Chapter 5- Tech-Pen

369 39 5
                                    

Mas lalong lumala ang situation. Instead na layuan ako ng mga tao, mas lalo nila akong tinatawag. Mas nakilala ako. Tinatawag na ako sa pangalan ko ngayon ng lahat ng tao.

"Congrats, nanalo ka pala," sabi ni Ate Sheila nang makita niya ako sa canteen kinabukasan.

Nahihiya akong nagkibit ng balikat. Hindi pa rin ako masanay-sanay sa attention ng mga tao.

"Hindi ko naman ine-expect," I replied honestly. "Pabili akong buko shake, Ate."

"'Yon ngang mga hindi nag-e-expect ang nananalo. Balita ko may nagwala sa backstage."

I rolled my eyes but didn't indulge sa tsismis.

I went to convered court para manood ng laban. Tamang tama na ang department namin ang naglalaro ng basketball.

"Carly, dito ka," tawag sa akin ng ilang higher years nang makita ako. Pinapaupo nila ako sa bench ng mga players.

"Dito na lang ako," sagot ko naman. Naupo ako sa malayo sa karamihan; sa may bandang likod ng mga bench. Hindi man ako athletic pero gusto kong nanonood ng basketball.

I was a little surprise nang makita ko si Jayce na kasama sa first five. Siya ang nasa center at ang magju-jump ball. Nang maihagis ng referee ang bola, tumalon si Jayce at tinapik ang bola papunta sa kakampi niya. Hindi ko alam na napatayo pala ako. At nakita ko na lang ang sarili ko na nakikisigaw kasama ang buong EE department.

Electrical Engineering department won in over-all sa katatapos na CEA Sport's Fest. Malaking bagay daw na naipanalo ko ang Ms. CEA.

Bumalik ako s apagiging loner ko. Sa classroom ay iniiwasan ko kahit tumingin sa gawi ni Jayce. Parati itong nakadukmo at umiidlip kapag walang Prof. Kapag break time naman ay nasa covered court kami at nanonood ng basketball.

"Carly, pusta ka. Kulang pa ng bente."

Kapag breaktime at naglalaro ng basketball ang mga kaklase ko, nakikipagpustahan ang mga ito sa ibang department.

Binigay ko ang bente kay Eric. Si Annie naman ay hinila ako papunta sa bench kasama sila Jenny.

"Maglalaro si Jayce," wika ni Annie habang kinikilig.

Isa-isang nagtanggal ng polo ang mga kaklase namin. Gaya noong Sport's Fest si Jayce ang nag-jump ball. Hindi naman Malaki ang pustahan pero kung maglaro ang mga kaklase ko ay parang buong baon nila ang nakataya. Naroong mag-dive sa sementadong sahig para lang ma-save ang bola. Wala silang pakialam kung magasgas man sila at magkasugat.

Pinasa ni Paola ang bola kay Jayce. Akla ko ay tityra ng three points si Jayce but he didn not. Dineretso niya ang bola papunta sa court. Mula sa free throw line ay tumalon si Jayce. Para siyang lumilipad. Napatayo ako. Si Annie ay sigaw nang sigaw. Jayce dunked the ball from the free throw line. Ewan ko kung guni-guni ko 'yon but Jayce smirk at my direction after that dunk.

So, he is good at basketball. Hindi ko kasi siya masyadong nakita noong Sport's Fest na maglaro dahil ang dami rin kasing player ng department namin. And Jayce didn't dunk that time

Hanggang sa loob ng classroom ay hindi maitago ni Annie ang kilig.

"Grabe, ang galing niya talaga," wika ni Annie.

"Oo na," sagot ni Jenny. "Sa obvious mong 'yan Annie, buti kung hindi pa alam ni Jayce na may crush ka sa kanya."

Pumasok ang barkada nila Jayce sa classroom na nagbibiruan at nagtutulakan. Si Jayce ay kaagad na tumapat sa electric fan. Kinuha niya ang electric fan na nakatapat sa akin at tinapat sa kanya.

"Bigay mo na. Bigay mo na..." tukso ng grupo nila Jayce.

Batuhin ko kaya sila ng monoblock, ang ingay nila.

"Binata na si boi," biro ni Ferdinand, isa sa kaklase at kaibigan ni Jayce.

Maya-maya pa, lumapit si Michael sa amin... sa akin... at may hawak na rose. Inilapag siya ang rose sa armrest ko at mabilis na bumalik sa grupo nila. Nagkakantyawan ang grupo nila Jayce.

Nalingon ako sa kanila at mas lalong lumakas ang tuksuhan nila. Tinutukso nila si Michael. Jayce didn't seens happy. Hindi siya nakikisama sa biruan. Nandoon lang siya, nakasimangot... nagpapahangin.

"Carly, pwede ka raw bang ihatid mamaya?" tanong ni Ferdinand sa akin. "Pinapatanong ni Michael."

Seryoso ba ang mga ito? May pa-rose pa.

Napakamot na lang ako ng ulo at saka inilagay ang rose sa loob ng bag ko.

Aba, seryoso nga. Inabangan ako ni Michael noong uwian. Sinabayan ako hanggang sa terminal. Hindi ko alam kung paano ko tatanggihan si Michael. In the end, nagpahatid na lang din ako hanggang sa terminal ng jeep.

Hindi ko alam kung meron akong specific na type sa isang tao. Basta ang alam ko lang, kapag palabiro ay hindi seryoso. Palabiro si Michael at lagi siyang bumabangka sa kwentuhan nilang magkakaibigan. Parati ay maririnig mo ang boses niya na nagpapatawa. Kaya kahit seryoso siya, ang tingin ko naman ay hindi siya seryoso. In the end, tumigil na rin siya sa panliligaw sa akin.

Noong lumipat ako sa BPSU, dala ko ang mga gamit ko mula SLU at kasama na roon ang mga gamit ko sa drafting. Kaya lang, sa kasamaang palad, nasira ko ang technical pen ko na 0.1 ang nipis. Kailangan naming iyon sa drawing at wala ni isa sa mga kaklase ko ang mayroon.

"Iisa lang ang complete ang tech-pen sa amin maliban sa iyo. Kaya lang ay hindi naman nagpapahiram 'yon," sabi ni Jenny.

"Try kong manghiram. Sino ang may point 1?" hopeful na tanong ko.

"Si Jayce," sagot ni Jenny.

Kailangan kong ipasa ang drafting. Wala naman akong pambili na ng technical pen. Ang sabi ni Jenny ay nanghihirap siya sa mga archi ng tech-pen. Wala akong ka-close sa archi. Galit nga sila sa akin dahil sa pagkakatalo ni Hailey.

Sinubukan kong hanapin si Jayce. Nakita ko silang magkakaibigan sa library. Doon sila gumagawa ng drawing. Tahimik akong lumapit kay Jayce at naupo sa upuan sa harapan niya.

"Hi," mahinang wika ko.

Natingin si Jayce sa akin. Nakakunot ang noo.

"Pwedeng makahiram ng point 1?"

"Hindi mo ba nakikitang ginagamit ko?" balik na tanong niya.

"Sabi ko nga ay hindi pwede," bulong ko sa sarili ko. "Sige, thank you na lang."

Meh, napahiya ako doon ah!

Mukhang babagsak ako sa drafting. 

In my DreamsWhere stories live. Discover now