One Date with J: Chapter 36

4.4K 152 84
                                    

"He had no form or majesty that we should look at him, and no beauty that we should desire him." Isaiah 53:2b


Humihinga pa rin siya ng malalim. Tila galing siya sa malayong paglalakbay at minadali niyang makarating dito sa kinatatayuan ko. Nakaharang pa rin ang isang braso niya sa harapan ko. Nakatitig sa akin.


Nakatingin rin ako sa kanya. Hindi makapaniwala sa nakikita. Gusto kong kurutin ang sarili para mapatunayan kung totoo ba ito, nananaginip lang ako o patay na ako? Pinagmasdan ko ang itsura niya.


Simple lang ang itsura niya. Ang mukha. Ordinary. Hindi siya long hair katulad nang lumalaki akong dini-decribe sa akin ng mga tao at ang pinapakita ng media. Matangkad siyang lalaki. Physically fit. May balbas at bigote. Maugat ang mga braso. Malaki ang mga kamay. He is wearing a plain white shirt and jeans. Naka-tsinelas. Para lang siyang isang ordinaryong pilipino. Hindi mo siya mapapansin. Hindi ka mapapalingon. Kung makakasalubong ko siya sa daan, iignorahin mo lang siya dahil wala kang makikitang kakaiba sa kanya. Again, ordinary.


But what makes me couldn't take my eyes off of him is his eyes. Kapag tiningnan ka niya, kapag nagkatitigan kayo, tila libu-libong bagay ang mararamdaman mo. You will be drawn to his presence. Iyon ang dating niya. What more pa siguro kapag nagsalita siya?


Ibinaba na niya ang kanyang braso. Pero hindi pa rin niya inaalis ang titig sa akin. Hindi siya nagsasalita pero pakiramdam ko, gusto niyang sabihin sa akin. What were you thinking, Olive?


Dahil doon napatungo ako. Hindi makatingin ng diretso sa kanya. Bumalot ulit sa akin ang sakit at lungkot. Ang emosyon na kumakain sa akin ngayon.


"What are you doing here?" mahina at garalgal ang boses na tanong ko. "Bakit mo pa ko pinipigilan?"


Hindi siya nagsalita.


Sarkastiko akong ngumiti. "Magpapaka-knight in shining armor ka ba? Too late ka na," sumbat ko. Tumulo ang luha. "Ngayon ka lang dumating kung kailan hindi na kita kailangan..."


"Ngayon mo ako pinaka-kailangan, Olivia."


"Kailangan pa bang magpakamatay muna ako bago ka magpakita?"


"Kailangan bang iligtas kita ng ilang paulit-ulit para pansinin mo ako?" balik-tanong niya. "Alam mong nandito lang ako palagi sa tabi mo. Sinabi ko na iyon sa sulat. Nagpadala pa ako nang mga taong tutulong sa'yo. Pinadala ko si Julianna, pinakilala kita sa simbahan ko, sa mga tao ko, si Maggie, ikaw ang mismong tumatangging mapalapit sa akin. Paano ko ipaparamdam sa'yo ang presensiya ko kung hindi mo hinahayaang mapalapit ako sa'yo?"


"Dahil hindi ko kayang magpakaipokrita!"malakas na sabi ko. "Dahil hindi ako katulad nilang masasaya. Parang walang mga problema."


"Binigyan mo na ba ng pagkakataon si Julianna'ng makilala? Alam mo na ba ang mga nangyari sa kanya? Alam mo bang puwede mong maging aral din sa buhay ang mga pinagdaanan niya. Kaya nga pinadala ko siya sa'yo. Para makilala ako. At maging matalik na kaibigan mo."


Hindi ako nakasagot sa kanya. Napatungo ako.


The Awesome Godحيث تعيش القصص. اكتشف الآن