Chapter 2- The Introvert

462 33 0
                                    

Kinabukasan, inagahan ko ang pasok para maghanap ng mga room. Nang makita ko na ang mga rooms ko ay nagpunta ako ng canteen para tumambay pansamantala habang wala pa akong kalse. May isang oras pa ako upang kumain.

Pumila ako sa cashier dala ang isang bote ng coke at isang biscuit. Magbabayad na ako nang biglang may sumingit sa harapan ko.

"'Eto na ang bayad niya," sabi ng lalaki sa cashier. May basketball bag ito na nakasabit sa balikat. Naka-basketball shoes habang naka-maong na pants. He doesn't look like a student dahil na rin sa porma nito.

"Thank you," wika ko.

"Sir Calderon, sukli mo po," sabi ng cashier na ikinalingon ko dito. Nakangiti ang tinawag na Sir Calderon.

"Buksan na natin 'yang softdrinks mo," sabi niya. Kinuha niya ang bote sa akin at binuksan ang tansan sa pako na nakalagay sa pader.

Wala akong masabi dahil sa pagkabigla. "See you around," sabi pa ni Sir Calderon sa akin pagkabigay ng bukas na softdrinks.

Inilapag ko ang coke at biscuit sa harapan ng cashier. "Sa iyo na lang," sabi ko sabay alis. Hindi ako comfortable sa nangyayari. Ayaw ko ng spotlight. Ayaw ko ng mga attention nila.

Sa canteen ay may nagtitinda ng mga fruit shake malapit sa gate.

"Ate, pabili ng buko shake," sabi ko.

Ngumiti ang tindera at inayos ang order ko.

"Pwede bang makiupo?" tanong ko sa kanya.

"Ay sige lang, upo ka lang," sabi nito.

Ilang sandali pa ay marami ng bumibili ng shake. Hindi ako makaalis dahil nahaharangan ang labasan. Kahit naiilang ay hindi na lang ako tuminag. Nagyuko ako ng ulo at hindi pinansin ang paligid.

Gusto ko ng bumalik sa Baguio, nasa isip ko.

"Miss... ano ang pangalan mo?" May nagtanong mula sa mga bumibili.

Napapikit ako ng mariin. Huwag na ninyo akong pansinin.

"Tigilan ninyo 'yong babae. Bibili ba kayo o hindi?" bulyaw ng tindera sa kanila.

"Sungit mo naman Ate Sheila," sbai ng mga bumibil.

Sheila pala ang name ng tindera.

"Bibili ako, dalawa. Bigay mo kay Miss ang isa," narinig kong wika ng bumibili.

"Bumili na siya," sagot ni Ate Sheila. "Ano ba, ang aga n'yo namang nanliligaw."

"Ngayon lang naming siya nakita dito. Miss, first year ka ba?"

Umiling ako. Transferee, gusto kong isagot pero hindi na lang ako nagsalita para hindi na humaba pa ang usapan.

"Sige Ate Sheila, mauna na ako. Thank you sa pagpapaupo." Nakiraan ako sa mga bumibili at nagpunta na sa classroom. Mga first year ang kaklase ko ngayon dahil sa back subject na ito.

Napahinga ako ng malalim. Naalala ko na naman ang kasamaang palad kung bakit ako napilitang lumipat ng school.

"Nalugi ang palaisdaan," wika ni Mama. "Kailangan mong lumipat ng school kahit isang taon lang."

"Maghihinto na lang ako. Ayaw kong lumipat ng school," sagot ko.

"Hindi ka hihinto. Nakapagtanong na ako, merong EE sa BPSU sa Balanga."

Ayaw kong lumipat.

Hindi ako kumibo.

"Kuhanin mo na ang mga gamit mo sa Baguio. Iuwi mo na ang mga damit mo," utos ni Mama.

"Magwo-working student na lang ako."

"Ano ang magagaw amo? Ni maghugas ng plato dito sa bahay ay hindi mo alam gawin," patuyang sgaot ni Mama. Natahimik na naman ako.

Pero ayaw ko dito sa Bataan.

Unti-unting napuno ng maiingay na bata ang room. Hinintay namin ang Prof naming na dumatin. Laking gulat ko talaga nang pumasok ang Prof at ang tinawag na Sir Calderon ng cashier sa canteen ang dumating. Ngumiti siya sa akin; ngiting kinilabutan ako.

