Chapter 1- The Transferee

1.2K 46 7
                                    

I feel like I am out of place.

Nakatayo ako sa harapan ng gate ng Bataan Peninsula State University o BPSU. I am deciding if I should go or just skip this first day of school.

I missed Baguio. I missed SLU. I missed my friends. I missed the cold weather and the fog. In Bataan, everything is warm and plain.

Napabuntong hininga ako at inayos ang back pack na suot. Naramdaman ko na agad ang kaunting pawis na namumuo sa likod ko.

Napakainit. Ibalik ninyo ako sa Baguio.

"ID?" tanong ng guard sa akin.

"New student," sagot ko at ipinakita ang slip from my application form. Naka-stapler pa doon ang resibo ng tuition fee ko na instalment. Another reminder why I am here in this university.

Pagtapak ko sa loob ng campus, everything went in slow motion. Every student, if I'm not being exaggerated, looked at me.

Awkward, naisip ko.

Dito ako dinala sa campus ng Bataan Peninsula State University pagkatapos akong pauwiin mula sa Saint Louis University kung saan ako nag-aaral. I am taking up Electrical Engineering at sa kasamaang palad ay mayroong course dito sa Bataan.

Malawak ang university na ito at sa pagpasok pa lang ng gate ay makikita sa harapan ang three-storey building na puno ng student. Sa gawing kanan ko ay may mga room na puro yata lalaki ang student at kasalukuyang nakatingin sa akin.

Nagyuko ako ng ulo at tahimik silang nilagpasan.

I am aiming to go to that three-storey building para makapagtanong. Paglagpas ko ng room sa kanan ay may daan pakaliwa. Sa daan ay nagkalat ang mga student na lalaki rin at nakasuot ng mga t-shit na may tatak na AUTOMOTIVE. Guess what, nakatingin din silang lahat sa akin? Wala na bang ia-awkward ang sitwasyon ko?

"Ano ba?" mahinang bulong ko sa sarili.

Yumuko pa akong muli at hinayaang dumulas sa mukha ko ang mahaba kong buhok upang itago ang pamumula ng pisngi.

Come on, go away.

Sa three-storey building, may mga iilan na babae doon na nakatambay sa labas ng room at nagpapahangin. Nakabukas ang mga bintana ng classroom kaya natatanaw ko ang mga nasa loob at gano'n din sila sa akin.

Maraming classrooms sa university na ito but unlike SLU na puro building, dito ay halos one-storey building lang ang mga rooms. Kakaunti ang matataas na building at pinakamataas na nga yata—siguro itong building na ito sa ngayon.

"Ms. can I ask where is this room 106?"

Tiningnan ako ng babae at nagkibit balikat. Iniwan niya akong nakatulala sa kawalan.

"Doon ang room 106, miss," wika ng mga lalaki sa loob ng classroom.

"Thank you," nahihiyang sagot ko.

"Miss, ano ang pangalan mo?"

Binilisan ko ang paglalakad at tinungo ang building na tinuro ng mga lalaki.

Luma ang mga room dito at may laboratory equipment sa isang gilid.

103.

104.

105.

Oh, here it is, room 106.

Napahinto ako sa pintuan nang lumingon ang mga tao sa loob ng classroom.

"Shit," bulong ko. Mukhang mali ako ng room. Puro lalaki na naman sila. Wala bang babaeng engineering dito?

"Hi," I said in the most awkward tone. "Dito ba ang room 106?"

In my DreamsWhere stories live. Discover now