Chapter 10- Little Baguio

293 29 3
                                    

Nakasimangot si Jenny, Anne at Trixie nang makita ang gawa kong drawing plate. Hindi ko naman sila masisisi. Wala kasi silang pinasa.

"Akala ko ba wala kang gawa!" Jenny accused me.

"Nakahanap ako ng mako-kopyahan," pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Bakit 'di mo kami pinakopya?" wika ni Annie na nag-aakusa.

"Wala pa kayo kanina. Kadadating n'yo lang. Basa pa nga ang buhok ninyo," I replied. Fresh na fresh pa nga sila galing bahay tapos kung maka-akusa.

"Sino ang nagpakopya sa iyo? Mukhang tama ang gawa mo," sabi ni Trixie.

"Err, si Jayce?" hindi sigurado na sagot ko.

"Si Jayce!" sabay-sabay na ulit ng tatlo.

"Si Jayce na classmate natin?" Jenny confirmed.

Tumango ako bilang sagot. Napatingin ang tatlo sa gawi ni Jayce. Napatingin rin ako kay Jayce. Nakadukmo siya sa table at mukhang natutulog. Maaga yatang gumising para lang pakopyahin ako. Nakakahiya naman.

"Si Jayce?" pag-uulit ni Annie. "Si Jayce?"

Tumango ulit ako. Hindi sila makapaniwala. Ako rin hindi makapaniwala na pinakopya ako ni Jayce.

"Bakit?" naguguluhang tanong ni Annie. "Bakit ka niya pinakopya?"

"Err, ewan ko? Siguro dahil tinanong ko kung pwedeng kumopya?" I replied.

Naningkit ang mga mata nI Annie sa akin.

"Ano ang espesyal sa iyo at bakit ka niya kinakausap?" sabi ni Annie.

"Actually, hindi niya ako kinausap. Pinakopya niya lang ako. Nakadukmo nga siya sa library kanina at mukhang natutulog."

"Hindi nagpapakopya si Jayce unless sa barkada niya," sabi ni Jenny.

"Baka tropa na ako," biro ko sa kanila.

Ano ba ang problem ani Annie at kung irapan ako ay gano'n na lang.

"Sinasabi ko sa iyo, Carly, huwag si Jayce!" babala ni Annie.

Parang tanga 'to. May jowa na 'to ah. "Kumopya lang ako, ano ba!"

Hindi na ulit kami nag-usap ni Jayce after no'ng pakopyahin niya ako sa drawing. Hindi ko alam kung sapat ang salitang 'thank you' dahil mataas ang grade na nakuha ko sa drawing dahil sa kanya. Ni hindi kami nagkikibuan or tumitingin man lang sa gawi ng isa't-isa. Kung magkakasalubong kami sa hallway, nilalagpasan niya lang ako na parang hindi niya ako kilala.

Strange... akala ko pa naman we can be friends.

One evening, naisipan kong i-message si Jayce. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. I just found myself messaging him.

Carly: Thank you nga pala sa drawing. Hindi ako nakapagpasalamat sa iyo (yata).

Hindi ko ine-expect na sasagot si Jayce but he proved me wrong once again.

Jayce: Okay lang.

Paano naman susundan ang conversation na ito kung ganito 'to sumagot?

Carly: And I'm sorry kung sinabi ko kina Jenny na sa iyo ako nangopya. I assumed hindi mo gustong malaman ng iba na pinakopya mo ako.

Jayce: Okay lang. Sila lang naman ang ayaw kong pakopyahin.

Carly: Bakit?

Jayce: Ayaw ko lang.

Para namang tanga kausap 'to. Laging end conversation ang sagot.

Carly: Anyway, thank you once again.

In my DreamsWhere stories live. Discover now