Ate Julie. "But I know the faith of this people---by the grace of God, are unimaginable. Walang makakatibag sa kanila sa Diyos."

"Nararamdaman mo na ba, anak?" narinig kong tanong ni Ka Nena. "Hayaan mong lumabas. Hayaan mong kumawala ang nandyan sa loob mo. Sige."

Napasigaw na ko.

Bumuntung-hininga si Ate Julie habang nakatingin sa dagat. "Sabi nga ni Paul, "But we have this treasure in jars of clay, to show that the surpassing power belongs to God and not to us. We are afflicted in every way, but not crushed; perplexed, but not driven to despair; persecuted , but not forsaken; struck down, but not destroyed; always carrying in the body the death of Jesus, so that the life of Jesus may also be manifested in our bodies."

Hinawakan ni Ka Nena ang balikat ko. Bumulong siya. "Patayin mo ang mga pirata."

"Ayoko!"

"Kung papatayin man kami ng mga tao dahil sa pananampalataya namin, these people are unaware, they are just giving God the opportunity to show how His people truly honor Him. That in the midst of death, we will not deny Him, we will praise and worship Him. God reigns forever. We will choose to forgive and love those who will persecute us. Katulad ng ginawa ni Jesus. Ang Diyos na sinasamba natin, totoong Diyos. Totoo Siyang Diyos kaya kahit ano'ng mangyari, we will endure everything for His name."

"What about Helena?"

Huminga ulit ng malalim si Ate Julie. Pero ngumiti siya. Sa mga mata niya, nakita kong punung-puno pa rin siya ng pag-asa. "We're praying for her. Pero alam ko may plano ang Diyos sa kanya. Siguro hindi pa ngayon. Siguro hindi pa oras. Darating din 'yung tamang panahon ni Helena. We just have to trust Jesus. Let Him do His will. His timing."

Napangiti si Kuya Caleb. Tumango at hinawakan sa balikat si Ate Julie.

"Gawin mo na!" sigaw ni Ka Nena.

The Awesome GodWhere stories live. Discover now