Chapter 6- Style

377 43 3
                                    

The struggle is real sa drafting. Drawing is not my strength and although I can draw lines, without the pens I need, mas lalo akong nababawasan ng points. Plus, pahirap nang pahirap ang lessons.

One night, habang sumusuko na ako sa paggawa ng assignment sa drafting, I messaged one of my classmates na alam kong magaling sa drafting.

Carly: Pa-copy ako.

No reply after a few minutes.

God Lord, babagsak nga yata ako sa drafting.

Carly: Please... pa-copy ng plate.

Jep: Sino ka?

Carly: Si Carly. Please, Jep.

Jep: Hindi ako si Jep.

Nakunot ang noo ko. I know, ngayon lang ako nag-message kay Jep and I got his number from one of my classmates din. Pero hindi kaya pinagti-tripan ako ng mga kaklase ko?

Carly: Oh sorry. I got your number from our classmates. May I know kung sino ka?

Jep: Style mo!

Carly: 'Di 'wag.

Craming ako kinabukasan. Nasa library ako at nagmamadali sa paggawa ng drawing plate nang mayroong nag-occupy ng upuan sa tabi ko. Hindi ko na sila papansinin sana nang magsalita si Michael.

"Hindi ka pa tapos?" tanong niya.

Napatingin ako kay Michael. Ang buong barkada nila ay in-occupy na ang mahabang table sa tabi ko.

Umiling ako at bumalik sa ginagawa.

"Gagawin ko sana kagabi kaya lang hindi ko ma-imagine ang drawing. Nag-message naman ako kay Jep para kumopya pero hindi raw siya si Jep so..." Nagkibit ako ng balikat. Bakit ba nagpapaliwanag ako?

"Bakit hindi ka sa amin nag-message?" tanong muli ni Michael.

Natawa ako ng bahagya. "Wala ako ng number ninyo," sagot ko naman.

"Bakit nga ba hindi mo kinukuha ang number namin?"

"Wait lang, tapusin ko muna ito," I replied.

"Kanino ba 'yang kinokopyahan mo? Mali naman ay!" sabi ni Michael na ikinalamig ng katawan ko.

Muli ay napatingin ako sa gawi nila. Jayce was there with scowl in his face.

"Kay Jenny," I replied. "Mali ba?"

Kinuha ni Michael ang drawing ni Jenny at pinakita sa kabarkada niya. Nagtanguan sila. Napadukmo naman ako.

Kailangan kong ulitin. Mayroon na lang akong isang oras.

Huminga ako ng malalim at pinilit kumalma.

"Alin ang mali? Pwede bang pakitama dito tapos uulitin ko na lang?" Binigay ko sa kanila ang ginagawa ko na magiging scratch paper na. Dalawang oras ko ng ginagawa ang drawing plate na ito pero mali naman pala.

"Itama mo na, Jayce. Ikaw ang magaling diyan," sabi ni Michael.

Kinuha ni Jayce ang papel na nilapag ko sa harapan nila at tiningnan. Pagkatapos ay nagsimula siyang magguhit. Ilang sandali pa ay inilapag niya ang drawing sa harapan ko na may correction niya.

"Thank you." Wala na akong panahon para mahiya sa kanila.

Nagmamadali akong inulit ang drawing ko. Ginaya ko ang correction ni Jayce. At para sa line na kinakailangan ko ng point 1, natingin ako kay Jayce.

"Ginagamit mo ang point 1 mo?" nahihiyang tanong ko.

His friends chuckled and tapped his shoulder.

"Pahiramin mo na," sabi ni Ferdinand.

Mukhang napipilitan si Jayce na inaabot ang tech-pen nila. Ilang minute na lang at magti-time na naming. Nagmamadali akong nilagyan ng hidden lines ang drawing ko.

Nang matapos ay doon lang ako napahinga ng maluwag. Sinauli ko ang tech-pen ni Jayce at nagpasalamat.

