Chapter 3- The Gangster

398 33 1
                                    

Remember that bouquet?

Mabuti at hindi ko tinanggap.

I saw the bouquet on one of the Architecture student. Hawak hawak niya iyon habang naglalakad sa hallway na parang beauty queen.

"Carly, 'yong bouquet mo." Ngumuso si Ate Sheila nang dumaan ang babae na may hawk ana bouquet. "Teka parang kahawig mo s'ya."

Napatingin din ako sa babae na dumaan na kasama ang mga kaibigan niya. Sino ba ang hindi mapapatingin sa kanila e ang ingay nila. Sa height, mas matangkad ako. Mas mahaba ang buhok ko. Samantalang black ang buhok ko, sa kanya naman ay parang kinulayan ng brown. Mas mabilog ang katawan niya at malaki ang dibdib. Hindi ko mahanap ang pagkakahawig namin na sinasabi ni Ate Sheila. Siguro sa hugis ng mukha, oo pero parang doon lang naman ang pagkakahawig namin.

"Hindi kaya napagkamalan kang siya kanina?"

"Baka," maikling sagot ko.

Kamukha ko ba talaga?

"Architecture 'yan," wika ko kay Ate Sheila.

"Para kayong magkapatid," pamimilit niya. "Ipagtatanong ko ang pangalan niya."

Hailey! Hailey ang pangalan no'ng babae na sinasabing kahawig ko. Architecture student, ka-batch ko. Nalaman kaagad iyan ni Ate Sheila dahil pinansin niya ang bouquet na dala nito.

"Proud siya na binigyan siyang bulaklak ng admirer niya."

Tahimik akong nakikinig sa tsismis ni Ate Sheila. Nakakahiya pa pala kung kinuha ko ang bulaklak.

"Pero paano Carly kung sa iyo naman talaga ang bulaklak na iyon tapos siya ang napagkamalang ikaw?"

Umiling ako. "Ayaw ko ng isipin," I replied to Ate Sheila.

Hindi dahil sa hindi ako mahilig sa bulaklak. Po-problemahin ko pa kung saan ko ilalagay 'yon. Sobrang higpit ng parents ko sa ganyan. Bawal lahat kahit tingnan. Tinataboy nila ang nagtatangkang 'manligaw' sa akin. Kaya siguro nagtatago ako sa mundo.

Mabalik tayo kay Sir Calderon, Prof ko siya sa Trigonometry. Pasado ko ang subject na ito sa SLU pero nga dahil hindi na-credit noong lumipat ako, pinaulit sa akin.

Gan'to ang style ni Sir Caldero sa pagtuturo. Dadating siya na 15 minutes late sa class. Iinom ng coke pagdating. Tapos magsusulat ng 1-2 problem sa board saka sasagutin nang hindi pinapaliwanag kung saan galing ang mga numbers. Makikipagbiruan siya sa student. He makes sure na naiilang ako sa mga biro niya pagkatapos ay idi-dismiss ang klase. Ganoon ang routine niya kaya nalilito ang mga kaklase ko sa Trigonometry. Kaya noong nagbigay siya ng quiz, napataas ang kilay niya nang may isang pumasa sa quiz niya— ako. He looks disappointed that I aced his quiz.

Sa kaklase ko sa EE, lima kaming babae. Ako, si Annie, si Jenny, si Sally at si Trixie. Si Jenny at Annie ang madalas kong nakakakwentuhan hindi dahil dumadaldal na ako kung hindi dahil curious sila sa akin.

"Kahawig mo si Hailey," sabi ni Annie na parang nakakain ng ampalaya.

Hailey na naman!

"Hindi naman," tanggi ko.

"Carly, 'di bat aga JRI ka?" tanong ni Jenny na ang ibig sabihin ay kung sa JRI ako nag-aral.

"Yup. JRI Orani," sagot ko na ang ibig sabihin ay JRI Orani campus.

"Oh, so kilala mo si Danilo?" tanong ni Annie at tinuro ang isang classmate namin.

"Ugh, hindi," I replied honestly.

"Hah? Taga JRI Orani din 'yon,' wika ni Jenny.

"Diamond section 'yan," sigaw ni Danilo from where he is seated. "Hindi sila namamansin."

