One Date with J: Chapter 33

2.6K 81 20
                                    

Palaging nagtetext at tumatawag sa akin si Kuya Lee. Walang araw na lumilipas na wala kaming communication. Kung ano'ng closeness namin dati, mas nadagdagan iyon ngayon.


Pero confused ako. At kapag confused ako, isang tao ang naiisip kong kausapin.


"Bilis mo ah," sabi niya sa'kin sa kabilang linya. Si Julianna. Medyo napuputol at garalgal ang linya niya. Hula ko, nasa Isla Pula na naman siya. "Parang kelan lang nagcha-chat ka raw sa'kin tungkol sa pagkikita ninyo ulit ni Alex tapos ngayon may bago ka nang love interest. Anyare? Moved on agad?"


Natawa ko. "Hindi ko rin alam." Noong nasa lugawan kami ni Kuya Lee at tinanong niya ako. Ang buong akala ko, nagbibiro lang siya. Isang malaking joke pero 'yung utak ko gusto siyang seryosohin. Nakalimutan ko ang lugaw pero napadami ang bili ko ng sisig---may tindang sisig din sa pinupuntahan namin. Maanghang. Sobrang anghang. Kaya hindi halata noong tinititigan niya ako at pawis na pawis ako. Super conscious ako at kumakabog ang dibdib. Ewan ko kung ano'ng trip ni Kuya Lee.

 

Pero simula nang araw na iyon, ang sweet na ni Kuya Lee. Na hindi ko alam sa sarili ko bakit gustung-gusto ko. 


"Taray! Ikaw na ang habulin nang mga boys," pang-aasar ni Julianna. Maingay. Nakakarinig ako ng tunog ng baso at kutsara. "So, wala na talaga si Alex?"


Saglit akong nanahimik. Nag-iisip. Nalungkot. "Siyempre nandito pa rin siya," turo ko sa puso ko. "Naaalala at naiisip ko pa rin siya pero hanggang doon na lang 'yun, 'di ba? Too late na kahit sabihan pa niya kong mahal pa niya ko."


"He's married," dugtong ni Julianna.


"Yeah," malungkot na second the motion ko. Kahit na nagpapa-annul na si Alex. Ayoko na rin dahil tuwing nakikita ko siya, nararamdaman ko 'yung pagmamahal ko sa kanya, nararamdaman ko din 'yung sakit. Magkasabay palagi.


"That's good. Good for you, Olives!" pagchi-cheer sa'kin ni Julianna. Kaya sa kanya ako palagi humihingi ng payo kasi pakiramdam ko kahit ano'ng problema kaya niyang solusyunan. Lakas pa maging encourager.


"So, kumusta itong si Kuya Lee mo? Nanliligaw na ba sa'yo?" tanong ni Julianna. Medyo nanunudyo ang tono.


Bumalik ang ngiti sa mukha ko. "Hindi ko pa sure. Pero mas nagiging close kami ngayon. Mas madalas kaming mag-usap. He's beginning to be sweet. 'Yung mga ginagawa ng mga nanliligaw, inuumpisahan na niyang gawin. I'm beginning to like him."


"What's his plan?"


"Ha?"


"Plan. Ano'ng plano niya? Is he serious about courting you? What's his intentions?"


Napakurap-kurap ako. "Ahh, parang masyado pang maaga para isipin 'yan. We're just beginning to date," depensa ko. Parang masyadong advance ang utak ni Julianna.


Naririnig kong ngumunguya siya. "I know, pero dapat maaga palang inaalam mo na, Olives. Sabi mo nga, brokenhearted siya sa ginawa sa kanya ng ex niya. Ganoon ka din. Tapos bigla ka niyang sinabihan na 'kayo na lang kaya?' Ano'ng plano niya? Ano'ng ginagawa niya? Bakit ngayon biglang nag-iba siya ng direksyon? Bakit papunta na sa'yo? Hindi ba medyo kakaiba 'yun?"

The Awesome GodDonde viven las historias. Descúbrelo ahora