Chapter 8- Alone

318 32 4
                                    

Nagpatuloy ang mga libreng shake galing sa mga unidentified manliligaw. Kumalat pa sa buong campus ang cellphone number ko nang minsan magpa-load ako sa canteen. Kahit pagalitan ko naman ang tinderang may manipis n akilay ay wala ring mangyayari. Unlsess magpalit ako ng sim card which is hassle pa para sa akin. The least I can do is to ignore the messages.

Hindi rin ako nakaligtas sa mga babae (or girlfriend) ng mga nagme-message sa akin. As if it is my fault their boyfriends messaged me. Hindi naman ako sumasagot pero parang kasalanan ko pa rin.

One of those girls that messaged me with not so friendly manner is Arabelle, ang kaibigay ni Hailey. The messages are as follows.

Arabelle: Who are you? Bakit ka nagme-message sa boyfriend ko? This is Arabelle of Arch-2

Arabelle name appeared. I chose to ignore it.

Arabelle: Is this Carly?

Napapailing na lang ako habang nababasa ang mga nakasulat sa messages ni Ara. Hindi ko pa rin pinansin at pinili ko n alang magpatuloy sa binabasa kong libro.

Arabelle: Layuan mo ang boyfriend ko.


"Sino ba ang boyfriend nito?" natanong ko sa sarili ko habang binbasa ang huling message ni Arabelle. Ni hindi ko nga kilala kung sino ang boyfriend na tinutukoy niya.

Kinabukasan, nagsumbong ako kay Ate Sheila sa mga messages na narereceive ko.

"Si ano yata ang jowa no'n... Ano ng aba ang pangalan no'n? 'Yong nasa machineries," sabi ni Ate Sheila na hindi maisip ang pangalan ng student na gustong tukuyin.

"Hindi ko rin kilala kahit maisip mo ang pangalan, Ate," I replied while sipping my buko shake.

"Teka, bakit nga ikaw ang inaaway nila eh hindi ka naman sumasagot sa mga messages? 'Di ba dapat ang pagsabihan nila ay 'yong mga boyfriend nila?"

"Exactly," I murmured.

"Akala mo naman e kay gwapo no'ng boyfriend kung makaaway sa 'yo!"

Natawa ako kay Ate Sheila. Naging kaibigan ko na siya buat no'ng tumambay ako sa upuan sa stall niya.

My life became predictable sa BPSU. Pumapasok ako para sa mga subjects then pagtataguan ko ang mga lalaking nagtatangkang makipagkilala sa akin. Naging refuge ko ang library.

Doon, tahimik akong nakakahinga. Kakaunti ang tao na nagpupunta sa library kaya nagtataka ako kung bakit nakikita ko doon si Jayce. Hindi bai to maglalaro ng basketball?

Matatapos na ang first sem. Ang bilis lang ng panahon. Nag-monthsary na nga rin sila Anne at Eric. Going strong ang dalawa sa kabila ng madalas na pag-aaway nila.

One day, I asked my parents sa pagbalik ko sa SLU.

"Baka hindi ka na makabalik do'n," sabi ni Mama.

I felt my blood drained from my face. "What?"

"Hindi ka na babalik sa Baguio," Mama said with finality.

Nangilid ang mga luha ko. "Why? Nag-promised kayo na isang sem lang ako sa BPSU."

"Kung gusto mo ay huminto ka!" sigaw ni Mama sa akin nang makitang paiyak na ako.

I felt betrayed. Umasa akong makakabalik sa Baguio, sa mga kakaunti kong kaibigan.

"Nag-promised kayo," katwiran ko kasabay ng pagtulo ng mga luha.

"Wala akong pakialam. Sige, umiyak ka! Ano ang mapapala ng pag-iyak mo? Tumigil ka sa pag-iyak, baka sampalin pa kita. Umalis ka nga sa harapan ko!"

Kahit gusto kong magdabog ay hindi ko ginawa. Gusto kong maintindihan kung bakit hindi ako makakabalik sa SLU pero hindi ko maasahan na magpaliwanag ang magulang ko sa akin.

