Chapter 24- His Kiss

365 33 4
                                    

"Jayce, tara na, aba! Lagi kang nakabakod." Panay kantiyaw ang inaabot ni Jayce sa mga kaibigan niya dahil ilang araw siyang hindi lumalayo sa akin pagkatapos ng away na iyon.

"Pwede ba akong maglaro?" tanong ni Jayce sa akin na ikinabigla ko.

"Hindi ko dala ang bola. Bakit ka pa nagpapaalam, hindi naman kita pinipigilan?" manghang tanong ko sa kanya.

"Diyan ka lang, ha?"

"Saan naman ako pupunta?"

Nilapag ni Jayce ang bag niya sa tabi ko. Hinubad ang polo. Binigay sa akin ang cellphone at wallet.

Déjà vu.

"Wala na ba akong makikita dito?" biro sa kanya at itinaas ang wallet.

He looks in pained when he looked at me.

"I already said I was sorry," wika niya.

"Binibiro ka lang." Ang sensitive bigla. "Sige na, maglaro ka na."

Habang naglalaro si Jayce ay pinakialaman kong muli ang wallet niya. Mukha ko na ang bumungad sa wallet. Natawa na lang ako.

Hindi ko alam kung saan galing ang picture ko na ito. Stolen shot pa. Mabuti at nakangiti naman ako. Pina-print niya marahil at nilagay sa wallet para matapos na ang issue namin sa picture.

Gaya ng dati, pawisan si Jayce nang tumabi sa akin pagkatapos maglaro.

"Payakap..."

"Iwww!" Binato ko siya ng towel niya. Basang-basa ang t-shirt na naman.

"Nga pala, gusto ka raw makilala ni Lola," sabi ni Jayce. "Uuwi siya sa weekend. Punta ka?"

"Umm, ako?" hindi siguradong tanong ko.

"Ikaw ang girlfriend ko, so malamang ikaw. Para makilala ka na rin nila mama."

Hindi ako agad makasagot. Bigla akong kinabahan. Meet the parents na ito?

"Sa Friday, half day lang naman tayo. Ano, okay lang sa iyo?"

"Umm, may kailangan ba akong dalin?" Sa Friday pa naman pala pero bakit ako kinabahan?

"Wala naman." Nagkibit ng balikat si Jayce.

Friday afternoon, nagdismiss ng klase sa BPSU dahil sa bisitang darating. Instead na manood kami ng boring na program ay umuwi kami sa bahay nila Jayce sa Orion. First time kong mapupunta sa gawing ito. Malawak na bukid dinadaanan ng jeep. Ang gandang tingnan ng berdeng palayan.

Huminto kami sa isang kanto na may waiting shed.

"Papasok pa ang sa amin," wika ni Jayce.

Hindi sementado ang daan papasok sa kanila. Kasya lang ang tricycle o isang sasakyan sa daan. Hindi pwedeng may makasalubong. Sa magkabila ng daan ay bukid. Umiihip ang hangin at tinatangay ng hangin ang mahabang buhok ko.

"Ang ganda naman dito," ani ko kay Jayce. Natawa siya.

"Hintayin mong umulan. Buti kung magandahan ka pa."

Huminto kami sa tapat ng bahay na ang bakod ay mga puno ng gumamela. May tricycle na nakaparada sa gilid ng bahay nila. Ang ine-expect kong bahay nila Jayce ay gawa sa nipa ngunit ang bahay nila ay gawa sa hallow blocks at may kalakihan kung ang pagbabasihan ay ang labas. Wala nga lang itong pintura.

"Tara," yaya ni Jayce.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin.

"Jayce," pigil ko rito. "Magmamano ba ako?"

"Ha? Hindi na kailangan," sabi niya. "Hindi naman kami nagmamano."

Hinubad naming ang sapatos naming papasok sa bahay. Sa loob ng bahay ay may kawayang sofa atang mga gamit ay yaong mga kailangan lang. May maliit na tv sa sala. Malinis ang bahay kahit walang pintura. Isang sulok ng bahay ay may mga palay na nakasako na magkakapatong. Open ang layout ng bahay nila. Tanaw ang kusina, dining area at mga room mula sa sala.

Pinaupo ako ni Jayce sa sofa nila at iniwan sandali. Naka-shorts na siya ng pang-basketball nang lumabas sa kwarto niya.

"La, nandito na ang girlfriend ko," sigaw ni Jayce sa likod bahay.

Isang matandang babae ang pumanhik mula sa likod bahay. Maya dala itong mga gulay at kutsilyo.

Nag-aalangan naman akong tumayo. "Magandang hapon po."

"Si Carly, La. Carly, si Lola ko. Si Lola Aba."

"Katangkad mo naman pala," wika ni Lola Aba sa akin.

Opo.

Nangiti na lang ako. Ang height ko talaga ang ice breaker ng usapan.

"Jayce...Jayce..." someone called. Lumakas si Jayce sa papunta sa isang silad sa gilid ng sala. May narinig akong nagkapampangan. Lumitaw muli si Jayce at naghanap ng saging sa table nila.

"Sino 'yong tumawag sa 'yo?"

"Si Lolo," sagot ni Jayce.

"Asawa ni Lola Aba?"

Umiling si Jayce. "Si Lola Aba ay lola ko sa mother side. Si Lolo naman ay sa father side. Hindi na siya nakakalakad kaya hinahatiran lang naming ng pagkain sa kwarto niya."

"Jayce..." tawag muli ni lolo.

Hindi ko nakitaan si Jayce ng pagkainis sa lolo niya kahit ilang beses siyang tinawag nito. He is willing and smiling kapag sinusunod niya ang utos ng lolo niya.

This is the side of Jayce na hindi nakikita ng ibang tao. Ang maging mabait sa matatanda ay malaking bagay sa akin. It means the person has a good heart kung mabait siya sa matatanda.

If I'm not in love with Jayce, baka ngayon ay na in love na ako sa kanya dahil sa nakikita kong katangian niyang ito.

Pinakilala sa akin ni Jayce ang parents niya nang dumating sila sa bahay. Natulog ang tatay niya at iniwan kami sa sala habang ang nanay niya ay gumawa ng kakanin sa kusina sa likod bahay.

Binuksan ni Jayce ang maliit na tv pero hindi naman siya nanonood.

"Hay, nasolo rin kita," wika niya.

"Huh?"

Ngumiti si Jayce at tumanaw sa labas.

"Carly, I love you," sabi niya and I felt his lips on mine.

This is not a sweet kiss. This is an urgent and demanding kiss. This is kiss claiming and I am drowning.

I am catching my breathe when Jayce let go of me. Sumandal siya sa upuan at humarap sa tv na parang walang nangyari.

"Jayce."

"Yeah?"

"Tigilan mo ang kakanakaw ng halik sa akin," mahinang wika ko.

Natawa lang si Jayce.

Niligalig ako ng halik na iyon. Why... His kiss is intoxicating. 

In my DreamsWhere stories live. Discover now