Chapter 26 Bb. Pilipinas

289 29 3
                                    

Sobrang disappointed ng Prof ko sa PE dahil sa pagba-back-out ko sa pageant. Ang laki daw ng chance na maipanalo ko ang pageant na iyon. Sa sobrang disappointed ng Prof ko, pinag-practicum kami ng basketball na sobra kong ikinaangal.

Tinuturuan ako ni Jayce na mag-dribble ng bola na hindi ko naman magawa.

"Carly, gan'to. Tingnan mo kasi." Inis nainis si Jayce sa akin dahil kung saan-saan napupunta ang bola.

"Ang taas ng dribble mo!"

"Yumuko ka kasi!"

Nasa covered court kami at gusto ko ng ibato ang bola kay Jayce. Gusto ko lang nanonood ng basketball pero hindi ko gustong maglaro.

"Hindi kasi ako player," angal ko. Pawis na pawis ko habang hinahabol ang bola na tumama sa paa ko habang pinapatalbog.

"Jayce, mukhang hindi uubra ang galing mo sa basketball ah," kantyaw ng mga nanonood sa PE namin. "Ni hindi mo maturuan ang girlfriend mon a mag-dribble."

"Shut up," wika ko sa mga nanonood.

Napapakamot ng ulo si Jayce.

"Carly..."

"Malapit na akong mapikon, Jayce. Isang singhal mo pa sa akin," banta ko.

"Gan'to kasi o." Pinakita ni Jayce ang pagdi-dribble ng bola sa akin. Kung tutuusin ay madali lang naman. Hindi ko lang alam bakit hindi coordinated ang kamay at paa ko. Alam ko ang theory pero sa actual, hay Lord...

Binigay ni Jayce ang bola sa akin at pinasimulan muli ang dribble habang nanonood si Ma'am.

"Three points naman ang ituro ninyo," sabi ni Ma'am Carbajal sa mga kaklase kong nagtuturo sa aming mga babae ng pagdi-dribble.

Pagod na pagod akong dumukmo sa table ng canteen pagkatapos naming mag PE.

"Napagod ka na no'n?" tanong ni Jayce sa akin na sa pagdinig ko ay may halong pangungutya.

"Tatamaan ka Jayce. Don't judge me."

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. "Ano ang gusto mong kainin?"

"Gusto kong matulog."

"Bibili kita ng Gatorade. Kailangan mong kumain."

"Bahala ka," I murmured habang nakadukmo.

Naramdaman kong umalis si Jayce sa tabi ko at naiwan akong mag-isa na naglalaban ang antok at ulirat.

Sa gilid ng utak ko, naririnig ko si Hailey. She's humble bragging ang pagkakapasok nilang magkapatid sa pageant (na inayawan ko, mind you).

"Baka natakot, ang powerful ninyo kayang magkapatid," sabi ng isa sa mga kaibigan niya.

I snorted.

"For sure mananalo kayo."

Inaantok ako, bakit nandito ba sila?

"Nakita ninyo ba ang suot niyang jeans? Bitin!" sabi ni Hailey sabay nagtawanan silang magkakaibigan.

So ako na naman ang topic? Bakit kaya hindi na lang nila ako lubayan? What's with the attitude? HIndi naman nakakaganda ang pag-usapan nila ako.

"Carly," I heard Jayce's voice. "Heto na ang Gatorade mo."

Bumangona ko na may kunot sa noon. "Bakit nakasimangot ka?"

"'Yong ex mo..."

I saw Jayce rolled his eyes. "...topic na naman ako."

"Baka nagagandahan sa iyo," sabi ni Jayce. Natawa ako at napatingin sa akin ang grupo nila Hailey.

"Maybe," I replied smirking.

"For sure," Jayce replied.

Naging topic sa buong campus ang pagba-back-out ko sa pageant. Mayroong mga bali-balita na lumabas. Kesyo raw natakot ako sa magkapatid na Haidee at Hailey. Mayroon ding lumabas na balita na hindi ako pinayagan ni Jayce sa sumali.

Lumipas ang mga araw at nakalimuta ko na ang pageant. Nabalitaan ko na lang na nanalo si Haidee.

