Chapter 25- Ms. Jag

427 34 2
                                    

"Bakit hindi kita estudyante?"

Nagulat ako sa nagsalita sa likuran ko. Pagtalikod ko ay nakita ko si Sir Cornejo, ang bagong Prof nila Jayce. Napalinga ako sa hallway. Bakit parang walang tao sa paligid?

"Sir?" alanganing bati ko.

I saw how he looked at me from head to toe and back to my breasts before he smiled and looked at my eyes. Kinilabutan ako.

"Akala ko ay EE ka," sabi nito.

Tumango ako. "May back subjects po kasi ako due to transferee ako."

"I see. Sayang naman," sagot ni Sir. "Free kang makiupo sa subject ko."

No thanks. "Sige Sir, kapag may time ako."

"Nakatunganga ka lang naman diyan sa labas habang hinihintay ang... boyfriend mob a ang hinihintay mo?"

"Ah, si Jayce..." I replied sabay kibit ng balikat.

"Ilang taon ka na? Carly ang pangalan mo, right?"

"Eighteen," I murmured.

Tumango ito. "Nasa tamang edad..."

"Ano Sir?"

"Wala," mabilis na sagot niya.

"Carly," I heard Jayce and an arm dropped to my shoulder. "Kanina ka pa?" tanong ni Jayce. "Sir," bati ni Jayce kay Sir Cornejo.

"Huwag mong iniiwan ang girlfriend mo kung ayaw mong maagaw," biro ni Sir Cornejo kay Jayce. Ang awkward.

Ngumit si Sir Cornejo bago nagpatuloy sa paglakad palayo sa amin. Napabuga ako ng hininga nang makalayo siya.

"Ano ang ginawa..."

"Wala naman Jayce pero buti dumating ka agad."

Tinanaw ni Jayce si Sir Cornejo na paliko sa Faculty Room.

"Huwag kang mapapag-isa kapag nandiyan si Cornejo. Umalis ka lang parati kapag kinakausap ka niya," bilin ni Jayce.

"May alam ka ba na hindi ko alam?" tanong ko kay Jayce.

Umiling siya. "May mga bali-balita," sabi nito. Umiling muli si Jayce. "Basta iwasan mo siya."

"Okay," maikling sagot ko. Naririnig ko rin ang mga bali0balita na iyon tungkol sa bagong Prof.

Kung totoo man o hindi na mahalay ang Prof na iyon ay hindi ko alam. Ang tsismis na narini ko mula kay Ate Sheila sa canteen ay may mga student daw na giniipit si Sir Cornejo. Kapalit ng pasado na grades ay sex. Some students daw ay walang magawa kung hindi pumatol sa gano'n. Some students are scholars na kailangang i-maintain ang grades. Mabuti na lang at hindi ko siya Prof. Hindi ko na lang sinabi kay Jayce ang paraan ng pagtingin sa akin ni Sir Cornejo kanina.

PE namin at hinati ang klase sa dalawang team. Exempted ako sa mid-term dahil nanalo akong Ms. Engineering and Architecture. Laking pasalamat ko dahil hindi ako marunong mag-volley ball. Kaya nanonood na lang ako sa bench kasama ang Prof namin sa PE habang naglalaro at nagkakapikunan ang mga kaklase ko.

"Carly, oo ng apala, may Ms. Jag Philippines na gaganapin dito sa campus, nakasali ka ba?" tanong ni Ma'am Carbajal sa akin.

"Hindi po ako mahilig sa pageant," sagot ko. Natawa ako sa Jenny na iniwasan ang bola.

"Sayang ang height mo. Hala, ipapalagay ko ang pangalan mo sa contestant."

"'Wag na Ma'am. Wala rin akong pants dahil bitin ang mga pants sa akin," totoong biro ko kay Ma'am.

"Exempted ka sa finals kapag sumali ka."

Tempting.

"Basketball ang finals natin."

In my DreamsWhere stories live. Discover now