Chapter 15- Break Up

346 39 5
                                    

Palala nang palala ang situation sa bahay. Kapag maaga kaming umuuwi, napapagalitan kami. Kapag ginabi ng uwi, napapagalitan pa rin. Kahit on time na ang uwi naming magakakapatid, napapagalitan pa rin kami. Wala kaming ginawang tama sa paningin ni Mama.

The situation at home affects me. Nagiging bugnutin ako at madaling mapikon. Idagdag pa ang hindi maalis-alis sa isip ko na si Hailey. Para siyang harang sa pagitan naming ni Jayce.

Isang araw pumasok ako sa school na hindi maganda ang mood. Hinihingi ni mama nag cellphone ko para daw mabasa niya ang mga messages. Talk about privacy. Ang sabi pa ni mama,

"Anong privacy, privacy? Akin na ang cellphone mo. May tinatago ka diyan, ano?!"

Wala akong nagawa kung hindi burahin agad ang mga messages ni Jayce.

"Carly, para kang haggard," puna ni Jayce sa akin.

"Naiinitan ako," sagot ko. Hindi ko na kinuwento ang nangyari sa bahay. Kinuha ko ang pamaypay na hawak ni Jayce at mabilis na nagpaypay.

"Pagupitan mo kali ang buhok mo, sobrang haba."

Hindi ko pinansin si Jayce. Nagpaypay pa ako ng mas mabilis kaysa kanina.

"Carly!"

"Narinig kita Jayce. Huwag mong pakialaman ang buhok ko."

"Lagpas baywang na 'yang buhok mo. Hindi ka ba nahihirapan?"

Jayce combed my hair using his fingers. At dahil nagpapaypay ako ng malakas, nagkabuhol ng kaunti ang dulo ng buhok ko.

"Jayce, ano ba!" Tinabig ko ang kamay niya na nasa buhok ko at tinanggal ang nagkabuhol-buhol na mga buhok.

"Pagutan mo na," pamimilit niya.

"Huwag mong pakialaman ang buhok ko. Mas mahal ko pa sa iyo 'yan," naiinis na wika ko.

Biglang nag-iba ang mood ni Jayce. Binitawan niya ang buhok ko at mabilis na tumayo. Iniwan akong mag-isa sa bench at umalis.

"Jayce!" tawga ko dito pero hindi niya ako pinansin.

Sa loob ng classroom, napansin agad na magkagalit kami ni Jayce dahil hindi kami magkatabi. Kapag tinatabihan ko siya sa upuan ay lumilipat siya. I tried to talk to him pero parang pader ang kausap ko. Jayce became cold.

I waited for Jayce to finish his Physics subject. Hindi ko siya classmate dito kaya hinintay ko siya para sana makausap. When he saw me waiting, he walked past me and didn't turn when I called him. Naiwan akong naguguluhan.

Pagdating ko sa bahay, kinuha agad ni mama ang phone ko. Hindi ko nakausap si Jayce para linawin kung ano ang nangyari bakit niya ako iniiwasan.

"Ma, nasaan na ang phone ko?" tanong ko kay mama kinabukasan.

"Wala na," maikling sagot niya.

"Kailangan ko ang phone ko."

"Sinanla ko," sagot ni mama.

"Sinanla? Bakit ninyo sinanla? Kailangan ko ang phone ko."

"At kailangan ko ng pera. Sa palagay mo may ibibigay pa akong baon sa inyo?" galit na sagot niya.

"Pero sana... sana 'yong phone ninyo ang sinanla ninyo."

"At sumasagot ka na naman!" Binato ni mama ang nadampot niyang tsinelas sa akin. "Ang kapal ng mukha mong magsagot-sagot sa akin. Anak lang kita. Huwag kang papasok. Dito ka lang sa bahay."

"Pero kailangan kong—" Hindi ko naituloy ang pagsagot dahil ang kabiyak na tsinelas niya naman ang lumipad sa dako ko.

Wala akong cellphone, hindi rin ako makakapasok. Kailangan kong makausap si Jayce. Tahimik akong bumalik sa kwarto at nagkulong. Ni hindi maririnig ang pag-iyak ko.

In my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon