Chapter 19- I Love You

357 35 3
                                    

Naging routine na namin ni Jayce ang magkasama sa room man o sa labas. Sabay kaming pumasok. Hinihintay namin ang isa't-isa sa terminal ng jeep bago kami sabay na papasok sa school. Sabay din kaming umuuwi.

Isang gabi, inabot ni mama ang cellphone ko sa akin. Hindi ako nagpahalata na natutuwa. Nakapalot pa nga ito ng plastic, fresh from sanlaan. Siguro ay nabubusit na rin si mama dahil hindi niya ako matawagan. Lagi kong dinadahilan na wala akong cellphone. Hindi ko binibigay ang cellphone number ng mga classmate ko. Minsan, wrong number ang binigay ko sa kanya o kaya ay 'yong number ni Jenny na hindi na ginagamit.

She must be frustrated dahil hindi niya ako makausap para bungangaan anytime.

Kinabukasan, maganda ang gising ko dahil sa naibalik na cellphone. Nagpaload ako sa tindahan na nadaanan ko bago ako sumakay ng jeep papasok. Habang nasa jeep ay nag-message ako kay Jayce.

Carly: Morning.

Hinintay ko siyang magreply. Nasa labinlimang minuto rin ang lumipas bago ako naka-receive ng message.

Jayce: Carly? May phone ka na?

Carly: Tagal naman magreply. Yes, binalik na nag phone ko. Para siguro matawagan ako anytime ng mama ko.

Jayce: Makakausap na rin kita anytine. On the way ka na ba?

Carly: Yup. See you.

Jayce: Okay ingat ka.

Carly: Ikaw din. Ingat.

And I thought our conversation already ended.

Jayce: Love you.

Napatulala ako ng slight nang makita ko ang message ni Jayce.

Love you? Love you!

Hindi vocal si Jayce. We don't even say I Love You to each other. Nakangiti akong nagtype ng reply.

Carly: Can I hear it in person?

Jayce: Hindi ko ba nasasabi sa iyo 'yon?

Carly: Wala akong natatandaang nagsabi ka ng ganyan sa akin, ever.

Jayce: Kailangan bang sabihin lagi?

Napa-ikot ng wala sa oras ang mga mata ko.

Carly: Walang mawawala kung sasabihin mo lagi.

Jayce: And you will reply?

Natawa ako ng bahagya. Natingin ako sa katabi ko na nagbabasa ng message ko. Hindi man lang siya nagkunwaring hindi lantaran sa pagbabasa ng messages ng iba.

Jayce: Kita mo, hindi ka na nagreply.

Ibinaba ko ang cellphone ko at nagtype ng reply.

Carly: May dalahira kasi akong katabi na nagbabasa ng usapan nating dalawa.

Nang mabasa ng katabi ko ang sinned kong message ay saka pa lang siya umayos ng upo at lumingon palayo sa akin.

Carly: Ingat ka Jayce. Kita tayo sa terminal in few minutes. Love you, too.

Nasa terminal na si Jayce nang dumating ako. Nakaupo siya sa upuang kahoy at matiyagang naghihintay.

"Kanina ka pa?" tanong ko agad.

"Mga ten minutes," sagot niya.

Sa tuwing hahawakan niya ang kamay ko gaya ngayon, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng current. There is always a current that flows in my hand whenever we are holding hands.

In my DreamsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant