One Date with J: Chapter 35

2.8K 78 9
                                    

Nagpunta kami sa isang fast food restaurant na malapit lang sa opisina. Tinanggihan ko si Alex na pumunta sa mas private na kainan para makapag-usap. Ayoko nang lumayo. Alam kong magiging mabilis lang ang magiging pag-uusap namin. Hindi ko patatagalin. Pinagbigyan ko lang siya dahil nakakaawa ang itsura. Malapit nang lumevel sa palaboy. Wala rin naman kailangang pag-usapan.


Tulad ng karamihan sa mga sikat na fast food chain, maingay at maraming tao sa paligid. May maririnig na kanta sa bawat sulok ng paligid pero mas nangingibabaw ang ingay na ginagawa ng mga tao. Kasabay rin ng ingay nila ang kabog ng dibdib ko. Ang kaba at ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Hindi pa rin birong makaharap at makasama si Alex. Hindi ko maitatangging may epekto pa rin siya sa akin.


Dumating na si Alex. Ibinaba niya ang in-order niyang pagkain. Dalawang chicken burger, fries, softdrinks at pineapple juice. Naupo siya sa tapat ko. Ramdam ang ilangan. Tahimik na inaayos niya ang mga pagkain. Wala kaming imikan. Wala sana akong balak kumain pero nag-i-insist siya. Wala akong magawa. Alam kong mauuwi sa arguement ang pagkikitang ito, sa pagkain palang.


Dinampot ko ang pineapple juice at uminom. Pampatanggal sana ng bara sa lalamunan. Ibinaba ko ulit iyon matapos maramdaman ang tamis sa bibig at tiningnan ng diretso sa mga mata ang lalaking minsang naging sentro ng buhay ko pero ngayon gusto na namang manira ng buhay ko.


"Pag-usapan na natin ang kailangang pag-usapan," umpisa ko. Pormal ang ekspresyon ng mukha at tono ng boses. Business type. Tiningnan ko pa ang wrist watch ko. "I'll give you 15 minutes, Alex."


Pansin kong bahagyang nagulat si Alex. Pero sumagot. "Actually, there's nothing to talk about, Olive..."


Tumaas ang isang kilay ko. "Then, what the hell are we doing here? You're just wasting my time."


Unti-unti ring tumaas ang mga kilay ni Alex. Bahagyang dumilim ang mukha. Hindi nagustuhan ang paraan ng pagsasalita ko. Alam ko. Hindi niya ako sinagot. Nagsimula lang siyang kumain. Alam kong hindi niya ako kakausapin ng maayos kung hindi ko babaguhin ang paraan ng pakikipag-usap ko sa kanya. Kilala ko siya.


Bumuntung-hininga ako. Medyo lumambot. "Ano bang gusto mo? Ano bang ginagawa natin dito? Ano bang nangyayari sa'yo?"


"Same reason kung bakit pumasok ako sa pinagtatrabahuan mo," indirect na sagot niya.


Napatitig ako sa kanya. Hindi siya maintindihan sa ginagawa niya. "Hindi ka ba masaya?"


Habang ngumunguya ng french fries tinitigan niya rin ako. Read between the lines, Olive. Wala kang mababasa sa mukha niyang oo o hindi. Pero kita mo sa mga mata niya ang sagot. Bagsak. Nanlalalim. Walang buhay. Kung hindi ko siya kilala, aakalain kong galing siya sa pag-iyak.


"Ito ang gusto mo, hindi ba?" sabi ko. May halong paninisi. "Pinili mo ito. Hindi ko ito ginusto para sa'yo. Hinintay kita. Bumitaw ka. Ikaw ang gumawa nito," kung hindi na ako matapang-tapang, malamang umiiyak na naman ako sa harap ni Alex. Tinatanong siya. Ano'ng nangyari? Ano'ng nagawa kong masama? Ni minsan ba minahal niya 'ko? Bakit hindi ako ang pinili niya? Ang dami kong tanong na gustong ibato sa pagmumukha niya.

The Awesome GodWhere stories live. Discover now