Chapter 13- The Bullies

346 40 4
                                    

Kinabukasan, the whole campus felt weird. The stares from the guys are still there pero nabasana ang catcalls. Walking alone is now bearable unlike before na gusto kong tumakbo sa tuwing maglalakad akong mag-isa.

"Carly!" tawag ni Ate Sheila sa akin nang madaan ako sa canteen. "Halika nga muna."

Lumapit ako kay Ate Sheila. "Bakit?"

"Marami ang nagtatanong sa akin kung may boyfriend ka na."

"Err, sabihin mo na lang meron na."

"Sino ang boyfriend mo?" tanong ni Ate Sheila. Again, I can tell her na wala naman talaga but I can't understand myself kung bakit hindi ko mapabulaanan.

"Classmate ko," I replied.

"Matangkad naman ba?" natatawang tanong ni Ate Sheila.

Natawa rin ako. "Oo matangkad. Matangkad pa sa akin."

"Yaahhh, ang daming iiyak nito."

Napailing ako. "Iyak lang sila, char. Sige Ate, baka ma-late ako."

Pagpasok ko sa room, agad na kinawayan ako ng barkada ni Jayce. Wala pa si Jayce sa room.

"Carly, dito!" kaway ni Leo sa akin.

"Doon na lang ako kina Jenny," I replied.

"Dito na. Baka akala ni Jayce pinapabayaan ka namin," sagot ni Michael.

Nakatingin sa akin si Jenny at Annie. They don't look friendly as before. I decided na maupo kasama ang mga kaibigan ni Jayce. Nag-iisa akong babae sa grupo nila.

"Wala pa si Jayce?" tanong ko sa kanila.

"Wala pa kaya dito ka muna," sagot ni Ferdinand.

"Nakakahiya, ako lang babae dito e."

"Bukod sa lima lang kayong babae dito sa room, parang tropa ka na rin naman dahil kay Jayce. Huwag ka ng mahiya sa amin," sabi ni Leo.

Naalala ko bigla ang sinabi nila Annie at Jenny sa akin no'n. Since wala pa si jayce, inusisa ko na ang mga kaibigan niya.

"Totoo ba na kailangan approve ninyo ang girlfriend ng isa't-isa?" tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan ang mga ito bago nagtawanan.

"Saan mo nabalitaan 'yan?" tanong ni Ferdinand.

"Diyan sa tabi," nakangiting sagot ko.

"Minsan," sagot ni Michael.

"So, approve ninyo si Hailey?" I asked. Nagkatinginan na naman ang magkakaibigan.

"Hindi naman naging sila ni Jayce," wika ni Ferdinand.

Now I am curious.

"Hindi? Pero ang sabi..."

Umiling sila at may tinuro sa may pintuan. Papasok na si Jayce kaya hindi na nila ako sinagot pa. Umupo si Jayce sa tabi ko. Hindi man lang nag-good morning. I saw Jenny and Annie looked at us.

"Nakatinginin sila sa atin," bulong ko kay Jayce.

"Hayaan mo lang sila," ganting bulong ni Jayce.

Naging ganoon ang routine ko. Kapag nasa klase ako, nakasama na ako sa group nila Jayce. Kung hindi ko naman sila kasama at nasa mga klase ako na hindi ko sila kaklase, mag-isa lang akong nakaupo at nakikinig sa Prof.

Nagkaroon din ako ng instant kopyahan sa drawing.

"Ang pangit ng gawa mo," sabi ni ni Jayce nang makita niya ang drawing ko.

In my DreamsWhere stories live. Discover now