Hindi ba pwedeng busy lang sa pag-aaral?

"Ang ingay n'yo!" sigaw ng nasa likod.

Napatingin kami sa kanya. May isang monoblock na lumipad at tumama sa black board. Basag ang monoblock.

Shocks!

"Hindi ba kayo makapagsalita nang hindi nagsisigawan?" sigaw ng isang classmate namin na nagagalit.

Natatawa ang mga kaibigan niya na nakaupo rin sa tabi niya.

Natahimik kami at ang ibang kaklase namin ay nag-iwas ng tingin sa kanya. Tanging ako ang naiwang nakatingin sa gawi nila.

Masama ang tingin ng kaklase namin sa amin. At dahil ako na lang ang nakatingin sa kanya, sa akin niya binaling ang matalim na paningin.

"Ano ang pangalan niya?" mahinang tanong ko kay Jenny. "'Yong masama ang tingin sa atin."

"Huwag mong titigan at baka ikaw ang batuhin ng monoblock. Si Jayce 'yan," bulong ni Jenny.

So siya pala si Jayce na bukang bibig lagi ni Annie.

Nag-iwas na ako nag tingin at baka umuwi pa akong duguan dahil nabato ng monoblock.

"Bakit may sirang upuan?" tanong ng Prof naming si Sir. Trian ang pumasok siya sa room. Ituturo ko sana si Jayce nang takpan ni Annie ang bibig ko at si Jenny naman ay pinigilan ang kamay ko.

"Huwag mong isumbong, malilintikan ka kay Jayce," bulong ni Annie.

Walang umamin kay Sir Tria kung sino ang nakasira ng monoblock. Lahat kami ay nadamay. Sinabi nito kay Sir Lazarte na may sirang upuan at ang Dean namin ay tumalak ng buong isang oras sa amin.

"Ikaw, transferee, hindi mo kilala kung sino ang bumasag sa upuan?"

Ramdam ko ang bigat ng tanong ni Sir Lazarte. Nararamdaman ko rin ang pagsiko ni Annie sa akin.

"Hindi... ko po... alam, Sir."

Narinig kong nag-exhale si Annie.

I can't believe na pinagtatakpan ko ang classmate ko.

Iyon ang first encounter ko kay Jayce. And second encounter ko sa kanya ay sa hallway ilang araw pagkatapos ng pamamato ng monoblock.

Nasa hallway kami at naghihintay ma-vacant ang classroom. Padaan ang mga Architecture— sila Hailey— sa tapat namin.

"Jayce, si Hailey!" sabi ng isang classmate kong si Eric.

Isang ngiti ang iniwan ni Hailey sa amin na lalong tinukso ni Eric si Jayce.

Oh, kay Jayce kaya galing ang bouquet?

Pagdaan nila Hailey, doon lumapit si Jayce kay Eric. Kitang kita ko, dahil katabi ko lang si Eric, nang hablutin ni Jayce ang kwelyo ni Eric at isandal sa pader. Jayce lifter Eric from the wall. Jayce has this murderous face.

"Kaibigan ba kita, putang-ina ka, para tuksuhin mo ako?" tanong ni Jayce kay Eric.

Eric's feet are a foot from the ground. Literal na naiangat siya ni Jayce. Jayce is almost six feet sa tantiya ko. He towers me kahit matangkad na ako. He is wearing a cap so I can't see his eyes but I see his mouth and it is snarling to Eric.

"Sino ang may sabing kausapin mo ako, ha?" tanong muli ni Jayce kay Eric. Si Eric ay hindi makapagsalita sa takot.

"Uy, teka. Bitawan mo na." I tried to talk to Jayce pero hindi niya ako pinansin. "Jayce, hindi na makahinga si Eric. Bitawan mo na."

Tumingin sa akin si Jayce. Doon ko nakita ang mata niya. Matalim ang tingin sa akin. Binitawan niya si Eric at napasandal si Eric sa wall. Nanlalambot marahil ang mga tuhod sa takot.

"Sa susunod, mamimili kayo ng tutksuhin," babala ni Jayce sa amin bago kami iwan.

Grabe naman itong tao na ito, may anger issue ba siya? 

In my DreamsWhere stories live. Discover now