Masamang masama ang loob ko. Mugto ang mata ko nang pumasok ako kinabukasan. Ni hindi ko magawang ngumiti kahit pilit. Kinaiinisan ko ang lahat.

Gusto kong bumalik sa Baguio at lumayo pero na-stuck ako sa university na ito. Parang bigla ay hindi na bearable ang lahat.

Pakiramdam ko ay nag-iisa ako. Hindi ko maramdaman na may magulang ako na pwedeng takbuhan. Parang may batas-militar sa bahay naming, bawal umangal, bawal magtanong. Kung lalayas naman ako, saan ako pupunta? Wala akong mapagkalinagng lola, 'di gaya ng iba.

Sumabay sa bigat ng damdamin ko ang pasahan sa drawing.

Nasa library muli ako at pinipilit gawin ang drawing plate. Puno ang library ngayon. Ang tanging vacant ay ang harapan ng table ng barkada ni Jayce.

"Makikiupo," paalam ko sa magba-barkada. Itinago ko ang mugto kong mata sa buhok ko.

Nagbibiruan sila Jayce at ang tropa niya. Nagtatawanan sila ng mahina.

"Carly, okay ka lang? Kanina ka pa tulala," puna ni Michael sa akin.

"Hindi ko alam ang gagawin." Napabuntong hininga ako at dumukmo sa table. Wala pa akong nawawala kung hindi border line at name plate.

"Gusto mong kumopya?" presinta ni Michael.

Hindi ko alam ang gagawin sa buhay ko.

Kung gagawin ko ba ang ayaw ng magulang ko, papaalisin ako ng BPSU at dadalin sa SLU? Nasa gano'ng pag-iisip na ako. Nagre-rebelde na ba qko nito? Siguro, ito na ang rebelling stage ko.

"Malapit na ang time, kumopya ka na." Nilapag ni Michael ang plate niya sa harapan ko. Kung napansin man ni Michael ang mugto kong mga mata, hindi na siya nagsalita pa. Pero narinig ko ang mahinang tanong niya sa mga kaibigan niya. "Okay lang ba si Carly?"

I don't need to look around to see if someone is staring at me. Ramdam ko ang bigat ng pagtitinig niya, hindi ko lang pinansin dahil sa pagmamadali kong makakopya. Sana lang, hindi makita ng nakatitig sa akin ang lungkot sa mga mata ko.

Sa bahay ay nagkukulong lang ako sa kwarto. Kung pwede lang gumala at umalis, ginawa ko na. Sobrang higpit ng magulang ko. Kailangan on time akong umuwi. Halos si Mama ang nagsasbai kung okay maging kaibigan ang gusto kong maging kaibigan. She always has a say to anything. Kaya gusto ko sa SLU para malayo sa kanila. Gusto ko ang kaunting kalayaan na mayroon ako doon. Dito, malapit sa kanila ay nakakasakal.

Huwag iyan ang isuot ko, nakikita ang tiyan mo.

Huwag mong itali ang buhok mo, magkakabewang.

Huwag kang sumama sa mga delingkwenteng mga estudyante.

Huwag kang makikipagkaibigan, hindi mo sila kailangan.

Huwag kang magpapaligaw, kakalbuhin kita.

Kuwag kitang mahuhuling may ka-text na lalaki.

Huwag kita...

Panay huwag. Panay bawal.

Mas lalo akong nalungkot noong nag-sem break. Para akong may depression. Wala akong ganang bumangon sa higaan. Wala akong gana kahit manood ng TV.

Hindi naman maiintindihan ng tao sa amin ang pakiramdam ko.

"Anong depression? Tamad ka lang. Bumangon ka diyan." Iyan ang litanya ng mama ko sa akin.

I cried silently in my room; during my shower; before I sleep. I cried when she was not looking. I cried alone and no one even asked if I was okay even though my eyes swell in the morning. 

In my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon