Chapter 18- The Guilds Sr

308 28 3
                                    

Namamaga pa rin ang wrist ni Jayce nang pumasok. Naka-benda ang kamay niya nang lumapit siya sa akin.

"Tanginang mga kandidato 'yon. Wala tuloy pasok kahapon dahil sa kanila," mahinang wika ni Jayce habang paupo sa upuan sa tabi ko.

"Gustong-gusto mong pumapasok," puna ko sa kanya.

"Wala kang phone eh. Paano kita makakausap kung hindi dito sa school?" nakasimangot na sagot nito.

Kyaahh. I smiled a little para hindi naman halatang kinikilig ako.

"Namamaga pa ba?"

"Kaunti na lang pero masakit pa rin kapag nagagalaw," sagot ni Jayce.

Nang magsimulang maglesson ang Prof namin, I was surprised nang makita kong nagsulat si Jayce using left hand.

"Magkinig ka do'n. Huwag mo akong titigan," bulong ni Jayce sa akin.

"Kaliwete ka!"

"That sounds wrong," mahinang wika ni Jayce.

Tinaboy ako ni Jayce na makinig sa Prof namin.

Dahil may injury si Jayce, hindi na siya tumambay pa sa basketball court. Sumama na lang siya sa akin kung saan man ako pumupunta. Hinihintay niya ako sa labas ng room sa mga subjects na hindi ko siya kaklase. Mas lalong nakilala na si Jayce ang boyfriend ko dahil sa paghihintay niya sa akin. Nabawasan na ang sumisipol at nagca-catcall sa akin kapag mag-isa ako. Ngayong kasama ko si Jayce halos maghapon, wala ng tumatawag pa sa akin.

After ng klase ko, iniisip ko kung paano ako makakatakas kay Jayce.

"Jayce, pwedeng mauna ka na sa canteen?"

"Bakit?" balik na tanong niya. Nakatayo kami sa hallway at nasa tapat ng room 102.

"May dadaanan lang ako."

"Daanan na natin," sagot niya. "Ano ba iyon?"

"Ah, wala."

"May tinatago ka sa akin?" walang ngiting tanong nito.

"Wala naman. Ano kasi..." Nakakahiya kasi.

"What are you hiding?"

"Wala akong tinatago. Dadaan lang ako sa The Guilds Sr. Office sana." Pahina nang pahina ang boses ko habang nagpapaliwanag. Ang The Guilds Sr. ang official publication ng university.

Kumunot ang noo ni Jayce. "Ano ang gagawin mo sa The Guilds?"

"May ipapasa," nahihiyang sagot ko.

"Na ano?"

Napabuntong hininga ako. "A story. Yaan mo na nga." Nauna na akong maglakad papunta ng canteen nang hilahin ako ni Jayce.

"Doon ang papuntang The Guilds," sabi nito.

"'Wag na Jayce."

"Ipasa mo na para hindi ka magsisi."

Hila-hila ako ni Jayce hanggang sa makarating kami sa office ng The Guilds Sr. Naroon ang isa sa mga may 'crush' sa akin. Naaalala kong tinutukso ito ng mga kaklase niya dati kapag nadadaan ako sa harap ng room nila.

"Hi Carly, ako si Joffer, ang editor ng The Guilds Sr. Napadaan ka?" nakangiting tanong ni Joff.

"May ipapasa raw siya." Si Jayce ang sumagot at tumingin sa akin.

Nahihiya akong umiling. "Hindi na, Jayce."

"Ipasa mo na," pamimilit ni Jayce.

"Ano ba iyong ipapasa mo dapat?" tanong ni Joff.

Hinintay akong sumagot ni Joff at Jayce.

"Story sana," mahinang sagot ko.

"E-mail mo na lang sa akin," Joff commented.

"May print out na yata siya," sabat ni Jayce.

"Oh, good. Akin na. Sa akin mo na ipasa," ani ni Joff.

Napilitan akong iabot kay Joff ang print-out ng sinulat kong short story. "Sige, thank you."

"Message kita kapag okay ang manuscript mo," wika ni Joff.

"Wala siyang phone," naunahan akong sumagot ni Jayce.

Hinila na ulit ako ni Jayce, this time papuntang canteen.

"Salamat," pahabol ko kay Joff bago kami tuluyang makaalis.

"Tungkol saan ang sinubmit mo sa The Guilds?"

"Curious ka?" balik na tanong ko kay Jayce. Nagkibit balikat siya. "Tungkol sa pari na nagkaanak."

"I didn't know na nagsusulat ka. Ang alam ko ay mahilig kang magbasa," wika ni Jayce habang naglalakad kami.

"I am a frustrated writer. Hindi lang ako pinayagang maging writer ng mama ko. Wala raw akong mapapala ro'n."

"The typical parent. Gano'n yata talaga ang isip ng mga matatanda," ani ni Jayce.

Mabuti at hindi hiniling ni Jayce na basahinang sinulat ko. Hindi ako ready na ipabasa sa kanya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ko pinasa sa The Guilds Sr. ang manuscript na iyon.

Two months have passed. Nakalimutan ko na ang The Guilds. Isang araw, lumabas ang university magazine at nakipila ako para makakuha ng issue. Laking gulat ko nang makita ko ang pinasa kong manuscript na nando'n.

ABITO

By: Nayumi

"Jayce!" tawag ko kay Jayce at pinakita ko ang magazine. "Nandito ang pinasa ko. Naisamang ma-publish." Ang saya-saya ko nang makita ko ang title.

Tiningnan ni Jayce ang tinuro kong page. Nawala ang ngiti niya nang makita ang nakasulat.

"Bakit hindi mo pangalan ang nakalagay?"

"Shhh... Pen name ko 'yan," mahinang sagot ko.

"Bakit ka pa gumagamit ng pen name? Pwede mo namang ilagay ang pangalan mo."

"Ayaw kong malaman ng mga tao kung sino ako; na ako ang nagsulat," paliwanag ko kay Jayce.

"Bakit?"

"Nahihiya ako kaya huwag kang maingay," pagbabawal ko rito.

Naiiling siya sa akin. Okay na sa akin na ang pen name ko ang makita. Masaya na akong nai-piblish ang gawa ko.

"Next time, ilagay mon a nag pangalan mo," wika ni Jayce.

Bahala na. Kung may next time pa. 

In my DreamsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora