One Date with J: Chapter 27

2.2K 78 4
                                    

Nang sumunod na araw, pasado alas dos nang hapon na naman ako nakatikim ng tanghalian. Nasa canteen ako at nakapila. Hinihintay ko na lang na gumalaw ang mga nasa unahan para makapagbayad na. Nasa harapan ko na ang tray ng mga pagkain na in-order ko.


Pero ilang minuto na, hindi pa rin kami umuusad. Tatlong tao ang pagitan ko at ang nagbabayad sa cashier. Nang tingnan ko kung sino'ng nagpapatagal sa pila ay nagulat ako.


Araw-araw bang  kailangang maganap ang coincidence?


Si Alex ang nasa unahan ng pila. Namimili siya ng panghimagas. He looks like torn between cinnamon roll and chocolate cake. Hmmm...


Nakisuyo akong sumingit sa pila. Kilala ko naman ang mga empleyadong nasa pagitan namin ni Alex.


"Ate Polly, isang cinnamon roll and one coffee, please," sabi ko. Nakangiti sa cashier.


Halatang nagulat si Alex ng makita ako.


Nginitian ko siya ng maluwag. "Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin nagsasawa sa cinnamon roll at chocolate cake?"


Saglit siyang tumitig sakin pero hindi siya sumagot. Kinuha lang niya ang plato ng cinnamon roll at tasa ng kape. Nilagay iyon sa tray niya.


Nagpatuloy ako.


"I've never thought dito ulit tayo magkikita. It's been two years, right?" nakangiti pa ring sabi ko. "Nice to see you again, Alex."


Hindi pa rin niya ko kinibo. Pero nang maayos na niya ang tray niya at paalis na ay nagsalita siya. "I've always knew na nandito ka. Kaya dito ako lumipat ng trabaho," mahina pero bawat salita ay umabot sa pandinig ko.


Ako naman ang nagulat.


Pero nang mahimasmasan, hindi ako nag-give up. Sinundan ko siya.


"So, kumusta ka na?" tanong ko kay Alex nang sundan ko siya sa table na uupuan niya. Mukhang natigilan pa siya ng makitang sasabayan ko siya sa pagtatanghalian. "Kumusta na'ng buhay mo? Ano na'ng mga nangyari sa'yo? Marami din ba kayong trabaho kaya ngayon ka lang din magla-lunch?" sunud-sunod na tanong ko habang nauupo sa harap niya.


"Medyo," simpleng sagot ni Alex. Tinaktak lang niya sa hangin ang 3-in-1 coffee sachet na hawak niya. Umuusok ang mainit na tubig na nasa mug.Hindi niya ugali ang maging ganito. Hindi niya ugaling magsuplado. Si Alex 'yung tipo ng taong kahit anong itanong mo, kahit bad mood pa siya, kahit pagod, magpapaka-nice siya para sa'yo.


Parang gusto ko na tuloy umalis. Gusto ko lang naman na maging friendly sa kanya. Kahit dito man lang sa office para wala kaming ilangan tuwing magkikita. Gusto ko lang din na kumustahin siya. Bukod sa relasyon, naging magkaibigan naman kami.


"Kumusta na'ng mga pinsan mo?" biglang tanong ni Alex na nakapagpabago ng isip ko na lumipat na nang table. Binubuhos na niya ang laman ng 3-in-1 sa mug. Ang isang kamay niya ay hinahalo na nang kutsara ang mainit na tubig. He always pour the coffee first before the hot water. Para hindi matapon at mas timplado. Sa akin niya natutunan iyon.

The Awesome GodWhere stories live. Discover now