One Date with J: Chapter 17

2.4K 122 16
                                    

My Dearest Olivia, 


I have read all your letters. Alam ko ang bawat laman ng sulat mo. Mula sa diary, notebooks at sulat mo para sa akin. Pero hindi na kailangang dumaan ng post office ng mga sulat mo para makarating sa akin. Sinusulat mo palang nababasa ko na at nakatatak na sa akin ang bawat salitang laman niyon.


Hindi ako sumasagot sa pamamagitan rin ng tinta at papel. Direkta ang sagot ko sa puso mo. Ang mga kwento, dasal at paglalabas ng sama ng loob ay importante sa akin. Ramdam mo man o hindi, pero dahil lumalapit ka sa akin, ginagawan ko ng paraan ang lahat. Hindi na kailangang sumama ang loob mo kay Mama mo. May dahilan siya kung bakit niya ginawa ito.


You don't have to worry about your future. I am here. I will always be here. Hinding-hindi kita pababayaan. I am going to provide all your needs. You are under my control. 


Tell me everything. Write. Learn from me.


Love,

Jesus

The Awesome GodWhere stories live. Discover now