The Date

1.1K 36 8
                                    

"Anak, may oras pa, puwede pang magbago ang isip mo..." sabi sa akin ni Mama habang nasa loob kami ng ospital. Tinutulak na nang nurse ang wheelchair na sinasakyan niya papunta sa chemotherapy area. Naka-confine siya ngayon. Session din niya ngayong gabi.

Nginitian ko siya. Hawak ko sa isang braso ang jacket na gamit niya. Umiling ako. "Okey lang ako, Ma."

Tiningnan niya ko. Nananantya. "Sure ka? Puwede mo naman akong iwan dito. Minsan lang 'yun, anak."

Nakangiting umiling pa rin ako. "Ayos lang, Mama. Hindi naman ako mahilig sa ganoon saka wala akong damit," tinanguan ko na ang nurse. "Hintayin kita dito, Ma."

"Once in a lifetime lang 'yun, anak," hirit pa rin ni Mama. Nagsasalita pa pero tinawanan ko na lang siya. Pagkasara ng pintuan, pumunta ako sa waiting area.

Doon lumabas ang totoo kong nararamdaman. Lumabas ang lungkot at panghihinayang. JS Prom namin ngayong gabi. Pero hindi ako makasama dahil naka-confine si Mama at wala akong pambili ng isusuot. Nag-aaral lang naman ako sa public school pero kahit simpleng gown hindi ko na inasam na pag-aksayahan ng pera. Mas kailangan ng Mama ko ng gamot at pang-therapy niya. At mas kailangan ako ng Mama ko sa tabi niya.

Um-attend ang lahat ng kaibigan ko. Gusto pa ngang mag-reunion mismo sa Prom ng barkada ko noong first year high school ako, pero tinanggihan ko. Hindi ko kayang magsaya kasama sila habang naiisip na mag-isa sa ospital ang aking ina.

Bumuntung-hininga na lang ako. Okey lang. Mas importante si Mama. Naupo ako wa waiting area at nanuod ng tv. Parang nananadya naman ang oras, isa sa favorite kong fairy tale ang palabas. Beauty and the beast. Animated film. Tuwang-tuwa pa nga ang batang kasama ang Daddy niya na naghihintay rin katulad ko. Napangiti ako sa kanya.

Pero mas lalo akong nalungkot. Kung um-attend ba ko, ganoon din 'yung feeling habang nasa JS Prom? Mae-experience ko din ba 'yung dance na ginawa nina Belle and Beast? May mag-aalok din kaya sa aking isayaw? Totoo kaya 'yung mga napapanuod ko sa tv? 'Yung mga nagkaka-in love-an sa Prom night nila?

Um-attend si Michael, sigurado ako. Sigurado din, ang gwapo niya ngayon. Sigurado din, siya ang King of the Night. Sigurado din, ang daming babaeng nagdarasal na isayaw niya. Kung nandoon ako, isasayaw niya kaya ako? Mapapansin niya kaya ako? Makikita na kaya niya ako higit pa sa kaibigan lang?

Bumuntung-hininga ulit ako. Inirapan ko si Belle. Inggit ako sa kanya. Asa ka pa!

Sana balang-araw, maka-attend din ako sa isang party. Sana katulad ni Belle, may isang taong dumating din sa buhay ko na magpaparanas sa akin kung paano ma-in love. Mala-fairy tale na love story. Sana may dumating din na Beast na magta-transform into a Prince sa buhay ko. Sana may Prince Charming din ako.

Sana.

Magkahalong lungkot at saya, ngumiti ako sa imahinasyon at pag-asa.

Ngumiti ulit ako sa imahinasyon at alaala. Nasa loob ako ngayon ng CR ng kwarto ko. Nakabukas ang gripo at hinahayaan na dumaloy ang tubig sa isang kamay ko. Tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin at ang alaala ng kabataan ko. Medyo namamaga pa ang mga mata ko, dala ng tulog. Magulo ang buhok. Naka-sandong puti at boxer shorts.

Ang tanging alam ko lang ay galing ako sa time machine ni Jesus. Hindi ko alam kung ilang araw o oras na ang nakakalipas simula ng ibalik niya ako dito. Basta ang alam ko lang, natulog ako. Pinatulog niya ako at ngayon lang ako nagising.

Relax and refreshed ang feeling ko. More alive. Parang bagong tao ang pakiramdam.

Nagsimula akong mag-toothbrush. Habang nagtu-toothbrush nilingon ko ang damit na nakapatong sa ibabaw ng kama ko. Isang dress iyon. Floral dress na hindi ko pa nasusuot. Ang balak ko sana ay gamitin iyon kapag may ikinasal na naman sa isa sa mga kaibigan ko. Pero mukhang hindi na aabutin sa kasal nila ang dress. Gagamitin ko siya ngayon sa date namin ni Jesus.

The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon