One Date with J: Ben Elohim (The Son of God)

967 38 1
                                    

"This is he who came by water and blood---Jesus Christ; not by the water only but by the water and the blood. And the Spirit is the one who testifies, because the Spirit is the truth. For there are three that testify: the Spirit and the water and the blood; and these three agree. If we receive the testimony of men, the testimony of God is greater, for this is the testimony of God that he has borne concerning his Son. Whoever believes in the Son of God has the testimony in himself. Whoever does not believe God has made him a liar, because he has not believed in the testimony that God has borne concerning his Son. And this is the testimony, that God gave us eternal life, and this life is in his Son. Whoever has the Son has life; whoever does not have the Son of God does not have life." 

1 John 5:6-12



Nang dumating si Jesus sa bayan ng Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, "Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao" At sumagot sila, "Ang sabi po ng ilan, kayo si Juan na Tagapagbautismo. Sabi po naman ng iba, kayo si Elias. At may nagsasabi pong kayo si Jeremias, o isa sa mga propeta." Tinanong ulit sila ni Jesus, "Ngunit para sa inyo, sino ako?" Sumagot si Simon Pedro, "Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy." Sinabi sa kanya ni Jesus, "Pinagpala ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito'y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Ama na nasa langit. At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi magtatagumpay laban sa kanya. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit. Ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot din sa langit." At mahigpit niyang iniutos sa kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya nga ang Cristo. 



"Ikaw, Olivia, Sino ako?" 

...

...

...

Uhh...

"G-god?"

"Dahil ba sa nagdadasal ka sa'kin?"

"Dahil ba sa nakikita mo ako ngayon?"

"Dahil ba sa iyon ang turo sa iyo ng iyong ina?"

...

...

"Ahmm..."

"H-hindi ko alam...pero..."

*Ngumiti siya*

"Naiintindihan kita, Olive."

"Masakit pa ba?"

"Ang alin?"

*Itinuro niya ang puso ko*

 "Gagaling pa ba, J?"

 "Naniniwala ka bang kaya kitang pagalingin?"

"Kagaya ng mga leprosy?" 

"Kagaya ng mga leprosy, bulag, paralisado, buhaying muli tulad ni Lazarus. Oo, kaya kitang pagalingin."

"Pisikal lang ang mga iyon."

"Sino'ng nagsabi sa iyong pisikal lang ang sakit nila?"

...

"Gaano katagal bago mawala ang sakit?"

"Minsan hindi basehan ang bilis o tagal. Kundi paano mo malalagpasan. Ano'ng naging karakter mo habang pinagdadaanan ang problema? Ano'ng natutunan mo? Paano ka binago ng pagsubok? Iyon ang importante. Mayroon ka palaging pagpipilian."

"Be better or bitter."

"Tama ka."

"Minsan aakalain mong napakatagal ng mga bagay-bagay, minsan akala mo, pinabayaan na kita. Madalas kasi ayaw mong bitiwan. Nagho-hold on ka sa isang taong sa una palang pinaalala ko na sa'yong hindi siya ang taong nilalaan ko para sa'yo. Ibinigay at pinaramdam ko na sa'yo ang lahat ng senyales."

"Nagbingi-bingihan at bulag-bulagan ako. Pinilit ko lang kasi." 

"At minahal mo."

"Kasi inisip kong karapat-dapat siyang mahalin."

"Hindi mo siya kailangang ipaglaban sa akin, Olivia. Kung siya ang lalaking nilalaan ko para sa'yo, ako mismo ang maglalapit sa inyong dalawa. Wala kang kailangang gawin. Hindi mo siya kailangang baguhin. Trabaho ko iyon."

"Ako rin ang naglagay sa sarili ko dito. Ako rin ang may kasalanan."

"My child, hindi mo na kailangang sisihin ang sarili mo. Hindi mo na kailangang ma-guilty pa. Ang nais ko ay matuto ka. Manalig ka na ako ang bahala sa iyo. Lean on my own timing, not yours. Believe that I am molding you to the person I want you to be. Ang karakter at ang puso mo ay importante sa akin."

...

"I am with you, Olivia. You will get through this. I am with you."

"Thank you, J..."

"Huwag kang mawawala, J."

...

...

...

...

...

"J?"

"A-ano'ng nangyayari?"

...

...

...

"Bakit umiikot ang paligid?"

"Ano'ng lugar ito?"

"S-saan tayo pupunta?"

"Saan ka pupunta?"

"Nahihilo ako..."

"A-ano ito?"

"Bakit may salamin?"

"Bakit nakakulong ako?"

"J!"

"J!"

"J!"

"Huwag mo po akong iwan!"

"My Father will be with you, My Olive."

"What?"

"Ano'ng nangyayari?"

"Natatakot ako."

"I want you to be like Peter." 

"Ipapakita ko sa'yo ang lahat upang malaman mo kung sino talaga ako." 

"Kung sino ka?"

...

"P-pero...para saan pa?"

"Sino ka ba talaga?"



+++

Matthew 16:13-20

Mark 8:27-30

He is the true God and eternal life." 1 John 5:20  

The Awesome GodWhere stories live. Discover now