Chapter 9- 7 am

329 31 5
                                    

The second semester came. Wala na talagang pag-asa ang pagbalik ko sa SLU. Pinilit ko ng tanggapin na sa BPSU na ako mag-aaral.

Hindi pa rin nagbabago ang sitwasyon ko sa school. Kailangan ko pa ring habulin ang mga subjects na kailangan kong ulitin at naroon pa rin ang attention ng mga male students sa akin.

Laking pasalamat ko na lang na hindi ko na Prof si Sir Calderon. Nabawasan ako ng alalahanin.

"Oh, Carly, akala ko babalik ka ng SLU!" ani ni Jenny.

"Akala ko rin," I replied.

Nasa covered court kami dahil wala ang Prof namin. Nagsisimula na muli ang pustahan ng basketball ng mga classmate ko. Kalaban nila ang mga Mechanical Engineering student.

"Hindi ka na babalik?" curious na tanong muli ni Jenny.

Umiling ako sa tanong ni Jenny.

"Oh, that's sad."

Yeah, pero tanggap ko na (slight).

When my mother asked for my schedule, binigay ko sa kanya ang ni-revised kong schedule. I added subjects na wala naman talaga para hindi agada ko umuwi. I don't know kung saan ako pupunta basta ayaw ko lang umuwi agad.

It's sad that I have this kind of ill feeling towards my parents. It's just sad that I need to lie on my schedule just to have a little freedom; just to breathe.

Nagsimula na ang basketball. Tahimik na akong nanood. Napasigaw ako nang maibato ang bola gawi namin. Tatama ang bola sa akin. Hindi ako nakakilos para ilagan ang bola. Tanging sigaw kasabay ng pagpikit na lang ang nagawa ko. Pero ang bola ay hindi tumama sa akin. When I opened my eyes. Jayce was in the ground with the ball.

Nag-dive siya?

"Oh, no..." Agad naming nilapitan nila Jenny si Jayce na mukhang nasaktan sa pag-dive sa bola.

Jenny was about to touch Jayce when Jayce started to stand up. Tinabig niya ang kamay ni Jenny. Puso galos si Jayce sa braso. Mabuti at nakapantalon ito. (Yes, nakapantalon sila habang nagbabasketball)

"Okay ka lang ba?" tanong ko kay Jayce. Hindi ko na siya tinulungang magpagpag ng buhangin sa katawan.

Hindi sumagot si Jayce. Tumingin lang siya sa akin bago bumalik sa court. Hindi ko alam ang nangyari. Binato ni Jayce ng bola ang isa sa kalaban. Then nagsimula na ang suntukan. 'Yong basketball naging boxing.

"Hala, ano ang nangyari?" tanong ko kay Jenny.

Hindi naman namin sila maawat.

Mga security guard ang naawat sa gulo. Lahat ng nakipagsuntukan ay dinala sa Guidance Office.

"Ano ang nangyari?" Iyon ang tanong sa amin ng mga classmates naming wala sa court kaninang may nag-away.

"Hindi namin alam bakit nag-away sila," paliwanag ko ng paulit-ulit sa mga kaklase kong pinipilit kaming magkwento.

Ano ang sasabihin namin? Hindi namin alam bakit nagkagulo. One-minute nasa sahig si Jayce at hinabol ang bola, the next minute nakikipagsuntukan na siya.

Si library ako namirmis para makaiwas sa mga tanong about sa suntukan sa court. Sa sulok ng library ako naupo. Naroon si Jayce nang makarating ako doon. Nakaupo na siya sa favorite kong pwestuhan. Naupo ako sa harapan ni Jayce. Nasa gitna namin ang table.

"Okay ka lang?" tanong ko kay Jayce.

Napatingin sa akin si Jayce. May namumula sa may bandang cheek bone niya.

"Okay lang," sagot niya.

Wow, ngayon lang niya ako kinausap ng hindi umaangil.

Tanging tango ang naisagot ko. Tahimik kong nilabas ang binabasa kong libro. Si Jayce naman ay... well, hindi ko alam ang ginagawa niya sa library.

I was just there with Jayce in silence.

Lumipas ang isang linggo at nagsimula na ang kalbaryo ko sa drawing. Last sem na ng drawing at ang hirap na ng pinapagawa sa amin na drawing plate.

Lahat ng classmate ko ay nai-text ko na. pare-pareho ang sagot sa akin na wala pa silang nagagawa. Given it is weekend pero walang vacant period before drawing. Wala kaming time na gumawa sa school unless papasok ako ng 7am. Sino naman sa classmate ko ang papasok ng 7am para lang magpakopya?

Last number na naka-save sa akin ang number ni Jep na hindi raw siya si Jep pero I am desperate so I message him.

Carly: Hi... alam kong sinabi mo na sa akin na hindi ka si Jep pero sana classmate naman kita. May ipapasa ka na ba sa drawing?

Jep: Meron.

Carly: Pakopya ako, please.

Jep: Ok.

Napa-kurap ako sa sagot sa akin ni Jep.

Carl: Thank you. Sino ka nga pala?

Jep: Pumasok ka ng maaga sa Lunes.

Yes! Kung sino ka man, thank you.

Carly: Okay, thank you. See you sa Monday?

Jep: Sa library. 7am.

Looking forward ako ng Monday. Maaga akong nagising at nag-ayos papasok.

"Bakit ang aga mo?" tanong ni Mama nang makita akong paalis.

"Gagawa pa akong drawing. Wala akong tech-pen."

Naningkit ang mata ni Mama. Halatang nagdududa sa sagot ko.

"Umuwi ka ng maaga."

"Hanggang 7pm ang pasok ko," I replied kahit hanggang 4pm lang talaga ang klase ko. "Mga 8pm na ako makakarating dito."

"Kapag nalaman kong pinagloloko mo ako..." Hindi ko na pinakinggan si Mama. Dahan-dahan akong naglakad paalis. Hindi na ako kumain ng almusal at baka hindi ako matunawan sa kakasermon.

I was early by 5 minutes. Kakabukas pa lang ng library nang pumasok ako. I am also nervous nab aka pinagti-tripan ako ng classmate kong ayaw magpakilala.

Saktong 7am nang may matanaw akong paakyat sa library. Naka-cap ito ng itim kaya hindi ko maaninag ang mukha. Sa dami ng vacant na table, dumeretso ang lalaki papunta sa likod, sa may gawi ko.

I was speechless nang lumapit ang lalaki sa akin at makilala ko.

"Jayce?"

"Sabi mo kokopya ka hindi 'di ba?" walang ngiting sabi nito. Binuksan niya ang bag niya at nilabas ang gawa niya drawing plate. Inilapag niya ang plate sa harapan ko.

"Ikaw 'yong ka-message ko?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hindi ako si Jep. Kumopya ka na bago pa dumating ang iba. Ayaw kong nagpapakopya," sabi niya. Naupo si Jayce sa upuan sa harapan ko. Nilapag niya rin sa tabi ng drawing ang 0.1 na techpen.

I was speechless indeed.

In my DreamsWhere stories live. Discover now