Chapter 12- 3 Months

329 40 8
                                    

Nashock kaming lahat sa sinabi ni Michael. Natigil pati ang mga naghaharutan na tumatawag sa akin.

May boyfriend ako?

I felt the stare.

Napatingin ako kay Jayce. He was staring at me na parang hinahamon niya ako to contradict what Michael said. I said nothing. I kept quiet.

Hindi ko tinapos ang basketball game. Akala namin ay may klase kami sa English pero mukhang walang Prof noong nasa room kami. Bumili ako ng softdrinks at bumalik sa room namin para magpalamig sa electric fan.

"Carly, sino 'yong sinasabi ni Michael na boyfriend mo?" usisa ni Eric.

"Bakit curious ka?" galit na tanong ni Annie sa boyfriend.

Nagsimula na naman silang mag-away. Hay naku, 'tong dalawa na ito. Ako ang napapagod sa tuwing mag-aaway sila which is madalas.

Dumating ang mga classmate naming nagbasketball. Mga pawisan silang pumasok sa room. Nagsipagtapatan agad sila sa electric fan. Pero si Jayce, lumapit sa akin at ininom ang softdrinks ko. Ang barkada niya naman ay umupo malapit sa akin. Hindi ito nakaligtas sa paningin ng mga kaklase ko lalo na kay Jenny at Annie.

"Bakit... bakit ka nakikiinom ng softdrinks kay Carly?" tanong ni Jenny kay Jayce.

"Ano ang masama?" balik na tanong ni Jayce kay Jenny.

Bukod sa napangalahati mo ang softdrinks ko?

Hindi pa nasiyahan si Jayce sa electric fan, kinuha niya pa ang pamaypay na nasa bag ko at nagpaypay ng malakas.

"Bakit parang pati si Carly ay hindi alam ang nagyayari?" natatawang tanong ni Paulo.

"Kailan pa kayo naging close?" tanong ni Eric kay Jayce.

"Dami ninyong tanong," naiiritang sagot ni Jayce sa kanila. Kinuha ni Jayce ang softdrink ko na tira at inubos.

"Papalitan ko na lang," sabi niya at saka umalis, bitbit ang pamaypay ko.

Ang mga kaibigan namain ni Jayce ay nagkaroon ng sariling usapan. Naiwan ako sa company ni Jenny, Annie at Eric.

"Kayo na ni Jayce? Siya ang sinasabi ni Michael na boyfriend mo?" walang ngiting tanong ni Jenny sabay ismid. "I'll give you 3 months."

"Anong 3 months?" gulat na tanong ko kay Jenny.

"3 months lang ang itatagal ninyo," sabi niya.

I felt insulted.

"Or baka kaya ka niligawan ni Jayce ay dahil kamukha mo si Hailey," sabi ni Annie.

Hindi ako nakakibo. Are they for real?

Bumalik si Jayce na may dalang bagong softdrinks. Binigay niya sa akin iyon. Katabi ko si Jayce pero nakikipagbiruan siya sa mga kaibigan niya. I, on the other hand can't find the words to describe what I am feeling. Why Jenny and Annie are so bitter about Jayce and me? Annie has a boyfriend supposedly.

"Kayo na ni Jayce?" tanong ni Eric.

Napalingon si Jayce sa kanila. Natigil naman sa pagbibiruan ang mga kaibigan ni Jayce. "Bakit ba panay kayo tanong? Ano ba ang problema ninyo?" tanong ni Jayce.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi na ako muling kinausap ni Jenny at Annie. Dumating na rin ang next Prof namin kaya umayos na rin kami ng upo.

No'ng uwian na, hindi ko alam kung kanino ako sasabay. Nauna nang maglakad sina Jenny at hindi ako hinintay.

"Carly, lakad tayo papuntang terminal," yaya sa akin ni Ferdinand.

"Tara," yaya ni Jayce.

Tahimik akong sumunod sa barkada nila.

"Tahimik mo," mahinang bulong ni Jayce sa akin.

