One Date with J: Chapter 6

3.1K 107 6
                                    

January 1997

Dear Diary,

First day na ulit ng school. Tapos na christmas vacation! Ayokong pumasoooook!

Wala naman kasi ginagawa si Ma'am Aman eh. Kinuha lang 'yung mga kartolina namin. Tapos nag cross stitch siya nang cross stitch. Di naman siya nagtuturo. Sana dito na lang ako sa bahay. Babantay na lang ako. Ng bahay. Hehe. Di ko na napapanuod si Princess Sara. Napapanuod ko si Peter Pan sa hapon kasama si Tito Boy. Siya palagi ang bantay dito sa bahay. Inggit ako sa kanya. Gust ko na tumanda katulad niya. Sarap ng buhay niya. Bait talaga niya. Mas mabait pa siya kay Papa. Si Papa parang ayaw niya sakin. Di niya ko kinakausap. Parang palagi siyang galit tapos palagi siya umaalis. Di ko siya maintindihan.

Ano kaya meron?

The Awesome GodWhere stories live. Discover now