"Good morning," bati ni Sir Calderon.

Muli ay napahinga ako ng malalim. I doubt feel good about this.

Siguro alam n'yo na na isa akong introvert. I don't want attention; I want my quiet space. Kapag wala akong klase, kung hindi rin namna ako nagugutom ay sa library ako naglalagi or you can say nagtatago. Sa pagitan ng mga aisle ng mga libro ako nauupo; nagbabasa o kung minsan ay nagsusulat ng tula sa isang note book. Kung minsan ay nagsusulat ng maikling story na naglalaro sa isipan ko.

Isang buong linggo ang lumipas. Hindi ko pa rin nagugustuhan ang BPSU. Wala pa rin akong matatawag na mga kaibigan. Hindi ako nakikipag-usap kung hindi rin lang tungkol sa school ang topic. Ayaw kong magkwento kung bakit ako lumipat. Baka gaya ni Dean Lazarte, maliitin din ako.

Nag-Baguio-Baguio pa lilipat din naman pala.


Monday muli, naayos ko na ang English subject ko na salamat sa walang consideration na Dean na nagpalit ng schedule, napakiusapan ko na ang English subject ko na 2 days lang ako makakapasok instead of 3 days dahil sa conflict of schedule.

Sa isang linggo ko dito sa university may ilan akong observation. Una, kakaunti nga ang babaeng nag-aaral dito kaya ang focus ng mga lalaki ay nasa iilang babae na iyon at dahil bago ako sa paningin nila, isa pa na matangkad talaga ako at madaling makita kaya parati silang nakatingin sa akin.

Hindi naman ako maganda sa pamantayan ng mga artistahin pero masasabi ko namang may itsura naman ako. Mahaba ang itim at deretsong buhok na hanggang baywang, slim at sabi ko nga may katangkaran. Hindi ako maputi ngunit mas maputi ako sa Morena. Ang kutis ko ay parang caramel ngunit makinis. Hindi rin ako pala-lagay ng make-up kaya kung mapula man ang pisngi ko, iyon ay dahil siguro sa naiinitan ako.

Lumipas muli ang buong linggo. Naging kakwentuhan ko si Ate Sheila at doon na rin ako nakikiupo sa kanya kapag nagpupunta ako sa canteen. Natutuwa naman si Ate Sheila na nandoon ako. Mabili daw ang paninda niya kapag nakatambay ako sa kanya.

Sa buong linggo na lumipas, nalaman ng buong campus ang pangalan ko- Carly. Sa tuwing dadaan ako sa gilid ng room ng either Automotive or Machinery, tinanggap ko na na parati akong lilingunin. Ang magagawa ko na lang ay nagyuko ng ulo at mabilis na lumakad.

Isang araw habang nanahimik ako sa canteen, may lumapit na student sa akin at binigyan ako ng bouquet. Aaminin kong maganda ang qouquet, yang mamahalin.

"Ugh..." Nag-hang ang utak ko habang nakalahat ang student na may hawak ng bouquet.

"Kanino galing?" tanong ko.

Nagsabi siya ng pangalan na hindi ko naintindihan.

"Ugh, hindi ko kilala," sagot ko.

Nakatingin ang lahat ng nasa loob ng canteen sa amin. Namumula na ang mukha ko dahil sa hiya.

"Sige na kunin mo na," pamimilit ng student na mukhang nautusan lang.

"Hindi ko matatanggap. Hindi ko kilala ang nagbigay." As if naman may kilala ako sa school na ito.

Nakayuko ang tumayo at mabilis na umalis sa canteen.

"Carly," tawag ni Ate Sheila sa akin. "Bakit hindi mo kinuha 'yong bulaklak?" tanong niya.

"Ayaw ko no'n," sagot ko na lang. Nagtago na lang ako sa library dahil sa hiya.

Sino ang hindi mahihiya na maglakad sa buong campus na may hawak na bouquet?

Nilunod ko ang sarili ko sa library sa kaka-message sa mga kaibigan ko sa SLU. Ang dating maingay na cellphone ko ay paunti nan ang paunti ang messages nan are-receive galing sa kanila.

They are moving on without me, naisip ko.

Tapos heto ako, nami-miss sila at ang Baguio. 

In my DreamsWhere stories live. Discover now