Chapter 21- I'm Obsessed

302 39 5
                                    

I was alone in the canteen, doing my best to memorize the preamble from the Philippine Constitution when Hailey sat in the vacant seat in front of me.

"Hi," bati niya.

Napahinto ako sa pagme-memorize.

"So ikaw ang bagong girlfriend ni Jayce," she stated with venom while smiling with malice.

"I am busy." Itinaas ko ang hawak kong libro na gusto kong ipalo sa mukha niyang nakangiti.

"I'm just wondering, kinuwento ba ako ni Jayce sa iyo?"

Unti-unting tumataas ang dugo ko sa ulo. Bumuntong hininga ako at binaba ang libro sa table na may kalakasan. "Ano ang gusto mo, Hailey?"

Nagkibit siya ng balikat. "Kung kinukwento ba  ako ni Jayce."

"What's there to tell me?" I asked sarcastically. "And why are you interested with Jayce? Alam ba 'yan ng boyfriend mo?"

Hailey laugh. Feeling niya seductive siya no'n. "Kwentuhan kita."

"I'm not interested." Kinuha ko ulit ang libro at hinanap ang Preamble.

"Masarap siyang humalik."

PUTANG-INA!

Pero ngumiti lang ako kahit nagdidilim ang paningin ko. Tumango ako at nagpanggap na nagbabasa.

"Uh-huh," wika ko habang tumatango.

"At nasa wallet niya pa ba ang picture ko?" dagdag na tanong ni Hailey.

Huminga ako ng malalim at ngumiti ng matamis. "Hindi ko maintindihan ang obsession mo sa boyfriend ko, Hailey. Hindi ka ba masaya sa pinili mo? May pagsisisi ka na ba?"

Humalakhak si Hailey. "Hindi ako mapapakain ng love, Carly."

Nagkibit ako ng balikat. "Napapakain pa naman ako ni Jayce so far. Wala akong reklamo. Anything else, Hailey?"

"Basta ang akin lang, una siyang naging akin."

How original!

"At ang sabi sa bible ang nauuna ay siyang nahuhuli," pilosopong sagot ko.

"Ipokrita," mahinang wika ni Hailey para ako lamang ang makarinig. Umalis siya sa harapan ko na nagpupuyos ako sa galit.

Hindi ako nagtagal sa canteen. Lumipat ako ng lugar kung saan ako makakapag-aral. Pumunta ako s alibrary. Nagtago ako sa pagitan ng mga aisle, sa pinakadulo. Sa pinakatago. Doon ko nilabas ang galit ko kay Hailey. Doon ako nagdabog. Doon ko pinaghahampas ang bag ko sa mga box shelves.

Hindi ko man gustong pansinin ang babae na iyon ay sumusuot siya sa defence ko.

Nagmessage si Jayce after ng class niya. Hinahanap niya raw ako sa canteen pero wala raw ako doon. Hindi ko gustong kay Jayce mabaling ang init ang ulo ko pero siya itong makulit na text nang text. Hindi pa nakuntento at tumawag pa nang hindi ako nagreply.

"Nasaan ka ba? Kanina pa ako nagte-text ah!" may iritasyon na tanong ni Jayce.

"Nasa library."

"Akala ko ba sa canteen mo ako hihintayin?"

"Eh papaano, 'yong lintik mong ex, ginugulo ako kanina!"

"Sinong... Pupuntahan nga kita. Nasaan ka sa library?"

"Basta sa library. Ilan ba ang library dito sa school na ito?" singhal ko kay Jayce.

Kasalanan mo 'to Jayce. Kung bakit kasi impakta ang niligawan mo before me.

Naka dalawang text pa si Jayce asking where am I sa library pero hindi ko sinagot. Nakakunot ang noo nito nang makita ako sa dulong aisle.

"Ano ang ginagawa mo diyan? Hindi ka man lang magreply," may accusation na wika nito.

"HUwag mo akong sabayan. Kanina pa ako nabubwisit."

Naupo si Jayce sa tabi ko. "Ano ba ang nangyari?" Nag-iba ang tono nito. "Ano 'yong sinasbai mo kanina?"

Huminga ako ng malalim. Mga tatlong beses para lang makapagsalita ng medyo kalmado. "Nagme-memorize ako kanina nang lapitan ako ng Hailey."

"Si Hailey na naman. What is this this time?"

Tumingin ako ng masama kay Jayce. "Don't act like this is my fault."

"Wala akong sinabi. Ano ba ang ginawa sa iyo?"

"Tahimik akong nakaupo sa canteen nang lumapit siya at pinamukha niya sa akin... pinamukha niya na masarap ka raw humalik."

"Ow?" natatawang tanong ni Jayce na mas lalo kong ikinagalit.

"Did you kiss her?"

"Carly, pag-aawayan na naman natin?" tanong ni Jayce. "Nagseselos ka ba kay Hailey?"

Hindi ako kumibo.

"Hoy..." Kinalabit ako ni Jayce sa braso. Hindi pa rin ako kumibo.

"She is nothing, Carly. HUwag kang magpaapekto sa kanya. Kita mo, nasisira ang araw mo dahil sa kanya."

"Sino ang hindi masisira ang araw sa ex mo."

"Hindi ko ex 'yon," mabilis na sagot ni Jayce.

"I was minding my own business when she sits in front of me. Ang kapal ng mukha... ang kapal kapal ng..." Naputol ang mahabang litanya ko nang patigilin ako ni Jayce sa pagsasalita dahil ang labi niya ay nasa labi ko.

I was in shock that I forgot where we were; what I am saying...

His lips are soft and he is giving me a small playful bite on my lower lip. He ended the kiss shortly.

Hinawakan niya ang mukha ko habang nakatingin sa mga mata ko.

"Hindi siya importante, Carly. Okay na?"

Huminga ako ng malalim. "You just..."

"Kissed you. I know," dugtong ni Jayce. "Matagal ko ng gustong gawin, Carly."

Huminga muli ako ng malalim. "I hate how I feel when she talked to me."

"I bet you put her in her place," wika ni Jayce.

Tumango ako. "She's obsessed with you."

"And I am obsessed with you," sagot ni Jayce.

Isa pang munting halik ang binigay niya sa akin bago siya tumayo. "Tara sa canteen habang nakakapagpigil pa ako."

Binigay ko ang kamay ko kay Jayce at hinila niya ako patayo. Pinagpagan ko ang uniform ko bago ko kinuha ang bag ko sa sahig.

Naun ana akong naglakad kay Jayce nang hilahin niya ang kamay ko pabalik. He holds my face once again and kissed me for the last time.

"Addictive," bulong niya pa bago niya pakawalan ang mukha ko. 

In my DreamsWhere stories live. Discover now