One Date with J: Chapter 30

2.6K 66 5
                                    

Ibinaba ko ang bote ng San Mig light sa gilid ng binti ko. Nandito ko sa labas ng apartment. Sa balcony. Mag-isang umiinom habang ninanamnam ang pagdampi ng malamig na hangin ng gabi. Nakasuot lang ako ng denim shorts at manipis na puting t-shirt. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig. Hindi ko alam kung dala lang iyon ng lamig ng hangin o dahil sa lamig ng san mig o dahil sa bigat at lamig na nasa dibdib ko.


Narinig kong may humintong tricycle sa tapat. Nag-angat ako ng mukha.


Nakita ko si Kuya Lee na nagbabayad sa tricycle driver. Pero ang mga mata niya nakatuon na agad sa akin. Nakasuot lang din siya ng kaparehas sa akin. Pambahay.


"Hey," mahinang bati niya sa akin nang makalapit. Nasa mukha niya ang pag-aalala at pagpipilit na ngumiti para sa akin.


Hindi ko magawang gumanti ng ngiti. Ibinaba ko lang ulit ang ulo ko sa mga tuhod ko.


Naramdaman kong naupo siya sa tabi ko. Alam kong natingin siya sa bote ng San Mig sa tabi ng binti ko.


"Nakaka-ilang bote ka na?" tanong niya.Hindi ko mabosesan sa kanya kung sesermunan ba niya ako o gusto lang niyang magtanong.


Iniangat ko ang kanang kamay ko. Nag-peace sign. Ibig sabihin, dalawa.


"Lasing ka na. Wala sa mukha mong sanay kang uminom," seryosong sabi niya.


Tama siya.


Narinig kong bumuntung-hininga si Kuya Lee. "Ginago na naman ni Alex ang utak mo?"


Hindi ako nag-react pero tama siya.


Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha pero tumingin sa malayo. Bumuntung-hininga. "Bakit kung kailan okey ka na, gagawin niyang komplikado ulit ang lahat?"


"Well, that's the curse of love," sabi ni Kuya Lee. May halong sarkasmo ang boses niya.


Tinitingnan ko 'yung poste ng ilaw sa tapat namin. Nakatitig lang ako sa liwanag niya at sa mga insektong lumilipad sa paligid niyon. Sa utak ko, nagpa-flashback na naman ang lahat ng bagay sa aming dalawa ni Alex.


Narinig kong may humikbi. Sure ako hindi iyon si Kuya Lee.


Naramdaman ko 'yung kamay niya sa ulo ko. He's trying his best to tell me na nandito lang siya sa tabi ko. Hindi niya ko iiwan. Wala siyang sasabihin. Puwede akong umiyak hangga't gusto ko.


Nauwi 'yung paghikbi ko sa hagulhol. Nasa ulo ko pa rin 'yung kamay niya habang sinusubsob ko yung mukha ko sa tuhod ko.


+ + +


Five years ago...


Itinaon naming wala akong duty sa ospital. Itinaon naming nasa school ang mga pinsan ko. Itinaon naming umuwi ng probinsya si Tita. Itinaon naming kami lang dalawa ni Alex sa bahay.

The Awesome GodWhere stories live. Discover now