"Nag-iisip lang ako," I replied.

"Ano na naman ang iniisip mo? 'Yong mga tanong nila?"

"Actually, ikaw. Naguguluhan ako sayo."

Natawa ng bahagya si Jayce at saka umakbay. Umakbay siya at nakita ng buong barkada niya.

"'Nu ba 'yan Jayce, parang tropa lang ang akbay mo," biro ni Leo kay Jayce. "Ayusin mo pre."

"Jayce! Malapit na kitang suntukin," I murmured na ikinatawa n'ya lang ng bahagya.

"Sabihin mo sa akin kung ginugulo ka nila."

"Ano naman gagawin mo? Babatuhin mo ng monoblock?"

"Sasakalin ko nang tumigil," sagot niya. "Dami nilang alam."

Napabuntong hininga ako. Gumugulo sa isip ko ang sinabi ni Jenny. Sasabihin ko ba kay Jayce? Kailangan niya bang malaman? I decided to tell him. Para naman dalawa kaming mag-iisip at hindi lang ako.

"They are giving us 3 months," I blurted out.

"3 months na ano?" balik na tanong ni Jayce.

"Since bigla ka na lang naging close sa akin at nakikialam ka na sa gamit ko, 3 months lang daw ang itatagal natin."

"Tangina nila, dami nila talagang alam," naiiritang wika ni Jayce. "Kaya ayaw kong nakikipag-usap sa kanila. Sino ang nagsabi no'n?"

"Si Jenny. And kaya mo raw ako niligawan ay kamukha ko si Hailey sabi ni Annie."

"Hindi mo kamukha si Hailey," mariing sagot ni Jayce. Nawala na ang good mood niya. Mas bad trip na ngayon siya kaysa sa akin. "Ang layo ng itsura ninyo."

Mas maganda ako, 'di ba? Sarcastic na sagot ng isip ko.

"Buti naman," mahinang bulong ko.

"Huwag ka ngang nakikinig sa mga iyon. Wala lang magawang matitino ang mga iyon."

Napahinga ako ng malalim. Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi nila Jenny at Annie kahit sinabi na ni Jayce na hindi ko kamukha si Hailey.

Hanggang sa makarating kami sa terminal ng jeep ay hindi na ako kumibo. Pinapanood ko ang interaction ni Jayce sa mga kaibigan niya. He looks different person kapag kasama niya ang mga kaibigan niya. Hindi siya masungit. He is laughing with them na madalang kong makita sa classroom. Napansin ko na marami lang napapatingin sa amin lalo na ang mga taga BPSU.

Naguguluhan ang isip ko nang mapag-isa ako sa kwarto ko that night. It's still early, 9:30pm so I decided to message Jayce.

Carly: Gising ka pa?

Jayce: Bakit?

Carly: Kailangan kitang makausap.

Jayce: Tungkol saan?

Carly: Naguguluhan kasi talaga ako sa iyo.

Jayce: Ma-overthink ka pala.

Carly: Jayce! What are we?

Jayce: Sinabi ko na sa iyo kahapon a.

Carly: You need to spell it out for me. Kung nanliligaw ka, you need to tell me or else I will not know.

Jayce: I am your boyfriend, Carly.

Carly: Kailan pa?

Jayce: Kahapon.

May sinabi ba siya kahapon? May sinabi ba ako kahapon?

Carly: Wala akong natatandaan na nanligaw ka.

Jayce: Alam na sa buong campus na tayo at hindi mo rin naman tinanggi kanina.

Carly: Parang kasalanan ko pa!

Jayce: Wala akong sinabi gano'n. Matulog ka na, may pasok pa bukas. See you tomorrow.

Carly: Ok. Good night.

Jayce: Good night. Sleep well.

Bakit nga hindi ko tinanggi. To think na pwede ko naman linawin ang lahat na hindi kami. Pero kami ba talaga? Gano'n lang 'yon? Hindi siya manliligaw? Ang rupok ko naman pala kung gano'n. 

In my DreamsWhere stories live. Discover now