One Date with J: Immanuel (God with us)

1.6K 78 12
                                    

"Therefore the Lord himself shall give you a sign; Behold, a virgin shall conceive, and bear a son, and shall call himself Immanuel." (Isaiah 7: 14 KJV)

Milyun-milyong taon na akong nabubuhay,

Gawa ako sa carbon, nitrogen at oxygen,

Ipinanganak sa clouds of dust at namamalagi lamang sa galaxy,

Tinitingala ng mga tao, pinapanuod mula sa kalangitan,

Maliit lamang ako kumpara sa iba kong kaibigan, lalo na kay Araw,

Pero sa gabing ito, sa hindi ko malamang kadahilanan, pinili Niya ako.

Tinawag akong His star. (Matthew 2:2)

Hindi ako isang supernova, comet o planeta,

Isa akong natatanging bituin na naging daan para maging gabay sa mga Wise men.


Dinagdagan Niya ang aking liwanag,

Pinalaki ang aking katawan,

Umiikot ang mundo pero pinanatili Niya lamang ang aking tanglaw sa iisang lugar,

Sa iisang puwesto, sa iisang siyudad, sa isang sabsaban.


Nasaksihan ko na ang maraming bagay sa mundo,

Pero nagtatangi ang oras na ito,

Sa planetang puno ng makasariling tao,

Ang hari ng mga hari, ang nag-iisang anak ng Diyos,

Ipinanganak, tahimik at buong pagpapakumbabang dumating,

Para sa'yo.


Nakita kita,

Kakaiba ang pananamit at ayos, mugto ang mga mata,

Hindi ka nabubuhay sa panahong ito,

Pero sino'ng makakapigil sa Kanya?


Ipinanganak ka sa ospital,

Ipinanganak Siya sa pahingahan ng mga alagang hayop,

Ipinanganak kang kumpleto ang pamilya kasama na ang lolo't lola,

Ipinanganak Siya na kasama lamang ang ama't ina at nasa dayuhang lupa pa,

Ipinanganak kang kumpleto ang mga gamit, may mga laruan,

Swaddling cloth lang ang meron Siya,

Inihihimlay ka ng iyong ina sa crib,

Manger ang meron Siya,

Ipinanganak kang saksi ang midwife,

Mga shepherds ang mayroon Siya.


Ipinagpalit niya ang kaharian, karangyaan at kasaganahan ng langit,

Mayroon din siyang kamay, paa, buhok at kuko,

Mayroong mata, ilong, bibig at tainga,

Nakakakita, nakakaamoy, nakakarinig,

Malalasahan ang bigat, ang hirap at sakit ng pagiging tao,

Tulad mo. 


Kaya't kung mamamatay man ako ngayon,

Mauupos ang liwanag,

Hihigupin ng Milky way,

Magiging maliit pa sa tuldok sa kalakihan ng langit at hindi na kita makikita,

Mamamatay akong maligaya.


Naging bahagi ako ng isang phenomena,

Isang payapang gabing magiging simbulo ng pag-asa,

Dahil ang nag-iisang Messiah ay dumating na,

Ginamit Niya ako,

Pag-aari Niya ako,

Makakalimutan ako ng lahat,

Maaaring hindi na maaalala ng mundo ang tanglaw na ibinigay ko,

Pero kung ako'y isa lamang maliit na bituin, binigyan Niya ng kahulugan,

Ikaw pa kaya?

Ikaw pa kayang nililok Niya na gawa sa pag-ibig at binuhay na mayroon na agad kahulugan kung bakit ka Niya inisilang?

Ikaw pa kayang handa Niyang mahalin kahit na alam Niyang maaaring hindi mo Siya mamahalin?

Nag-iisa ang sanggol na ito.

Kung nagawa Niyang tulayin ang pagitan ng Langit at Mundo para sa'yo,

Ano'ng hindi niya kayang gawin para sa'yo?


-Star of Bethlehem

The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon