Chapter 11- Date?

342 38 7
                                    

"May nakita ako noong Saturday," sabi ni Jenny pagpasok sa room. She marched on my direction. Naging curious tuloy si Annie at Eric na magkatabi sa tabi ko.

"Bakit kayo magkasama ni Jayce?"

Uh-oh...

Umiling ako. Itatanggi ko ito.

"Nakita ko kayo sa Jollibee noong Saturday na nagda-date," giit ni Jenny.

Si Annie naman ay napasinghap. "I told you, huwag si Jayce!" sabi ni Annie.

Date ba 'yon?

"Ano naman ang masama kung magkasama sila?" naiinis na tanong ni Eric kay Annie.

And the two of them started their fight.

Hindi ko masagot si Jenny. I don't even know bakit kami magkasama ni Jayce. All I know is I enjoyed his company.

Napatingin ako sa pinto nang dumating si Jayce. I smiled a little but he ignored me. Deretso siya sa mga kaibigan niya.

Nagtataka akong nilingon si Jayce.

What's wrong? Parang okay naman kami noong Saturday.

"Well?" naghihintay si jenny ng paliwanag ko.

"Mukha ba kaming friends ni Jayce? Nagkataon lang na nakita ko siya sa Jollibee noong Saturday at nakiupo ako sa table niya kasi wala ng vacant," I lied.

Mukha namang tinanggap ni Jenny ang paliwanag ko. Umayos soya ng upo at tumango-tango.

After class, I waited for Jayce to come out of the room. Naguguluhan ako sa nangyayari. He acted like he didn't see me. Nasa labas ako ng room nang palabas nila Jayce at ang barkada niya when they stop. Padaan sila Hailey sa hallway and I felt something I can't understand.

"Hi Jayce," bati ng mga kaibigan ni Hailey. Hailey just smiled, the kind of smile that flirts. Hindi kumibo si Jayce, hinintay nilang dumaan sila Hailey bago sila lumabas. Dinaanan nila ako sa hallway. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.

I was... hurt? A little maybe?

I don't know what to feel.

What was that Saturday about?

I was so confused with Jayce that I pretend I don't see him as well the whole day. I decided to go home early that day. Naiinis ako sa lahat ng tao at hindi ko alam kung bakit.

Naghihintay ako ng makakasabay ko sa tricycle, dahil feeling jeep ang tricycle sa Balanga, kailangan 3 ang sakay bago umalis. Nakasakay na ako nang pumasok sa tricycle si Jayce at tumabi sa akin.

"Uuwi ka na?" tanong niya.

So, we are on speaking terms again?

Hindi ako kumibo hanggang sa makarating kami sa terminal ng jeep.

"Pwede muna tayong mag-usap?" tanong ni Jayce.

Ayaw kong maging bastos, he is still my classmate after all.

Naupo kami sa isang kainan, tinanggihan ko ang alok na pagkain ni Jayce but we need to buy something or else paalisin kami sa upuan. We end up buying coke instead.

"Bakit ako nandito, Jayce?" I asked. "Hindi ko alam ang ie-explain kung may makakakita pa sa atin na magkasama."

"I don't like explaining," sabi ni Jayce.

"Well, I need to explain to them, do I? Hindi naman kasi tayo magkaibigan obviously kaya nakakapagtaka naman talaga na makita tayong magkasama."

"Hoy, Jayce!" Biglang lumitaw si Paolo sa tabi ng table naming ni Jayce. Umupo pa si Paulo at nakangising humarap sa akin. "Magkasama na naman kayo," sabi nito.

Napabuntong hininga ako.

"Umalis ka na. May pinag-uusapan kami," taboy ni Jayce kay Paulo.

"Sasabihin ko na ba sa tropa na kayo na?" tanong ni Paulo bago umalis.

Napapailing ako. "Aalis na ako bago pa may makakita sa atin na iba."

"Too late. Malalaman na bukas ng buong campus na magkasama tayo. Nakita na tayo ni Paulo."

"I can say na hindi tayo anytime."

"Bakit?" tanong ni Jayce.

"Anong bakit?" I asked back

"Bakit mo kailangang sabihin 'yon?" he asked again.

Napakurap ako kay Jayce.

"May boyfriend ka ba?" deretsong tanong ni Jayce.

"Wala," mabilis na sagot ko.

"Good," tumatangong-tangong wika ni jayce.

"Hindi kita maintindihan. We are in speaking terms naman then hindi mo ako papansinin sa school."

Napahinga ng malalim si Jayce. "Hindi lang ako sanay," sagot niya. "Ayaw kong tinutukso."

"Well, what will I do?"

Nagkibit ng balikat si Jayce. "Just tell them na tayo na."

"Ano?" gulat na tanong ko.

"Iyon ang isasagot ko kapag may nagtanong sa akin."

"Ano?" tanong kong muli.

"Nakita na tayong nag-date ni Jenny 'di ba?"

"Date ba 'yon?"

"Ugh, ano ang tawag mo do'n?" balik na tanong ni Jayce sa akin.

"Date 'yon? Hindi ako aware."

"Lagi ka bang nanonood ng movie na may kasama?"

Umiling ako.

"Then it's a date," he replied.

Natawa na lang ako sa kawalan ng maisasagot. "Sana alam ko na nasa date ako sa susunod," biro ko na lang.

Napakamot ng noo si Jayce. "Carly, hindi ako sanay sa ganito."

"Sa ano?"

"Sa ganito." Tinuro si Jayce ang sarili at saka ako.

"Hindi kita maintindihan."

Napabuga ng hininga si Jayce. "Tara na. Baka mapagalitan ka pa sa inyo."

"Jayce?" naguguluhang tawag ko rito. Ngayon, ako naman ang pumipigil sa kanya na tumayo. "Naguguluhan ako sa iyo."

"Huwag ka na lang mag-over think," he replied. "Tara na."

Huwag daw mag-over think. Ano kaya ang gagawin ko magdamag? Kahit paulit-ulit kong balikan ang usapan namin, wala akong makuhang sagot kung bakit 'di niya ako pinapansin sa school pero kinakausap ako kapag walang ibang nakakakita.

Kinabukasan sa covered court, nakaupo ako sa bench kasama sila Jenny, Trixie at Annie nang lumapit ang grupo nila Jayce sa amin... sa akin. Binaba nila ang bag nila sa tabi ko which is unusual dahil may sarili silang mundo lahat. Para kasing exclusive lang silang magkakaibigan; walang nakakapasok na ibang tao.

"Pabantay ng bag," sabi ni Jayce sa akin. Naghubad sila ng polo at pinatong sa kanya-kanyang bag. Ang iba ay nag-iipon ng ng pusta sa basketball.

Napatingin ako sa kanila. Napatingin kami sa kanila.

"Kailan ka pa naging kaibigan ng mga 'yan?" tanong ni Jenny sa akin.

"Anong meron?" balik na tanong ko kina Jenny.

Bakit ako kinikibo ni Jayce sa school?

"Carly! Carly!" tawag sa akin.

Napatingin ako sa tumawag. Nahinto rin ang mga maglalaro sana ng basketball.

"Crush ka raw nito." Tinuro ng mga naghaharutang magkaka-kaklase ang isang namumulang lalaki. "Magreply ka naman daw."

"Pre, may boyfriend na si Carly," malakas wika ni Michael.

I heard a lot of people gasp at covert court. Pati ako napahugot ng malakas na hininga. 

In my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon