One Date with J: Chapter 21

2.4K 74 5
                                    

Facebook Chat:

Julianna Esteves: Classm8, wag mo nman ako sungitan. Gus2 ko lang makipagkaibigan...

Julianna Esteves: T.T

Me: Sorry...bad mood lang talaga nitong mga nakaraang araw.

Me: Pero wag mo na lang din muna kong kulitin kasi hindi mo rin ako makakausap ng maayos.

Julianna Esteves: Eh kasi nilalabas mo sa Twitter lahat ng ka-emo-han mo...

Julianna Esteves: Puro twits mo ang nakkta ko :)

Julianna Esteves: Let me guess, ndi mo kasi pwedeng sabihin sa FB kc mababasa ng family mo noh?  

Julianna Esteves: Tama ba ko?

Julianna Esteves: Gawain ko rin yan kaya may tweeter ako eh. Tahaha!

Me: No.

Me: Kasi wala akong mapagsabihan...

Julianna Esteves: Oh...

Julianna Esteves: Tahaha! Wawa ka naman, walang tropa?

Me: Can you stop that TAHAHA? Nakakairita eh.

Julianna Esteves: T.T

Julianna Esteves: If you don't have a friend. I can be one.

Me: No, thanks. 

Julianna Esteves: T.T

Julianna Esteves: Try me, classmate. Handa akong makinig. Di ba nung nasa highschool tayo kinokopyahan mo ko sa BioChem, hindi ako nagrereklamo?

Me: Kinokopyahan?! Ano'ng year ba kita naging classmate?

Julianna Esteves: Sakit naman. Kalimot na siya agad. Third year po. Sa unahan ka nakaupo, sa hulihan ako. Pero palagi kang nakikipagpalit ng upuan kay Maren kasi sinisilayan mo si Michael James Morales ng 3-Garnet mula sa bintana.

Me: Shit.

Julianna Esteves: Ahh! Tama ko nang hinala crush mo yun noh?

Juliana Esteves: Ahaha! Huli ka balbon!

Me: Hindi pa rin kita matandaan.

Julianna Esteves: Eh, bakit in-add mo ko dito sa FB?

Me: Ako ba nag-add sau? Dko na maalala. 

Me: Pati ba yun ibi-big deal mo?!

Julianna Esteves: Huuu! High blooood! Nagtatanong lang.

Julianna Esteves: Wag na nga.

Julianna Esteves: Anyway, care to share na, Miss Ice Queen? Pwede akong mag-substitute muna sa mga friends mo na MIA ngaun. Imagine-in mo na lang ako sila. Try me.

Me: Why do u care?

Julianna Esteves: Ewan ko. Ramdam kita eh. Baka kasi 'yang pinagdadaanan mo, pinagdadaanan ko rin.

Me: Really?

Julianna Esteves: Oo, hindi lang ikaw ang brokenhearted sa mundo noh! Madami tayooo! Tahaha! Parehas lang tayo! 

Julianna Esteves: Apir!

Julianna Esteves: Kaya mabuhay ang mga pusong sawi, sinaktan at iniwan! We rule the world!

Julianna Esteves: TAHAHAHAHA!

Me: Nakabuntis din ba ang minamahal mo?

Julianna Esteves: Ha?

Me: Ikakasal na din ba siya? Hinihintay mo din ba siya for 2 years? At nung akala mo ok na at ikaw na ang pipiliin niya, nalaman mong nabuntis niya si Ex niya? 

Me: Parehas ba talaga tayo?

Julianna Esteves: Teka, w8

Me: Sinasabi palagi ng mga tao, napaka-ampalaya ko. Marami akong kaibigan. Marami akong puwedeng pagsabihan ng nangyayari sakin ngayon. Pero wala naman silang matutulong sa sitwasyon ko eh. Iisa lang ang sasabihin nila, ang tanga-tango ko kasi! Naghintay lang ako sa wala. Naghihintay ako sa gago! Pinaasa lang ako ng tarantadong lalaking yun. Alam ko naman sa una palang wala nang patutunguhan yang pagmamahal ko kay Alex, sumige pa rin ako. Kasi mahal ko siya! MAHAL NA MAHAL! Pero kasalanan ko rin kung bakit ako nasasaktan ngayon. Ako rin ang may gawa nito sa sarili ko. Kaya tama lang na magdusa ako, gaga kasi ako!

Me: Alam mo kung ano'ng nararamdaman ko ngayon?

Julianna Esteves: :(

Julianna Esteves: Alam ko na. Ndi mo na kailangang sabihin.

Me: Para kong nauupos na kandila. Tinakasan na ko ng pag-asa sa kaliit-liitang ugat ng katawan ko. Akala ko magiging masaya na ko.

Me: Bakit yung ibang tao walang kahirap-hirap sa love? Bakit ako parang habang buhay na kong nakikipagtawaran dito?

Julianna Esteves: Miss Ice Queen...

Me: Bakit lahat yata ng anggulo nang buhay ko, malas ako? May nagawa ba kong masama at nangyayari sakin 'to? Wala ba kong karapatang maging masaya? 

Julianna Esteves: Gets ko yang nararamdaman mo.

Me: No!

Me: No, hindi mo ko naiintindihan!

Me: Wala kang alam!

Me: Kaya wala kang karapatang magbiro sakin ng ganyan!

Me: Kung sayo madali lang ang lahat, sa akin hindi!

Me: Kung ikaw kaya mong tawanan , ako hindi!

Me: So stop it! 

Julianna Esteves: ...

Julianna Esteves: ...

Julianna Esteves: Sorry.

Julianna Esteves: Naging insensitive ako. Pero seryoso naiintindihan kita. Tulad mo, nasasaktan din ako ngayon. Pero hindi ko na ikukwento dahil siguradong wala pa sa kalingkingan ng nararamdaman mo ang nararamdaman ko. 

Julianna Esteves: :)

Julianna Esteves: Pero hindi ko na dinidibdib. Umiiyak pa rin ako, oo. Nami-miss ko pa rin siya, oo at pakiramdam ko, ako na ang may pinakamababang IQ sa buong mundo dahil sa pagmamahal ko sa kanya. 

Julianna Esteves: Pero naniniwala akong waste of time lang ang maging malungkot. Nakakaubos lang ng energy at oras ang magmukmok at isipin siya ng isipin. Kahit ano namang gawin ko, hindi ko na maibabalik eh. Kahit naman maglupasay ako, wala naman akong mababago.

Julianna Esteves: Nakakatulong ang pag-iyak. Hindi ibig sabihin nun na mahina ka, pero pag-admit iyon na tao ka lang, nasasaktan ka rin at may mga bagay na kailangang matuto kang isuko kapag hindi mo na kaya.

Julianna Esteves: Ngayon napapatanong ako, kung ganito pala kasakit magmahal, bakit naimbeto pa?

Julianna Esteves: Gano'n din ba sayo?

Me: Sino ka nga ulit?

Julianna Esteves: Tahahahaha!

Julianna Esteves: Grabe, Miss Ice Queen, panira ka ng moment!

Julianna Esteves: At kanina pa tayo magkausap, ndi mo pa rin ako matandaan?

Me: Sorry...you remind me of someone. For a second, i thought, ikaw siya. 

Julianna Esteves: Sino? Si Ex mo?

Me: No. No. Someone...more special. 

Julianna Esteves: So, care to share na? Kahit sabihin mo lang sakin lahat ng gusto mong sabihin. I will listen.

Julianna Esteves: I mean, I will read pala. Tahaha! I will try my best na maging BFF mo for today. 

Julianna Esteves: :D

Julianna Esteves: Game?

The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon