Chapter 4- Ms. CEA

411 33 6
                                    

"Carly," tawag na naman sa akin sa hallway. Hindi ako huminto at binilisan pa lalo ang paglalakad.

"Sandali!"

Nahabol ako ng talong tao. Dalawang lalaking student at isang babae. "Sandali, kailangan ka namin."

Hinihingal ang mga ito at pinalibutan ako.

"Pwede ka bang magrepresent ng Electrical Engineering Department sa Sports Fest?" tanong ng babae. Mukha silang mas matanda sa akin and the way they explain itong Sports Fest ay para silang graduating student na.

"No, sorry," magalang na sagot ko. Umiwas ako pero hinarangan muli nila ang lalakaran ko.

"Carly, ako si Laila, ang president ng EE Department. Baka pwede mong i-consider? Kasi ikaw lang ang pag-asa ng department natin para mag-represent."

"Why can't you?" balik na tanong ko sa kanya.

"Tapos na ako diyan. Nag-muse na ako," sagot ni Laila.

"Sorry, hindi ko talaga gusto ang mga ganyan."

Iniwan ko ang tatlo sa hallway at nagmukmok muli sa library. I thought okay na ang lahat. Akala ko malinaw na ang pagtanggi ko. Hindi ko expected na hindi sila titigil.

"Carly," tawag ni Ma'am Solomon sa akin after class. Natatakot ako sa Prof ko na ito. Bukod sa malaking babae siya, as in mataba, eh nambabagsak pa raw ito kahit pasado naman ang grades mo.

"Ano ang sinasabi ni Laila na ayaw mong mag-represent ng EE department?" tanong ni Ma'am.

"Hindi ko po kasi hilig ang pageant," katwiran ko.

"Ma'am, dati siyang Miss JRI sa Orani campus," wika ni Danilo bago lumabas ng room.

Buwisit ka!

"You will represent EE Department," Ma'am Solomon said with finality.

Naiirita akong nilingon si Danilo pero wala na ito sa room. Sana tinamaan na lang ito ng monoblock ni Jayce. Sobrang daldal naman pala.

Sa labas ng classroom naming ay nandoon sila Laila.

"Thank you sa pagpayag," sabi nito.

"Parang wala naman akong choice sa nangyari," naiinis na sagot ko. "Look, tatapatin ko kayo. I will not win."

"Just represent our department, Carly," sabi ni Laila.

"Kailan ba 'yan?"

"Next week," sagot ng kasama ni Laila. "We will advice you."

Ang ibig sabihin pala ng 'we will advice you' ng 5th year ay 'hindi ka na namin guguluhin, bahala ka na.' Hindi ko sila nakita ulit ng buong linggo na iyon kaya hindi ko alam ang gagawin pagdating ng opening ng Sports Fest.

Pumasok akong naka denim skirt, converse shoes at t-shirt nang araw na iyon. When Laila saw me, bigla niya akong hinila at dinala sa unahan ng pila. Naroon ang basketball team.

"Ito na 'yon?" I asked her.

"Yes," sagot niya.

"Walang magma-make up sa akin? Wala kayong wardrobe?"

Tiningnan ako ni Laila na para akong nasisiraan ng bait. "Ikaw dapat ang magprovide no'n," sabi niya.

"Hindi ninyo ako sinabihan," I accused her.

Bumuntong hininga si Laila. "Wala na tayong magagawa."

WTF... Napamaang ako.

I look plain. Wala akong kaayos-ayos, oh God.

In my DreamsWhere stories live. Discover now