"Hindi ka nanghihinayang?" tanong ni Jenny sa akin nang mapag-usapan nila ang naganap na pageant.

"Hindi," I replied honestly. "Hindi naman kasi ako mahilig sa pageant."

"Sayang ang height mo. Kahit sports ayaw mo," wika ni Annie.

Nasa ganoong kaming tagpo sa covered court nang makita kami ni Ma'am Carbajal.

"Carly," tawag nito sa akin.

"Yes Ma'am."

"Buti nakita kita. Heto." May inabot sa akin na folder si Ma'am Carbajal. Alanganin kong kinuha at binuklat.

Binibining Pilipinas form.

"Sumali ka," sabi ni Ma'am. Napasinghap si Jenny nang mabasa ang form na nasa folder.

"For real?" tanong ni Jenny kay Ma'am.

"Ayaw ko," tanggi ko.

"Carly!," angal ni Ma'am Carbajal. "Magpasa ka lang."

"Ayaw ko Ma'am. Unang una, ang layo ng Manila."

"Sayang ang height. Sayang ang mukha. Sayang ang katawan." Parang hindi ako naririnig ni Ma'am Carbajal sa pagtanggi ko. "Pag-isipan mo. Iiwan ko sa iyo ang form."

"Ayaw ko Ma'am," malakas na sagot ko sa papalayong Prof.

"Ano 'yang binigay ni Ma'am?" tanong ni Annie.

"Form ng Binibining Pilipinas," sagot ni Jenny.

"Shit!!!" tili ni Annie. "Go na."

"Ikaw na lang." Inaabot ko kay Annie ang form na tinatanggihan nito.

"Binibining Pilipnas na 'yan, noh!" malakas na sagot ni Annie.

May mga iilang nakarinig kay Annie na tumili. At ang iilan na iyon ay naging curious sa usapan namin. Kumalat agad sa campus ang pagsali ko raw sa Binibining Pilipinas. Nakarating na iyon kay Jayce nang magkita kami noong uwian.

"Is it true? Sasali ka ng Binibining Pilipinas?"

Medyo nagulat pa ako kay Jayce dahil ikukwento ko pa lang sa kanya ang form. "Grabe, ang bilis ng balita. Hindi ako sasali. Binigyan lang ako ng form ni Ma'am Carbajal." Kinuwento ko kay Jayce ang maikling conversation naming ng Prof ko sa PE. Kinuwento niya rin kung paano niya nalaman ang 'pagsali' ko kuno sa prestigious pageant.

The form is like coal burning in my bag. Parang kay bigat dalhin ng iilang piraso ng papel na iyon sa bag ko. Natahimik kami ni Jayce saglit.

"Ayaw kong sumali, Jayce. Hindi na biro iyong Binibining Pilipinas. Bukod sa ang layo ng Manila, ang mahal din ng mga gowns."

Tumango si Jayce. "Ibalik mo na lang kay Ma'am kung ayaw mo talaga."

"Pero a small part of me wanted to submit the form just to spite Hailey," I said deviously. "Sa bilis ng chismis sa school, for sure nakaabot na sa kanila iyan."

"Bakit kailangan mong makipag-compete sa kanya?"

"I am not competing with her. She's competing with me," I replied defensively.

Iyon na ba ang nangyayari? Nakikipag-compete na ako kay Hailey.

Napabuntong hininga ako. "But then again even ang form, nakakatamad sagutan. Magsasayang lang ako ng oras kung paglalaanan ko pa ng panahon."

"Pero curious ako. Hindi ba mas nakaka-boost ng ego kung ang girlfriend mo ay candidate ng Binibining Pilipinas?"

Hindi agad sumagot si Jayce. Akala ko ay hindi na siya sasagot nang bigla siyang magsalita. "Hindi ka naman trophy girlfriend para sa akin, Carly."

"What's that supposed to mean?"

"Na hindi mo kailangan Manalo sa mga pageant na iyan para ma-boost ang ego ko. Just having you as my girlfriend is more than enough. Basta mahirap i-explain."

I smiled. A part of me understood him. I am not a trophy girlfriend. I am more than enough.

In my DreamsWhere stories live. Discover now