Chapter 23- I Promise

368 40 5
                                    

Kahit gusto kong umiyak ay hindi ko magawa. Basag ang puso ko ngunit hindi ko maipahalata. Pag-uwi ko sa bahay, si mama ang sumalubong sa akin.

"Bakit ang aga mo?" tanong niya.

"Masama ang pakiramdam ko," pagdadahilan ko.

"Ano ba ang pinaggagagawa mo at bakit masama ang pakiramdam mo?"

Gusto ko na lang maging bato.

"Hindi ko alam," matamlay na sagot ko.

Hindi ko na pinakinggan si mama. Pumunta ako sa kwarto at doon nagkulong. Ni-lock ko ang pinto at saka pa lamang umiyak. Umiyak ako ng walang isang tunog na lumabas sa akin. Nakatakip ang mukha ko ng unan upang pigilan ang bawat paghikbi.

Nagkunwari akong tulog nang ginisingin ako ng kapatid ko para maghapunan. Hindi na ako kumain. Nagkulong ako sa kwarto habang nakatago ang mukha sa unan.

Nararamdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kung si Jayce man iyon ay hindi ko na inalam. Hinayaan kong maging miscall ang bawat mga tawag sa akin.

Kinabukasan, natuluyan ang masamang pakiramdam ko. Habang nagto-tooth brush ako ay nagdilim ang paningin ko at hinimatay.

Nagising ako sa public hospital ng Orani. Nahihilo akong tumagilid at nagsuka. Nahila ko ng dextrose na nakakabit sa akin. Nagalit ang nurse sa akin dahil nagkalat daw ako sa kama at hahanapan na naman daw ako ng ugat.

"Ang nipis-nipis ng ugat mo," sabi ng nurse habang hinahablot ang kamay ko.

Lumitaw si mama nang makaalis ang nurse pagkatapos palitan ang sapin sa kama ko. Nilipat sa kaliwang kamay ko ang dextrose dahil doon lamang nakahana ng ugat.

"Ano ang nangyari sa 'yo?" tanong ni mama.

"Hindi ko alam."

"Bigla ka na lang nawawalan ng malay. Ang sabi ng doctor ay anemic ka."

Hindi ako kumibo.

"At may vertigo," dagdag ni mama. "Huwag kang gumalaw at baka mahilo ka na naman. Wala na nga tayong pera, nagkakasakit pa kayo."

Pumikit ako upang itago ang disappointment.

"Pinasabi ko sa kapatid mo nasa hospital ka."

Tumango na lang ako.

Si Jayce. Biglang sumagi sa isip ko si Jayce.

"Ma, 'yong phone ko?"

"Naiwan sa bahay," mama replied. "Walang charge. Chinarge ko muna. Mamaya papadala ko dito."

"Baka may quiz kami," pagdadahilan ko.

"Eh ano ang gagawin mo? Makakapag-quiz ka bang nahihilo ka at namumutla?"

Mabuti na rin siguro na hindi ko hawak ang phone ko. Hindi ko alam kung kaya ko ng kausapin si Jayce. This hospitalisation is a blessing in disguise. May ilang araw siguro akong makakapag-isip ng gagawin.

Puno ng miscalls at messages ang phone ko galing kay Jayce.

Isa-isa kong binasa ang mga messages bago ko binura. Hindi ako nagreply at hinayaan muna ang sitwasyon. Kailangan kong kumalma upang makapagdesisyon.

Kinabukasan ako lumabas ng hospital at isang araw pa ang inilagi ko sa bahay upang magpahinga.

Pumasok ako sa school na namumutla pa. Nasa room na si Jayce nang dumating ako. Agad siyang napatayo sa upuan nang makita ako.

"Carly," tawag niya. Bakas sa mukha ang pag-aalala.

"Hey Carly, okay ka na ba?" tanong ni Jenny sa akin.

In my DreamsWhere stories live. Discover now