One Date with J: Chapter 28

2.6K 83 7
                                    


"Yung cake!" ubod lakas na sigaw ko habang nakakapit sa mga upuan. Mabilis na humaharurot ang bus na sinasakyan namin habang nasa kahabaan ng EDSA. Hindi ko alam kung bakit madaling-madali si Manong driver sa pagmamaneho.


Natawa si Maggie na katulad kong nakakapit din sa mga upuan. Gitgitan sa bus sa dami ng pasahero. "Mas iniisip ang cake kaysa sarili? Baka mahulog ka diyan!" natatawang sabi niya sakin.


Nakapwesto kasi ako malapit sa pintuan ng bus. "Baka kasi itakas 'yung cake. Gusto ko 'yun eh!" nakangusong sabi ko. Ang sama ng tingin ko kay Alex na siyang may bitbit sa box ng cake. Wedding cake iyon mula sa kasal ng kuya ni Maggie. Tapos na ang kasal. Pauwi na kami ng Cavite.


Nakatayo si Alex malapit sa pangalawang pintuan ng bus. Ordinary bus ang sinasakyan namin. Parang na-sense ng unggoy na nakatingin ako sa kanya kaya lumingon. Binelatan ako ng kumag. Iniinggit sa akin ang box na hawak niya. Type niya rin kasi iyon. Pero feeling ko nang-aasar lang siya dahil nalaman niyang mahilig ako sa sweets.


Nang nasa bandang Makati na kami. Maraming pasaherong nagsibabaan. Sa wakas nakaupo na rin kami. Pero nakakuha kami ng puwesto sa pinakadulo ng bus. Ayos lang.


Lumapit si Alex sa amin. "Bababa na po ako, Tito," sabi niya sabay abot ng box ng wedding cake sa Daddy ni Maggie at ngiti sa best friend ko.


Napaangat ang puwet ko sa upuan. "Ha? Dito ka na?"


Tumango siya. "Malapit na dito ang office namin," sa mismong pinagtatrabahuhan din siya nakatira.


Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng lungkot ng makita kong kumakaway si Alex bago bumaba ng bus. Kita ko rin sa mukha niyang nalungkot siya sa pag-iwan sa amin. Kita ko rin iyon sa pagkaway niya, parang ayaw pa niyang umalis. Naging unforgettable moment ang kasal ng kuya ni Maggie.


Habang naglalakad ako sa aisle noong kasal, nakasimangot ako. Namumula ang mga mata dahil pinipigilan kong umiyak.


Parang robot kung maglakad c Alex sa tabi ko habang inaalalayan ako sa siko.


"Bili tayo ng wig, gusto mo?" bulong niya noong nasa gitna na kami ng paglalakad. Ramdam kong pinagtatawanan niya ko.


Tiningnan ko siya ng masama. May gana pang mang-asar ng hayop na 'to habang miserable ang pakiramdam ko. Nagluluksa sa pagmu-murder sa buhok kong buong buhay kong inaalagaan.


Nginisian ako ng unggoy.


Hinampas ko siya ng hawak kong bouquet sa ulo.


Kitang-kita iyon sa wedding pictures.


Umandar na ang bus at nawala na si Alex sa pintuan. Tinanaw ko siya mula sa bintana. Naglalakad na siya sa gilid ng kalsada. Patawid yata. Nangalumbaba ako. Sana mas matagal pa pala ang inilagi namin sa Tarlac. Sana pala tinanggap namin ang offer ng Tita ni Maggie na mag-dinner sa restaurant bago umuwi, pero nagmamadali na kasi ang parents niya. Sana pala inalok ko siyang mag-stay muna sa Cavite for the weekend. Puwede namin siyang dalhin ni Maggie sa Tagaytay para makapamasyal.

The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon