One Date with J: Chapter 24

2.5K 96 9
                                    

Me: Sex scandal?

Me: Are you serious?!

Julianna Esteves: Tahahahaha!

Julianna Esteves: Grabe! Pag scandal, sex scandal agad?! Hindi ba pwedeng ibang klaseng eskandalo?

Me: Eh ano nga?

Julianna Esteves: *sigh*

Julianna Esteves: Mahabang kwento.  

Me: What did he do?

Julianna Esteves: ...

Julianna Esteves: Sabihin na lang nating pinaniwala niya ko sa isang malaking kasinungalingang hindi ko akalaing kaya niyang gawin. Hindi ko akalain na ganun pala siya. Ni-reveal niya kung ano ako dati. Siniraan niya ko sa maraming tao. Isang malaking-malaking kahihiyan. Tipong wala na kong mukhang maiharap sa ibang tao.

Me: Hmm...sex scandal 'yan. Pupusta ko.

Julianna Esteves: Tahaha! Hindi nga! 

Me: That seems like a really big problem. 

Julianna Esteves: Oo. Sobra.

Julianna Esteves: I'm not ok but I know everything will be ok.

Julianna Esteves: :)

Julianna Esteves: Pero alam mo, kahit na ganun yung mga nangyari, hindi ko magawang magalit sa kanya. Hinahanap ko 'yun sa puso ko, pero wala talaga kong makapang galit. 

Julianna Esteves: Siguro kasi sinubmit ko na kay Jesus lahat ng nararamdaman ko.

Julianna Esteves: :)

Me: ...

Me: I'm sure pag bigla mo siyang nakita sa daan, bigla mo na lang tutusukin ng icepick mata nun! 

Me: Maniwala ka sakin. 

Julianna Esteves: Halaaaa! Grabe naman!

Me: Bigla kang manggigigil sa kawalanghiyaan niya. 

Julianna Esteves: Tahahahaha! Grabeee!

Julianna Esteves: Pero seryoso, hindi ko magawang magalit sa kanya. Siguro kung makikita ko siya, awa pa ang una kong mararamdaman. Kasi alam ko, may pinagdadaanan siya mabigat ngayon. Hindi ko lang siya mapuntahan dahil pinipigilan nila ko. Wag daw muna.

Me: Kalokohan 'yan. 

Me: Wag mo kong bolahin.

Me: Siya ang may ginawang masama sa'yo, ikaw pa rin ang iintindi? Ikaw pa ang maaawa? Ikaw pa ba ang magri-reach out? Buti nga sa kanya may mabigat siyang problema! Sana forever na!

Me: Palagi na lang bang ganun? Kung sino yung sinaktan, siya pang uunawa? Unfair naman ata!

Julianna Esteves: Naiintindihan ko siya...

Julianna Esteves: Sometimes they do not know what they do. 

Me: ...

Me: Parang narinig ko na yan.

Julianna Esteves: :D

Me: Malapit na kitang patayuan ng monumento.

Me: Saa'ng planeta ka ba galing? Bakit sobrang bait mo?

Julianna Esteves: Ahaha!

Me: Mahal mo pa rin siya...

Me: Yan lang ang sagot dyan kung bakit hindi mo magawang magalit dun sa tao.

The Awesome GodWhere stories live. Discover now