Chapter 22- Keep This...

301 36 5
                                    


There's a nagging feeling on me after Hailey forced a conversation with me. Hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi niya. Hindi ko man aminin pero na-dent ni Hailey ang confidence ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi na lang siya maging masaya sa pinili niyang lalaki. She made a choice and she didn't choose Jayce. Bakit ngayon parang siyang ang inaapi kung umasta? Bakit parang pakiramdam niya ay inagawan ko siya?

"Carly," tawag ni Jenny sa akin. Napahinto ako sa paglalakad papunta sa next subject ko. "Totoo ba?"

"Ang alin?" balik na tanong ko kay Jenny.

"Na sinugod mo si Hailey sa canteen. Bakit?"

"Ano?" gulat na tanong ko. "Saan mo nabalitaan 'yan?"

Nagkibit ng balikat si Jenny. "Sa pinsan ko na classmate niya."

Napaikot ang mga mata ko. "Bakit ko naman siya susugurin?"

"Dahil daw kay Jayce."

I snort. "Siya ang lumapit sa akin sa canteen at kung ano-anong katarantaduhan ang sinasabi. Mabait pa nga ako, hindi ko pinalo sa kanya ang Philippine Constitution na kinakabisa ko."

Napalaki ang mata ni Jenny. "So hindi totoo?"

"Hindi. Kung sinugod ko siya, malamang may pasa siya sa mukha. May pasa ba?"

"Wala. As always, immaculate ang make-up."

"See," I said. "Sana nag-writer siya, ang galing niyang gumawa ng story."

Naiinis na naman ako. Hindi talaga ako titigilan ng Hailey na ito.

"May itatanong pa ako." Pigil muli ni Jenny nang magpatuloy ako sa paglakad.

"Mine-message raw siya ni Jayce."

Natawa akong nailing. "Baka kamo siya ang nagme-message kay Jayce dahil hindi siya pinapansin. Ikaw, nagpapaniwala ka kay Hailey."

"Eh kasi naman, 'yong pinsan ko, panay tanong if totoo. Siyempre kailangan kitang tanungin, ano."

"Sabihin mo sa pinsan mo, itanong kay Hailey kung masaya pa siya sa pinili niyang boyfriend na hindi man lang umabot sa balikat niya."

Natawa si Jenny. "Sakit nitong magsalita, palibhasa matangkad."

I grinned. "Sa lalaki lang naman ako na maliit judgemental."

Iniwan ko si Jenny sa hallway at nagpunta na ako sa susunod kong class. Hindi ko classmate si Jayce dito at may class na sila kaya hindi na ako hinatid pa.

Bumabagabag sa loob ko ang mga sinabi ni Jenny. Una, dahil talagang napupuno na ako kay Hailey. Pangalawa ay baka nga nagme-message siya kay Jayce and I don't like it. Kailangan kong makausap si Jayce.

After ng class ko, pumunta ako sa covered court gaya ng bilin ni Jayce. Naabutan ko siyang pawisan na at nakapaglaro na ng basketball.

"Hi," nakangiting bati niya. "Kumusta ang quiz mo?"

"Okay lang naman. Madali lang ang differential equation."

"Yabang," nakangiting sagot ni Jayce. "Mina-mani ang differential equation."

"Naka ilang game ka na at pawis na pawis ka?"

Naupo ako sa tabi ni Jayce. Binigay niya ang maliit na towel na dala niya at tumalikod sa akin. Gaya ng dati, pinunasan ko ng pawis sa likod si Jayce.

"Naka-isa pa lang. May next game pa ako," sabi niya. Binigay ko kay Jayce ang towel nang matapos ko siyang punasan ng pawis.

"Pakihawak nga ang gamit ko. Nasa room ang bag ko, tinatamad pa akong kunin." Binigay sa akin ni Jayce ang wallet at cellphone.

In my DreamsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant