Chapter 16- The Reason

369 35 3
                                    

"Hindi kita makausap sa gabi. Wala bang ibang way para makuha ang phone mo?" Nasa library kami ni Jayce at gumagawa ng drawing plate. Ako lang pala ang gumagawa dahil tapos na siya.

"Wala. Unless tubusin ko ang phone ko na isasanla ulit ni mama after," mahinang sagot ko. "Sayang lang ang pera. At hindi ko alam kung nasaan ang papel ng pagkakasanla ng phone."

Jayce phone appears in front of me. "Gamitin mo ang phone ko."

I made face. "Paano kung mag-message si Hailey?" biro ko sa kanya.

"Naghahanap ka na naman ng away. Hindi ko ka-text si Hailey," mabilis na tanggi ni Jayce. Natatawa akong napapailing.

"Jayce, nawawala na naman 'yong broken line," frustrated na wika ko. Tinuro ko ang drawing na ginagawa ko.

"Ako na nga ang gagawa. Ang bagal mo," sabi nito.

"Ituro mo lang. Hindi ako matututo kapag parati mong ginagawa ang drawing ko."

Jayce patiently taught me until I figured out the drawing.

"Jayce, may tatanong lang ako. Curious ako sinabihan ako ni Michael na mag-iingat ako kay Sir Calderon," bulong ko kay Jayce.

"Bastos kasi sa babae 'yon," sagot ni Jayce. "Hindi ka ba niya pinahirapan?"

Umiling ako. "Mukha nga siyang disappointed sa akin dahil nasasagot ko ang mga exams niya."

"Gano'n 'yon. Kung bumagsak ka sa kanya, baka iba ang hiniling sa iyo no'n para makapasa."

Napatingin ako kay Jayce. Nakataas ang isang kilay ko silently asking him if that was true. Tanging tango ang ginawa ni Jayce.

"May kilala kang victim niya?" curious na tanong ko.

"Meron."

"Sino?"

Umiling si Jayce. "Hindi mo na kailangang malaman."

I snorted. "Ang hirap mong ka-tsismisan, sis."

"I am glad you are smart. Hindi ka nagka-problema kay Calderon."

"I know, right? Sa drawing lang talaga ako babagsak."

Natawa ng bahagya si Jayce. "Huwag mong ibahin ang usapan. Use my phone para makausap kita."

"Baka maisanla din 'yang phone na iyan, Jayce."

"Paano nga kita makakausap sa gabi?"

"Err, hindi mo ako makakausap," natatawang sagot ko. Nagsisimula ng mairita si Jayce at natatawa na naman ako.

"E kung mag-absent ka na naman ng dalawang araw?" balik na tanong niya.

"Akala ko hindi mo napansin na absent ako," I pouted. Yawa, I pouted. Parang hindi bagay sa akin.

Jayce rolled his eyes. "Syempre napansin kong wala ka."

"You were looking for me?" naglalambing na tanong ko.

Jayce snorted. "Syempre naman."

Yaaahh...

"May tanong pa ako pero huwag kang magagalit."

"Huwag na nating pag-usapan si Hailey..."

"Uy bakit mo alam na iyon ang itatanong ko?"

Natawa ng bahagya si Jayce. Hinawakan niya ang kamay ko at sinusubukang burahin ang mga tinta na kumalat sa mga daliri ko.

"Dahil tumataas ang isang kilay mo kapag siya ang pinag-uusapan," Jayce replied.

Luh, hindi ako aware.

In my DreamsWhere stories live. Discover now