Iyon ang pinakamataas kong drawing plate sa lahat ng pinasa ko. Nagtataka pa nga ang Prof namin at pinakatitigan pa ang gawa ko. Kinukumpara ang lettering sa mga past submission ko kung ako nga ba ang gumawa.

Iyon ang unang beses na 'nakausap' ko si Jayce kung usap mang matatawag iyon. Out paths never cross kahit magkaklase kami. Sa basketball court ko na lang siya madalas makita. Sa room naman ay parati siyang nasa likod.

Speaking of classmate, si Eric ay madalas na tumatawag sa phone ko, asking nonsense. Kapag nakikipag-kwentuhan naman ay nonsense din ang mga sinasabi.

"Ihahatid na kita," sabi ni Eric sa akin isang araw.

"Hindi na," sagot ko naman.

"IIsa lang ang daan natin," pangungulit ni Eric.

"Mas mauuna kang bumaba ng jeep. Mas malayo ang bahay ko."

"Basta ihahatid na kita," pamimilit nito.

"Ayaw ko nga sabi," naiinis na sagot ko.

Nagpumilit pa rin si eric na ihatid ako na labis kong ikinainis. Ano ba ang hindi nila maintindihan sa salitang 'ayaw kong magpahatid'? Hindi rin naman sila makakapunta sa bahay namin. Never akong nakapag-invite ng kahit classmate sa bahay. My mother doesn't want me to have friends kaya siguro ganito ako ka-aloof sa mga tao.

Hindi ko sinagot na ang messages at tawag ni Eric. I am done being polite with him.Kinabukasan, Eric demands to know why I didn't reply to him. He demanded na parang boyfriend ko siya. Gumawa pa siya ng eksena na tinawanan lang ng buong classroom.

Hindi ko alam na ang pagsagot ko ng mga messages at pagiging polite sa mga tawag ay bibigyan niya ng ibang meaning.

That afternoon, I saw Eric and Annie together. Sa isip ko naman, 'Oh, good.'

Hindi na rin nag-message si Eric sa akin kinagabihan na ikinapagpasalamat ko. Two more days passed and Eric and Annie became super close. Iyon lang ang napasin ko sa kanila at hindi na muling binigyan pa ng pansin after. Ang napapabalita ay mag-on na sila ni Annie.

A week passed, and Eric confronted me.

"Hindi ka ba nagseselos?" tanong ni Eric sa akin. Narinig din ito ng mga kaklase ko. Natahimik ang buong classroom.

"Huh?" Naguguluhan akong tumingin kay Eric mula sa notebook na sinusulatan ko ng mga poems ko.

"Sa amin ni Annie," sagot ni Eric.

"No. As matter of fact, masaya ako na mag-jowa na kayo." At tinigilan mo na rin ako sa wakas.

"Hindi ka talaga nagseselos?" pamimilit ni Eric.

"Bakit naman ako magseselos?" naguguluhang tanong ko.

Nagtawanan ang mga kaklase ko. Namula ng kaunti si Eric.

"Ahh, pinagseselos mo lang ba si Carly para pansinin ka?" natatawang tanong ni Paulo, isa sa kaibigan ni Jayce.

Nagpalakpakan pa ang mga kaklase ko habang tumatawa.

"Hindi talaga, Eric," I murmured.

Mabilis na tumalikod si Eric at umalis. Sinundan siya ni Annie at hinabol palabas.

"Carly, isa na namang luhaan ang nasama sa listahan mo," biro sa akin ng mga kaklase ko.

May listahan ba? Wala namang listahan.

"Ano ba kasi ang hinahanap mo at walang nakakapasa sa dami ng nanliligaw sa iyo?"

Luh, may mga nanliligaw ba?

"Usa sa lahat, kailangan matangkad sa akin," biro ko dahil kakaunti lang naman ang mas matangkad kaysa sa akin.

Hindi ko naman akalain na magkakatotoo ang biro ko. 

In my DreamsWhere stories live. Discover now