Chapter 20- That Morning

318 35 4
                                    

"Sino 'yan?"

Nagulat ako nang biglang magsalita si Jayce sa likod ko. Naglalakad ako papasok sa campus at hindi ko namalayan na may tao sa likod ko. Dahil sa mga messages na binabasa ko na siguradong nababasa ni Jayce dahil mas matangkad siya sa akin at nakikita niya mula sa likod ko ang binabasa ko.

"Hindi ko alam kung sino."

"Daming nagme-message sa 'yo."

Nagkibit ako ng balikat. "May nagbigay nga ng load. Hindi ba ikaw 'yon?"

"May nagbigay na naman ng load sa 'yo?" tanong ni Jayce na may himig ng iritasyon. Nakaagapay siya sa paglakad sa akin.

"Yes, hindi ba ikaw?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi," maikling sagot n'ya.

Bakit ka galit?

Natawa ako ng bahagya. "Kailan moa ko bibigyan ng load?" biro ko kay Jayce.

He snorted. "May nagbibigay naman na sa iyo. 'Wag mong re-replya-an 'yan!"

"Selos?" natatawang biro ko.

Hindi kumibo si Jayce.

"Hala, selos nga?"

"Hindi ah!" tanggi niya. "Bilisan na natin. Late na tayo."

"Jayce!" tawag ko sa kanya. Iniwan niya akong nangingiti.

Sa bahay, habang kausap ko si Jayce at binibiyan ako ng instruction paano susukatin ang technical drawing namin, lumapit ang kapatid ko sa akin at kinuha na lang bigla ang mga gamit ko.

"Hoy!"

"Kailangan ko," sabi ni Toppe.

"Ginagamit ko eh!" sigaw ko dito. Binaba ko muna ang cellphone ko habang unti-unting nagdidilim ang paningin ko sa kapatid ko.

Matanda ako ng isang tao dito. Engineering din ang course niya, Mechanical, kaya kailangan niya rin ng mga technical pens. Pero ginagamit ko naman at ang bastos naman nito para kuhanin na lang.

"Gagamitin ko!" sigaw rin ni Toppe. Narinig kami ni mama.

"Ano ba?!" sigaw ni Mama sa amin.

"gagamitin ko kasi. Ayaw magpahiram ni Ate," sumbong ng kapatid ko.

"Ginagamit ko eh!" katwiran ko.

"Bigay mo kay Toppe 'yang gamit. Panganay ka, magbigay ka!" utos ni Mama.

"Ginagamit ko nga!" mangiyakngiyak na sagot ko.

"Isa pang sagot, Carly, tatamaan ka! Ibigay mo 'yang mga gamit!"

Nakangisi ang kapatid kong kinuha ang mga gamit sa table. Naiwan ang hindi tapos na plate na ginagawa ko. Ultimo lapis ay kinuha.

Naiiyak akong nagligpit. Nalimutan ko si Jayce na kausap ko pala kanina bago ako guluhin ng kapatid ko.

"Hello—" Narinig ko ang mahinang boses ni Jayce.

Dinampot ko ang cellphone ko at pinunasan ang mga luha.

"Hello."

"Ano ang nangyari?" tanong niya.

Napasinghot ako ng kaunti bago sumagot. "Nag-away kami ng kapatid ko. Hindi ko matatapos ang plate."

"Maaga kang pumasok bukas," wika ni Jayce. "Sa school mo na tapusin."

"Mukhang gano'n na nga ang mangyayari."

"Okay ka lang?" Nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses ni Jayce. Kahit papaano ay napangiti ako kahit nangingilid ang luha ko.

"Panganay eh. Kailangang magbigay."

In my DreamsWhere stories live. Discover now