One Date with J: Chapter 29

2.6K 81 6
                                    

"What therefore God has joined together, let not man separate." Mark 10:9


Kinabukasan sa office, kakaiba si Alex.


"Hi, Baboy..." bati niya sa akin nang makasalubong ko siya sa hallway. Papunta ulit ako sa office ng Big boss. May mga dala na naman akong papel na papipirmahan. Si Alex naman ay naglalakad kasama ang mga ka-trabaho niya. Kakalabas lang nila mula sa office ng CEO.


Muntik nang malaglag sa mga kamay ko mga papel dahil sa tinawag sakin ni Alex. Baboy. Iyon ang term of endearment namin dati.


Napanganga ako habang sinusundan siya ng tingin.


Napalingon sa akin ang ibang engineers na kasama niya. Bumulong pero narinig ko. "You know, Olive?"


Tila proud na ngumiti at nagsalita si Alex. "Magkakilala kami. Best friend siya ng pinsan ko."


"Really?"


"She's also my ex."


"Ooh..."


Nalaglag na nga sa kamay ko ang mga papel. Shocks! Alex, sige ipagkalat mo pa para matsismis na tayo sa opisina!


Nagmamadali na akong lumapit sa secretary at ibinigay sa kanya ang mga papel matapos kong ayusin ang mga iyon. Dinistract ko rin ang sarili ko para hindi na marinig pa ang mga sinasabi ni Alex habang pasakay sila sa elevator. Dumaan ako sa fire exit.


Dumating ang lunch time...


"Baboy! Baboy, sabay na tayong kumain," tawag sa'kin ni Alex nang makita akong pipila sa counter ng cafeteria. Mukhang inaabangan niya ako.


"Huwag ka nang bumili ng ulam. May mga dala akong pagkain dito," ipinakita niya sa akin ang mga paper bag na dala niya. "Nagluto ako. Tara!"


Napatanga na naman ako. Hindi ako makapaniwala sa kanya.


"Dali, lalamig ang pagkain," bigla niyang hinila ang isang kamay ko na ikinagulat ko. Nang mahawakan niya ako ay pinagsalikop pa niya ang mga daliri namin. Magka-holding hands kami habang naglalakad at dumadaan sa aisle ng mga table sa cafeteria. Parang wala siyang pakialam sa mga matang nakatingin sa amin. Dilat na dilat ang mga mata ko.


Naupo kami sa bandang dulo.


"Dinalhan kita ng mga sweets. Kasi alam kong hindi ka nasa-satisfied sa pagkain kapag walang panghimagas. Nagdala rin ako ng masusustansiyang pagkain. Para hindi mo na naman masabing puro baboy na naman ang kinakain ko. Manenermon ka na naman," sabi ni Alex habang isa-isang inilalabas ang laman ng mga paper bag. Puro maliliit na tupperware iyon.


"Nalaman ko sa isang katrabaho mo na nagkasakit ka daw last month. Ulcer daw. Totoo ba 'yun? Nagpapa-check ka na ba?" tanong niya.


Umiling ako habang nakatingin sa ginagawa niya. "Okey na ko. Wala naman akong nararamdaman..."

The Awesome GodWhere stories live. Discover now