Chapter 7- At The Library

473 39 8
                                    

"Akala namin ay magseselos ka," wika ni Annie sa akin nang makasama ko sila noong break time.

"Bakit ako magseselos?" tanong ko naman.

"Kung nagselos ka eh 'di ibig sabihin may chance si Eric," katwiran ni Annie.

"Kaya nga bakit ako magseselos?" tanong ko ulit kay Annie.

"Ibig lang sbaihin Annie, walang pag-asa si Eric," sabat ni Jenny.

"Mabait naman si Eric," sabi ni Annie. Pinipilit n'ya talaga.

"Bagay kayo," wika ko na ikinatahimik ni Annie.

"Si Jayce ang gusto ko," nakangusong sagot ni Annie sa akin.

"Wala namang pinapansin 'yon," Jenny commented.

"Pero bakit parang galit siya noong tinukso siya ni eric kay Hailey?" curious na tanong ko.

"Niligawan niya dati si Hailey," sagot ni Annie.

Ohhhhh!!!

"Hindi ko alam kung naging sila," dagdag ni Annie.

"Selos ka nyan?" natatawang biro ni Jenny kay Annie.

"Alam mo kahawig mo si Hailey," baling ni Annie sa akin.

"Hindi ko makita ang similarities namin," sabi ko naman.

Annie snorted. "Para nga kayong kambal," sabi niya pa.

"Bakit ang bitter mo?" natatawa pa ring tanong ni Jenny kay Annie.

"Maiba ako, about kay Eric..."

Kulit lang ni Annie. Panay binibida si Eric.

"Walang matibay na tulay. Mamaya kayo magkatuluyan NI Eric," wika ko kay Annie.

At nagdilang anghel ako. After ng ilang weeks, nabalitaan na lang ng buong klase na si Annie at Eric na. They are official boyfriend/girlfriend.

Ang weird lang. Hindi ba kailan lang bini-build-up pa ni Annie si Eric sa akin? Wala nga talagang matibay na tulay. Anyway, I am happy for them. Bawas na ang makulit na nagpapa-low bat ng cellphone ko kaka-message.

Lunch break ko at mag-isa akong nakaupo sa canteen. Dumating ang barkada nila Hailey at naki-share sa table ko. They are loud. Para silang hindi magkakatabi kung mag-usap.

"Hailey, magkahawig nga kayo," biro ni Arabelle, isa sa kaibigan ni Hailey.

Nauumay na ako 'magkamukha kayo ni Hailey' comments.

"Hindi kaya anak ka sa labas ng daddy ko?" tanong ni Hailey sa akin at saka tumawa.

"Hindi ba pwedeng baka ikaw ang anak sa labas ng papa ko?" I asked back smiling. "Excuse me. I need to go."

Umismid si Hailey "You only won by a few points," I heard her say.

I still won, nevertheless, I want to reply pero nagkunwari na lang akong hindi ko siya narinig.

Papalabas ko ng canteen nang makasalubong ko sila Jayce. Agad na nagtuksuhan ang grupo ni Hailey. It was obvious na tinutukso nila si Hailey because of Jayce.

"Carly, aalis ka na?" tanong ni Paulo sa akin.

"May klase ako," I replied.

"Sino Prof mo?"

"Si Sir Calderon," I answered.

"Oh... ingat ka do'n," babala ni Michael sa akin.

Pinagpapasalamat ko na kahit papaano ay matalino ako. Iba nag pakiramdam ko kapag si Sir Calderon ang Prof ko. Hindi ako panatag. Mabuti na lang at nakakasagot ako sa mga quizzes at exams niya. Hindi na niya ako kailangang 'kausapin'. I don't want to talk to him privately. Heck, I don't want to talk to him ever.

Another school activity is coming, Acquaintance Party. Talagang humindi na ako nang tanungin na naman ako ng mga 5th year kung gusto kong magperform. Pinagtaguan ko pati si Ma'am Solomon para hindi na ako makausap pa at sapilitang pasalihin sa activities.

I attended the Acquaintance Party dahil sa attendance. Naroon ang mga classmates namin at nagkayayaan na magpunta sa bar. Hindi naman ako umiinom kaya nakinig na lang ako sa kwentuhan ng mga kaklase ko.

Jenny took my blazer dahil nilalamig daw siya. Maya-maya pa she started to act drunk. Hindi ako convince na lasing nga siya dahil kakaunti naman ang alak na naorder. Unless nakakalasing ang isang bite ng San Mig Lite.

Tumabi si Jenny kay Jayce at saka dumukmo sa balikat.

"Jen, uuwi na ako. Akin na nag blazer ko."

"Lasing ako," sabi niya.

"Kaya nga akin na ang blazer ko."

"Lasing ako," sagot na naman niya habang nakadukmo sa balikat ni Jayce.

Jayce looks irritated. "Hoy, kunin n'yo nga ito," bulyaw ni Jayce sa mga kaklase namin. Lalong dumukmo si Jenny kay Jayce at humawak pa sa t-shirt.

"Jen!" tawga kong muli.

Hindi ako sinagot ni Jenny.

"Mauna na akong umuwi," paalam ko sa lahat.

Iniwan ko na ang blazer kay Jenny. Umuwi akong giniginaw dahil sa kanya.

Masaya si Jenny kinalunesan.

"Ang bango niya," sabi nito habang nagku-kwento kay Annie.

"Mabuti at hindi ka tinapon sa labas," ani ni Annie.

"Lasing nga ako 'di ba?" natatawang sagot ni Jenny.

Ah, si Jayce na naman ang topic nila.

"Carly 'yong blazer mo lalabhan ko muna," wika ni Jenny. "Mabalik ako kay Jayce. Ang firm ng muscle." Kinikilig pareho si Annie at Jenny habnag nagku-kwentuhan.

Panay na lang Jayce. Panay na lang Jayce.

Pa-mysterious kasi itong Jayce na ito. Parati na lang siya nag naririnig kong bukang bibig nila Annie at Jenny sa kwentuhan.

"Alam mo ba, kailangan daw approve ng buong tropa nila ang magiging girlfriend nila?" tanong ni Annie kay Jenny. "Kaya kailangan kasundo mor in sila Michael kung gusto mong maging boyfriend ang isa sa kanila."

Iniwanan ko na nga si Jenny at Annie. Naririndi ako sa topic. Nagpunta ako sa library kung saan tahimik.

Naupo ako sa pinakadulong upuan; sa nag-iisang vacant na table.

I was reading the novel I borrowed from the library nang may umupo sa upuan sa harapan ko. It was Jayce. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ako kinakabahan? Wala naman akong ginawang masama dito.

Tahimik akong nagpatuloy magbasa. Tahimik din si Jayce na nagbabasa ng notes niya. Unti-unting kumalma ang pakiramdam pero hindi ko maintindihan ang binabasa kong libro. 

In my DreamsWhere stories live. Discover now